Chapter 17

4.7K 203 25
                                    


Hindi namalayan ng dalawa na pasado alas sais na ng gabi nang matapos nila ang mga pelikulang pinanood.

"Ivan, pwede magtanong?"

"Ano 'yun?" tanong din ni Ivan habang pinapapak ang Pringles.

"Um." Nagdadalawang-isip si Errol kung magtatanong ba o hindi. Sandali itong natahimik.

"Huy," saad ni Ivan na tinapik ang katabi, "ano 'yung itatanong mo?"

"Ah, eh, kasi, bakit ang bait mo sa akin?"

Ngumisi si Ivan. "Next question please."

"Uy, bakit nga?" tanong ulit ni Errol na napalingon ng sandali kay Ivan na nakangisi. "Kasi kung tutuusin hindi mo naman ako kilala, pero napaka-thoughtful mo sa akin."

"Ikaw ha, baka san mapunta 'tong usapan na 'to," sagot ni Ivan sabay siko sa tagiliran ni Errol.

Hindi na nagpumilit si Errol. Medyo nahiya rin ito. Iniisip niyang baka kung ano na iniisip nitong katabi niya. Kung ano man iyon, malamang tama siya. Apat na araw pa lang silang magkakilala pero parang matalik na silang magkaibigan. Nahihirapan na rin ang binatang ikubli ang kilig na nadarama nito sa tuwing magtatama ang tingin nila ni Ivan o kaya naman ang nadarama nitong tila pagdaloy ng kuryente sa katawan niya sa tuwing nagdidikit ang kanilang balat.

"Hala, gabi na. Hindi ka pa ba hahanapin sa inyo o sa store mo?" tanong ni Errol kay Ivan habang nilalabas ang blu-ray disc mula sa player at binabalik ito sa lalagyan nito.

"Hindi. Nagbilin na ako sa assistant ko na wala ako ngayong hapon. Papanhik naman ako dun mamayang gabi."

"Magpapagabi ka talaga dito?"

"Ayaw mo?"

Nasulyapan ni Errol ang pilyong ngiti ni Ivan kaya umiwas kaagad siya ng tingin. "Okay na naman ako. Di ako kailangang bantayan."

"Tingin ko nga. Pero dito na lang ako kakain." Binuksan ni Ivan ang refrigerator nina Errol upang tingnan ang laman nito.

Ngumiwi si Errol sa hiya. "Eh, hindi ako marunong magluto."

Kumunot ang noo ni Ivan. "Seryoso? Kahit magsaing?"

"Ah, 'yun alam ko. Specialty ko 'yun."

"Wow, at least, may alam ka pala kahit papa'no."

"Marunong din akong magprito ng itlog."

"Uy, 'wag 'yun!" pilyong saad ni Ivan sabay dakma sa sariling harapan na ikinabigla ng kausap.

Nabigla si Errol sa akto ng kasama at umiba ng tingin, pero nagulat siya nang biglang lumapit si Ivan sa kanya at bumulong.

"Yung itlog pang-breakfast lang." Nakadakma pa rin ang isang kamay sa sariling harapan.

"Uy..." Ito na lang ang namutawi sa bibig ni Errol na noo'y nakaramdam ng magkahalong kilig at asiwa. Medyo naitulak nito si Ivan na humagalpak sa katatawa sa gilid niya. Hindi mapigilan ni Errol na mapalingon sa binatang kasama at pagmasdan ang masaya nitong mukha, ang ningning sa mga mata nito habang tumatawa, ang pantay nitong mga ngiping mapuputi, at ang malarosas nitong mga labi. Parang tumigil na naman ang oras hanggang sa maramdaman niyang tinapik siya ng kasama sa balikat.

"Hala si sir natulala na naman."

"Ha, ah, eh..." Biglang binawi ni Errol ang titig.

"Ikaw, sir, ha. Napapadalas na 'yang pagkatulala mo sa akin ha."

"Ha? Wala. May iniisip lang ako."

"Sino, Sir Errol? Ako?"

Napangiti na lang si Errol at napayuko. Sobrang kilig ang nadarama niya at hindi niya malaman kung sisigaw o maglulupasay. Pero ang mainam gawin sa tingin niya ay umastang parang wala lang ang lahat.

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon