Chapter 32

4.7K 169 14
                                    


Ano kaya ang iniisip ni Erik ngayon? Tinatanong ni Errol ang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ng matalik na kaibigan habang nakikita ang larawan nilang dalawa ni Ivan lalo na nang malaman nito mula sa huli na binawi nito ang "like" sa Facebook. Naalala ni Errol ang masinsinang tagpo ilang oras na ang nakaraan sa palikuran ng kanilang paaralan. Habang nagchecheck si Ivan ng kanyang Facebook sa smartphone nito ay sinubsob naman ni Errol ang sarili sa pag-iisip sa mga pangyayari nitong mga huling araw -- ang pagdating ni Ivan sa buhay niya at ang pagiging kakaiba ng turing sa kanya ng matalik na kaibigang si Erik.

Inaamin naman niya sa sariling namimiss niya rin si Erik, na gusto niya ring maibalik ang dating pagkakaibigan nila. Ngunit sa isang banda ay ayaw naman niyang makagulo pa sa kanila ni Shanice, at ito ang pinaninindigan niya. Noong araw na sinabi sa kanya ni Erik na sila na ni Shanice labis na hinagpis ang naramdaman niya. Hanggang ngayon ay nararamdaman nito ang kirot na dulot ng pagkabigo sa kanyang pag-ibig sa tinuturing na matalik na kaibigan. Kinailangan niyang protektahan ang kanyang emosyon. Kinailangan niyang ilayo ang kanyang loob kay Erik. Masakit, ngunit kinaya niya para sa kanyang sarili at para sa kaibigan.

Naaalala niya ang mga araw noong nasa kolehiyo pa sila na nakatulala lang siya sa mukha ni Erik habang nagkukwento ito ng kung anu-ano. Alalang-alala pa niya ang mababa at lalaking-lalaking timbre ng boses nito. Naaalala niya kung paano sumisikip ang kanyang dibdib kapag binabanggit ng noo'y matalik na kaibigan ang tungkol sa mga natitipuhan niyang babae. Ang mga masasayang yugto sa buhay nila ay tila hindi na mapapalitan. Ngunit lihim na niyang pinalaya si Erik. Ang hindi niya lang sigurado ay kung napalaya na ba niya ang sarili mula sa kanya. Nasa ganoong estado ng pag-iisip si Errol nang marinig niya ang boses ni Ivan.

"Natahimik ka na diyan."

"Ah, wala. May iniisip lang."

"Mukha nga. Sino, ako?"

Kahit hindi nakatingin kay Ivan ay alam ni Errol na nakangiti ulit ito nang nakakaloko. "Hindi. Bakit kita iisipin eh magkasama tayo?"

"So sino iniisip mo, si Erik?"

Hindi makasagot si Errol. Nakatanaw lang ito sa lumulubog na araw na bahagyang natatakpan ng mga ulap na nag-iiba iba ng hugis sa bawat minuto. Napangiti si Errol sa mga sinag ng araw na pilit umaalpas sa mga ulap. Dumako ang kanyang tingin sa malagintong repleksiyon ng araw sa dagat sa hapong higit na mas tahimik kaysa kadalasan. Iniisip ni Errol na sana nasilayan nila ni Erik ang paglubog ng araw. Bakit nga ba ni minsan ay hindi man lang sila nakapamasyal ni Erik sa tabi ng dagat upang panoorin ang magandang paglubog ng bagay na nagbibigay init at liwanag sa kapaligiran?

Naramdaman ulit ni Errol ang marahang tapik sa kanyang balikat.

"Tulala ka na naman. Sino ba yan?"

"Ah, wala, wala..." Bumalik sa wisyo si Errol.

"Pa'nong wala eh tulala ka na naman. Sige na sabihin mo na sa akin. Baka makatulong ako."

"Wala nga." Nagdadalawang-isip si Errol kung sasabihin ba o hindi. Pero hindi niya alam kung mainam bang sabihin ito sa bago niyang kaibigan.

"Di pwedeng wala. Meron 'yan. Sige na sabihin mo na. Bagay ba 'yan o tao?"

Yumuko si Errol at napangiti ng bahagya. "Tao."

"Sino 'yan? Gusto mo upakan ko?"

"Sira!"

"Sino nga yang nagpapatulala sa'yo?"

Bumuntong-hininga si Errol. Iniisip niyang napipilitan na siyang may sabihin. Naghahalo ang pag-iisip niya kay Erik at ang pamimilit ni Ivan sa kanyang utak at tila ay nasusukol na siya. "Kasi..."

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon