Chapter 29

4.4K 182 9
                                    


Dahil sa masikip na trapiko ay alas otso y media na nakarating si Errol sa paaralan. Nang makarating ito sa paaralan ay maraming absent at tila nagkalat ang mga estudyante sa koridor. Maingay din ang mga silid. Tila walang nagkaklaseng guro.

"Hi, Sir Errol. Okay ka na ba?" tanong ng nakasalubong ni Errol na guro.

"Okay lang ako, Ma'am Gina. Sina Sir Manny?"

"Andun sa cafeteria." Nginuso nito ang lugar na tinutukoy.

"Sige." Pumunta si Errol sa faculty room at nadatnan itong walang tao. Malamang nasa cafeteria ang lahat. Kaya naman matapos ilapag ang bag ay tinungo na nito ang cafeteria kung saan nagkukumpulan ang mangilan-ngilang estudyante at guro.

"Sir Errol na mahaba ang hair, mushta na?" masiglang tanong ni Manny na pumapapak ng chicharon.

"Hi, Sir!" saad naman ni Shanice.

Bumati pa ang ibang mga guro at estudyante. Tumango naman si Errol sa mga ito at umupo katabi sina Shanice at Manny. "Bakit andito kayo?"

"Hay, nako, may class suspension memo kaya," sagot ni Manny.

"Talaga? Bakit?" tanong ni Errol.

"Palagay ko may kinalaman 'yung nangyari kagabi, eh," sabat naman ni Shanice.

"Oo nga, 'no?" saad ni Manny.

"Ano'ng nangyari kagabi?"

"'Yung madatnan ka naming yakap-yakap nung yumming si Ivan."

"Sira! Ano nga?" .

"Kasi yung city-wide blackout daw kagabi ang terror attack," saad ni Shanice habang pinapakita kay Errol ang isang Facebook post.

"Actually, kagabi pa kumakalat ang tweets na 'yan. At ngayong umaga kung anu-ano na ang laman ng balita," saad ni Manny na binuksan din ang telepono.

"Hindi kasi ako nanood ng balita kagabi."

"Bakit? Grabe kayo ni Ivan. Inabot talaga ng madaling araw? Kaya ka siguro nahuli, ano?" tanong ni Manny. Natawa naman si Shanice.

"Andito pala kayo," singit ng isang lalaking inatras ang isang silya.

"Sir Erik, you're here. Halos magkasabay lang kayong dumating nitong si Sir Errol," nakangising saad ni Manny.

Inilapit ni Errol ang upuan nito kay Manny.

"Hi, bhe."

"Ma'am, nasa school tayo," saad ni Erik.

"Oo nga pala."

"Nako, maniwala kayo sa mga policies na 'yan." Umirap naman si Manny.

"Teka, ano nga 'yung nangyari kagabi?"

"Wala pang nakakaalam," saad ni Erik sa mahinahon nitong tinig, "pero iniimbistigahan na daw."

"Weird kasi 'yung blackout kagabi. Pati 'yung cellphones natin di gumana," saad ni Shanice.

"May mga nabasa ako na baka daw inatake ang telcom companies kagabi," saad ni Manny.

"Kung inatake ang telcom companies bakit 'yung cellphones talaga natin ang namatay? Di ba dapat nawalan lang tayo ng signal?" tanong ni Errol.

"Oo nga, 'no?" nagtatakang sagot ni Shanice.

"So ano 'yun? Nawala lang ang ilaw pati power ng electronic gadgets?" Kumagat ng chicharon si Manny.

"Baka sinasalakay na tayo ng aliens," nakangising saad ni Erik.

Bigla namang napatingin si Errol sa nakangising kaibigan at pinagmasdan ang mukha nito hanggang sa marinig nitong sumingit si Shanice. Agad inalis ni Errol ang tingin sa kanya.

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon