"Alam kong hindi mo ito palalampasin."
Dinig ni Melchor ang pino ngunit malamig na tono ng babae. "Sino ka? Bakit mo ito ginagawa?"
"Sa wakas nakita na rin kitang muli."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Nakita ni Melchor kung paano siya sipatin ng babaeng kaharap.
"Nakikita kita kahit sa kadilimang ito. Ibang-iba na ang itsura mo."
"Ibig sabihin ikaw ay..."
"Oo, tanda!" Pinandilatan ni Sandy ang matanda. "May pagkakatulad ang ating mga kakayahan."
"Subalit..."
"Subalit ano, Melchor?"
Nabigla si Melchor. "Bakit mo alam ang pangalan ko?"
"Dahil kilala kita." Humalakhak si Sandy. "Malamang hindi mo ako natatandaan o nakikilala man lang."
"Sino ka ba? At bakit mo ginagawa ito?" Namamaos ang boses ni Melchor.
"Ako si Cassandra!"
"Kung ganon, ikaw. Ikaw ang..."
"Oo, Tiyo Melchor!" Humalakhak si Sandy o Cassandra.
"Bakit mo ito ginagawa?" Dahan-dahang naglakad si Melchor papunta kay Cassandra.
"Ako ang magtutuloy sa sinimulan ng taong pinaslang mo."
"Hindi mo naiintindihan ito, Cassandra."
"Hindi? Ang nais lamang ng papa ay kaayusan."
"Hindi mo naiintindihan. Naging sakim sa kapangyarihan ang iyong ama."
"Tumigil ka! Ang tanging alam ko lang ay pinatay mo siya." Nakaturo ang daliri ni Cassandra sa kanyang madungis na tiyuhin. "At nandoon ako nang mangyari 'yon."
Natigilan si Melchor. "Nandoon ka?"
"Nagulat ka ba? Oo, kasama ko ang mama noong araw na iyon. Nasaksihan naming dalawa ang lahat ng nangyari habang nakakubli sa mga talahib. Takot na takot kami noon."
"Kung ganoon ay alam mong hindi ako ang nagsimula ng lahat kundi ang --"
"Hindi na mahalaga kung sino ang nag-umpisa. Ang tanging alam ko lang ay ikaw ang pumatay kay papa. Noong araw na iyon ay pinangako kong ipaghihiganti ko siya."
"Pinagsisihan ko nang mahabang panahon ang pangyayaring iyon."
"Pinagsisihan? Sinungaling ka. Tumakas ka bago ka pa man dakpin ng mga autoridad. Duwag ka! Naduwag kang harapin ang kaparusahan sa iyong kapangahasan."
"Hindi mo naiintindihan kung bakit kinailangan kong paslangin ang iyong ama. Iyon na lamang ang tanging paraan upang matigil ang kanyang kahibangan."
"Kahibangan? Hindi naging hibang ang ama ko. Isa siyang mapagmahal at maalagang ama. Masaya kaming apat na mag-anak noon. Ngunit nagbago ang lahat nang mawala si papa. Nag-asawa ng iba si mama, ngunit gabi-gabi siyang umiiyak hanggang sa madatnan namin siyang wala ng buhay sa kama, bumubula ang bibig dahil sa ininom na lason. Oo, nagpakamatay ang mama dahil sa labis na kalungkutan. At yon ay dahil sa'yo! Malamang ikaw ang naging hibang. Ikaw ang naging sakim. Sa loob ng maraming taon ay nagtago ka. Nagtago ka dahil alam mong mali ang iyong nagawa."
"Hindi mo pwedeng isisi sa akin lahat."
"Hindi nga ba ikaw ang puno't dulo ng lahat?"
"Pinagsisihan ko iyon. Kung may ibang paraan lamang -- "
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 1: Ang Huling Tagaingat
FantasyHighest Ranking #15 in Paranormal SYNOPSIS: Nang magtagpo ang landas nina Errol at Ivan, namuo ang isang pambihirang pagkakaibigan na sa kalaunan ay sinubok ng agam-agam at pag-aalinlangan. Si Errol ay isang simpleng guro na may simpleng pangarap...