Uwian na nila at kumain sina Caitlyn,Selena,Jennifer at Pauline sa Caféteria.
At palagi pa rin nasa isip ni Caitlyn yung nakita niyang multo at lagi na siyang nakatulala at tahimik. Pero di muna niya inisip yun dahil date nilang mag bebestfriends yun. Kung iniisip niya palagi iyon ay lagi siyang napapansin siguro ng mga bestfriends niya ay lagi siyang nakatulala na may iniisip na tungkol sa nangyari nung nasa school sila.
After nilang magkainan at magkakwentuhan ay masaya sila pauwi sa kani-kanilang mga bahay.
Nung gabi na, si Caitlyn ay nag-aayos na siya ng gamit niya sa pagtulog niya at kakatapos lang niya gumawa ng mga assignments. Pumunta sa bathroom si Caitlyn para mag toothbrush at pagkatapos niyang mag toothbrush ay iinom siya ng gamot niya na nakalagay sa likod ng salamin sa bathroom at pagkakuha niya ay sinara niya na ang lalagyan ng mga gamot niya. At sa pagsara niya ay may nakita siyang multo sa likod niya at nagulat siya at lumingon agad aiya sa likod niya at wala namang tao o kahit sinuman sa bahay kundi siya lamang. At tumakbo siya sa kanyang kwarto dahil sa takot niya. At pinilit niyang makatulog.
Pasukan na ulit nila at pumasok na si Caitlyn sa school niya.
At nung nasa school na siya ay pupunta na siya sa room nila. At nang makapasok na siya sa room ay ang iingay nilang mag kakaklase at mga ilang minuto ay dumating na ang kanilang "Professor Daniel". At mga ilang sandali ay may malakas na sigawan sa kabilang building ng school at bigla silang pumunta doon at nakita na nilang namatay ang kanilang adviser teacher na si Mrs. Dela Cruz.Gulat na gulat sila sa pangyayari, di pa nila alam kung ano ang nangyari sa kanilang teacher dahil hindi sila makadaan sa sobrang daming estrudyanteng nakasilip sa pangyayari. At nakakatakot ang pangyayari kuwento ng mga estrudyante at tinanong nila Caitlyn kung bakit. At ang sabi nung isang estrudyante na nakakita kung paano namatay si Mrs. Dela Cruz,ang kuwento nung estrudyante ay.
"Nung pumasok ako sa loob ng room ng "Section 1-A" Nakita ko si Mrs. Dela Cruz na nilalaslas niya ang kanyang kamay at leeg niya at may nakita akong lubid na nakatali doon at walang katao-tao sa loob ng room kundi siya lamang. Sinusubukan ko siyang pigilan kaso ayaw niya at tumawag ako ng mga security at nung tumakbo kami papunta sa room ay nakita na lang namin siya ay patay na.".
At nagulat sila Caitlyn sa kinuwento ng estrudyante, at umiyak nang tuluyan ang estrudyante dahil matagal niya nang kilala si Mrs. Dela Cruz.
Mga ilang minuto ay sinuspended na nila ang pasok nila ngayon hanggang bukas. At umuwi na sila Caitlyn at di sila makapaniwala sa pangyayari tungkol kay Mrs. Dela Cruz.