Tama nga naman si Bryan sa palagay niyang galit si Cindy sa kanya. Hindi lang galit ang nararamdaman ng babae, kundi pagkabwisit dahil sa tila pagsawalang bahala nito sa kanya. Hindi nga niya naalalang may allergy siya sa alak. Naiwang nakabukas ang alak sa mesa nila. Ang dapat sana'y dinner ay naging nakakairitang gabi para sa dalaga.
Pagkatapos kumain ay pumunta si Cindy sa restroom upang umihi. Tumayo siya na hindi nagpaalam sa lalaking alam niyang napaangat ang tingin sa kanya nang tumayo siya. Kahit naaawa sa itsura ng dating nobyo ay namamayani ang inis sa kanya. Habang nasa loob ng toilet cubicle ay narinig nitong pumasok ang dalawang babaeng nag-uusap.
"Ang pogi nung lalaki!" saad ng isang babae sa kanyang masiglang boses.
"Yung nakablue na polo?" tanong ng pangalawang babae.
"Oo!"
"Tingin nang tingin sa akin kanina."
"Kinikilig ka naman."
"Syempre. Sino naman ang hindi kikiligin sa kanya?"
"Pero di ba may gf?"
"Yung kasama niya? Parang di naman sila nagpapansinan."
"Baka may LQ lang. Ikaw naman nagpapacute ka. Baka kalbuhin ka nung girl."
"Parang hindi LQ, eh."
"Pa'no mo naman alam 'yan?"
"Hula lang. Tsaka panay sulyap sa akin nung pogi. Mukhang nabighani sa ganda ko."
"Assuming ka rin, ha. So kaya ka nagpapaganda ngayon?"
"Why not? Baka ayain akong magdate somewhere else."
Natawa si Cindy sa narinig. Inikot na lamang nito ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. Nang matapos siyang umihi ay lumabas siya ng cubicle at tumabi sa mga babae. Nagulat ang mga ito at biglang tumahimik. Hindi sila pinansin ng babaeng nagpahid ng lipstick, inayos ang buhok, at nag-retouch ng kanyang makeup at mascara.
Lumabas siya ng banyo nang tahimik at lumapit sa mesa nilang dalawa ni Bryan. Sumenyas ang babae sa waiter upang ibigay sa kanila ang bill, ngunit sabi nito ay nabayaran na ni Bryan ang kanilang mga kinain. Mas lalong uminit ang ulo ng dalaga.
"You really wouldn't change, would you?" Nakita ni Cindy ang gulat sa ekspresyon ng mukha ni Bryan.
"Babe..."
"Don't babe me! Magmamaang-maangan ka na naman." Numinipis ang mata ng dalaga. "This night is over. Thanks for the invitation."
"Ihahatid na kita." Agad na tumayo si Bryan.
"I know my way home." Naglakad na patungo sa pintuan ng fine dining venue si Cindy. Narinig niyang nagsalita ito sa kanyang likuran ngunit hindi siya lumingon.
"Badtrip naman!"
Narinig ni Cindy na sinundan siya nito.
"Cindy, ihahatid na kita."
"No."
"Sige na please. Kahit hatid na lang. Kahit ito na ang huling hatid ko sa iyo."
"Bakit ba ang kulit mo?" Nakakunot ang noo ni Cindy habang nakatutok ang dalawang mata sa binata. Nagtinginan sa kanila ang ibang papasok ng restaurant.
"Badtrip naman, oh! Ano ba gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?"
Natawa si Cindy sa narinig. "Ah, so badtrip na naman ako? Nung Sabado badtrip ako kasi panira ako sa anger management issues mo. Ngayon badtrip na naman ako."
"No, hindi ikaw. Hindi ganun. Hindi mo naiintindihan -- "
"Talagang hindi ko naiintindihan, Bryan! Hindi ko maintindihan kumbakit nagkarelasyon tayo, kumbakit pinagtiisan ko ang ugali mo ng limang taon." Pinandilatan ni Cindy ang dating nobyo. Galit na galit ito.
Sinapo ni Bryan ang mukha pagkatapos ay ginapang ang palad papunta sa kanyang buhok. "Cindy, please pag-usapan natin ito ng mahinahon."
"Mahinahon?" Nakapamewang na ang dalaga. "Look who's talking! Sa'yo pa talaga nanggaling ang salitang mahinahon."
"Sige na, Cindy, kahit friendship na lang natin, oh. Sige na naman, oh." Umiiyak na si Bryan. Halos lumuhod na ito sa harap ni Cindy.
"Stop this, Bryan. Nagmumukha akong maldita dito ngayon, eh." Maluha-luha na rin si Cindy. "Alam mo, I came here... I accepted your invitation for two reasons. Una, para tumigil ka sa pangungulit sa akin. Pangalawa, to hear you out. Gusto pa rin kitang bigyan ng chance after all your failures, pero wala, eh. Looks like you're not going to change, Bryan. You're a hopeless case. Good luck to your next girlfriend. Bumalik ka na sa loob. I think she's there!" Kita sa mukha ni Cindy ang galit. Hindi nito napansin na pumatak ang luha mula sa mga mata nitong nakadilat kay Bryan.
"Ano bang gagawin ko para mapatawad mo ako?"
"Wala! Just leave me alone. Get a life, Bryan! Mayaman ka. You can get any girl you want."
"The only girl I want is you."
Napailing na lang ang dalaga. Subalit aminado siya na may bahagi sa kanyang buso na kumislot sa narinig. Pero ayaw niyang magpatinag. "This is going nowhere. Good night, Bryan." Tumalikod na si Cindy at naglakad papalayo. Hindi na nito napigilan ang damdamin at umiyak nang lihim. Gusto nitong humagulhol habang kausap ang dating nobyo ngunit tinatagan nito ang loob. Ayaw nitong makita ni Bryan ang kahinaan niya ng loob. Ayaw niya rin makitang umiiyak ang dating nobyo dahil... Baka magbago ang isip niya.
Lumiko si Cindy sa isang kalye upang doo'y mag-abang ng taxi. Habang naglalakad ay biglang namatay ang mga ilaw. Kinapa niya ang cellphone sa kanyang bag. Hindi ito gumana. Nakailang pindot na siya sa power button nito, bagay na pinagtakhan niya dahil alam niyang hindi pa naman paubos ang baterya nito. Lumingon-lingon ang dalaga, ngunit wala siyang maaninag. Napagtanto niyang malamang malawakang blackout ito. Ngunit ang pinagtataka niya ay maging ang mga kotse ay wala ring ilaw.
Hinakbang ng dalaga ang mga paa. Kinakabahan na siya dahil sa kakaibang pangyayaring ito. Dinig niya ang mga boses ng ibang tao sa paligid. Dinig niya ang pagsigaw ng iilang tao. May narinig din siyang marahas na paghinto ng mga sasakyan. May narinig siyang umiiyak sa di kalayuan. Natatakot na ang nag-iisang dalaga. "Bryan," bulong niya kasabay ang paglingon, ngunit maging ang sariling katawan ay di niya maaninag sa tindi ng dilim. Dahil walang magawa ay nanatili siya sa kinatatayuan at nagdasal.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 1: Ang Huling Tagaingat
FantasyHighest Ranking #15 in Paranormal SYNOPSIS: Nang magtagpo ang landas nina Errol at Ivan, namuo ang isang pambihirang pagkakaibigan na sa kalaunan ay sinubok ng agam-agam at pag-aalinlangan. Si Errol ay isang simpleng guro na may simpleng pangarap...