04

27 1 0
                                    

Sobrang ikli talaga nung mga ibang chapter pero sa mga susunod na chapter ay hahabaan ko na po talaga.

Sorry po kung minsan napuputol, Busy pa rin po kasi kailangan humabol sa grades kasi last grading na..

VOTE AND COMMENTS.. thank you..

Nandito ako sa park malapit sa Subdivision namin.Dito ako pinapunta ni angel.Dahil ngayon niya nga sasabihin saakin yung ipapagawa niyang kapalit doon sa pagiging chismosa ko.Tsskk..Ang babaw ng dahilan kaasar -__-
Maya maya ay nakita ko siyang bumababa sa motor niya.Nakapangbahay lang siya pero ang lakas ng dating! Pagbaba niya ng motor,pinagtinginan naman siya ng mga grupo ng mga babae na nakatambay doon sa Isang bench.Nilibot niya ang mata niya para hanapin siguro ako.Tinaas ko naman yung kamay ko at kumaway kaway pa ako.Ng makita niya ako tinarayan lang niya ako.Angel ang pangalan pero ang sama ng ugali. -__-
Lumapit siya saakin ng wala man lang emosyon sa kanyang mukha,tapos yung grupo ng mga babae eh ang sama ng tingin saakin.Huh! Mga echoserang frog! Syempre saakin siya lalapit.Ngumisi lang ako sa kanila dahilan ng paglaki ng mga mata nila.

"Oh? Ano nga kasi yung ipapagawa mo saakin?" Irita kong tanong.



"I need your help"huh? Ano daw? Help? As in H-E-L-P? help saan?

"Tulong saan naman yan?" Naguguluhan kong tanong sa kanya..


"TO BRING HER BACK TO ME..." Ah.Gusto niyang tulungan ko siya na maibalik sa kanya yung nicole na yun? Tssk..Ang tanga din nito eh noh?HINIWALAYAN NA NGA BABALIK PA.Pinapakita niya lang doon sa babae na mahina siya.Pero sabagay,hindi mo rin siya masisi dahil nagmamahal lang naman siya.At kapag LOVE na talaga ang naramdaman,Walang mataas na bakod ang di kayang akyatin,walang malalim na tubig ang di kayang languyin.Hayss.Pag-ibig nga naman...

"Per-" hindi ko pa tinatapos yung sasabihin ko, tinalikuran niya na ako -__-



Umuwi na ako sa bahay at dahil nakaramdam na naman ako ng gutom, naghalungkat ako sa ref.kung mayroong makakain.Ay yun oh! Ang daming laman ng ref.Kumuha ako ng ice cream at Isang mangkok ng Salad ^__^ nagtimpla rin ako ng Orange juice.Binuksan ko yung t.v sa sala at nanuod nalang ng Movies.Pinaka gusto ko talaga sa lahat ay yung SLAMDUNK! ang kyut kasi ni Sakuragi eh.Hahahaha tapos ang Henyo pa Daw niya. Parang may kahawig nga siyang pilipino eh.Teka sino nga ba yun? Ah.oo! Si Marc Pingris.pareho sila ng galaw. Eh.Hahaha!



After kong manuod ng Slamdunk! Umakyat na ako sa kwarto ko.Naligo muna ako dahil nilalagkit na ako kanina pa.Nagbihis narin ako ng pantulog para diretso tulog na kahit 8:00 pm palang.Lumipas ang sampung minuto pero hindi parin ako nakakatulog!!.
Napagdesisyunan ko nalang na Bumaba para magtimpla ng gatas,yun kasi ang pampatulog ko.

Pagkatapos ko magtimpla aakyat na sana ako para doon ubusin ang gatas ko ng mapansin kong Bukas ang sliding door papunta sa Garden.Lumapit ako para isara ito ng marinig ko ang boses ni kuya..

"Basta,gagawin natin ang lahat para iwasan ka na ng Lalaking yun.."  iritang sabi ni kuya.Parang wala siya sa Mood ano kayang meron?Hayss.Bahala nga siya diyan after niya akong sabihan ng masasakit na salita Akala niya Ok na ako? No! Ang sakit lahat ng sinabi niya.



The Revenge Of One Fat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon