Chapter 22

3.5K 188 3
                                    


Nagkakagulo ang mga tao sa mga hospital dahil tumigil lahat ng life support systems at mga makinang pinapagana ng kuryenteng biglang nawala. Nagpanic din ang mga tao sa mga malls dahil ilang minuto nang hindi bumabalik ang kuryente. Hindi gumagana ang generator sets ng mga ito. Walang komunikasyon. Patay lahat ng telepono. Ang mga flashlights ay hindi gumagana kahit bago ang mga baterya. Ang mga laptops at tablets na dala-dala ng mga tao ay kataka-takang bigla ring nangamatay. Nagpanic rin ang mga tao sa mga estasyon ng telebisyon at radyo. Madilim ang malaking bahagi ng Kamaynilaan.

Samantala naalarma ang pamahalaan ng Estados Unidos dahil biglang nawala ang komunikasyon nito sa kanilang embahada sa Pilipinas. "We just lost contact with Philippines. Manila is down. I repeat, Manila is down. Alert Homeland Security," saad ng US Secretary of State sa kausap nito sa telepono.

Nagtrending kaagad sa Twitter ang hashtags na "ManilaGone," "ManilaintheDark," at "PrayforManila." Sinisi ng maraming netizens ang Meralco. Walang opisyal na pahayag ang Meralco dahil maski ito ay apektado ng pagkawala ng kuryente.

Kumalat na sa internet ang mga pictures ng madilim na bahagi ng Metro Manila sa social media. Ang mga hindi naapektuhang residente ay nagmasid masid sa labas ng madilim na bahagi ng lungsod at nagtataka kung ano ang naganap. Maraming mga tao ang nagtataka kumbakit pagpasok nila sa madilim na bahagi ng siyudad ay namamatay ang anumang gadgets na dala nila.

Alerto na ang Department of National Defense sa iba't ibang bahagi ng bansa. Nag-uusap-usap ang mga hepe ng militar at kapulisan. Hindi pa matukoy ang pagkawala ng komunikasyon sa Manila. Kumalat ang balitang inatake ng mga terorista ang lungsod. Agad na nagpadala ng police force ang mga karatig lungsod.

Sa kabilang dako, naging malaking issue na kaagad sa buong mundo ang nangyari sa Maynila. "We just received information that Manila, the capital of the Philippines, lost contact with the rest of the world. Information is still unclear as to what caused this event. The Philippine Ambassador says the Philippine Government is currently investigating on what may be a terrorist activity in the capital. We will be back with more updates. Stay tuned," saad ng isang tagapagbalita sa pang-umagang programa sa telebisyon sa Estados Unidos.


Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon