Hindi rin malaman ni Erik kung ano bang gagawin sa sitwasyong ito. Ayaw niyang mawala si Shanice sa kanya, ngunit ayaw niya rin makitang lumalayo sa kanya ang loob ng matalik na kaibigan. Nang sinabi ni Errol na napansin nito ang pagdududa sa kanya ni Shanice, ang totoo ay napansin niya rin ito. Nararamdaman niyang may ibang pakiramdam ang kasintahan sa namamagitan sa kanila ni Errol. Kaya naman sa kabilang banda ay naiintindihan ng binata kung bakit kailangang dumistansya ni Errol sa kanila.
Nagsalitang muli si Erik. "Kamusta kayo kagabi ni Ivan?"
"Ang kulit niya, grabe."
Nakita ni Erik ang ngiti sa mga labi ng kaibigan. Si Ivan na nga ba ang nagpapangiti sa kanya? May naramdamang kirot si Erik sa dibdib. "Dun ba siya natulog sa kwarto mo?"
Tumango lang si Errol na nakatuon pa rin sa ginagawa.
"Tabi ba kayong natulog?"
Tumango si Errol.
"Grabe. Ang tagal na nating magkaibigan pero hindi pa tayo natulog na magkatabi."
"Oo, nga eh," kaswal na sagot ni Errol na hindi tumitingin kay Erik. "'Wag ka mag-alala. Wala kaming ginawa. Syempre nirerespeto ko 'yung tao. Alam mo naman na hindi ako ganun, di ba?"
Tumango si Erik. Oo nga naman. Sa tinagal-tagal nilang magkaibigan ni Errol ay ni minsan hindi ito nagtangkang magsamantala. Nagtaka ito nang makitang pangiti-ngiti ito habang nagtatype sa laptop niya. Sinundot niya ito. "Bakit pangiti-ngiti ka diyan?"
"Wala," saad nitong nakangiti pa rin.
"May iniisip ka eh." Sinundot muli ni Erik ang kausap.
"Wala nga."
"Meron yan!"
"Kasi nakashorts lang si Ivan kagabi."
"Di mo siya pinahiram ng t-shirt?"
"Di daw siya nagt-t-shirt pag natutulog, eh."
"Ibig sabihin magkatabi kayo habang nakahubad siya."
"Wala lang pang-itaas."
"'Yun nga. Buti nakayanan mo." Ngumiti si Erik.
"Ang kulit ni Ivan. Parang walang dull moment pag siya kasama mo."
Nakita ni Erik na nakangiti si Errol habang sinasabi iyon. Bakit ba parang hindi niya gusto ang narinig? "Pero pag ako nangungulit sa'yo ayaw mo."
"Hindi ah. Pero," saad ni Errol na nakatingin sa kanya, "ang hot niya."
Kita ni Erik na tila kinikilig si Errol. "Crush mo na talaga siya, ha. Alam ba niya yan?"
"Sa tingin ko alam niya o may pakiramdam siya. Inaakit niya nga ako."
"Pero di ka naman niya binabastos?"
"Hindi naman. Mabait si Ivan. Alam mo, kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala parang close na close na kami."
Ramdam ni Erik ang sinseridad sa sinabing iyon ni Errol. Ang tanging sagot niya lang ay, "Halata nga eh. Nagseselos na nga ako." Nakita ni Erik na kumunot ang noo ng kausap.
"Nagseselos? Ikaw talaga kahapon pa yang selos selos na yan. Korni!"
"Parang may bago ng best friend ang best friend ko kasi."
"Syempre ikaw pa rin 'yung best friend ko." Binalik ni Errol ang tingin sa laptop niya. "Pero may girlfriend ka na. Hindi na pwede yung dati. Syempre kailangan mo ring paglaanan ng oras yung relasyon ninyo ni Ma'am Shanice."
Hindi malaman ni Erik ang isasagot. Oo nga naman. Hindi naman dahil best friends sila ni Errol ay dapat lagi na rin silang magkasama.
"Ang bait ni Ivan. Kapag magkasama kami parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo."
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 1: Ang Huling Tagaingat
FantasyHighest Ranking #15 in Paranormal SYNOPSIS: Nang magtagpo ang landas nina Errol at Ivan, namuo ang isang pambihirang pagkakaibigan na sa kalaunan ay sinubok ng agam-agam at pag-aalinlangan. Si Errol ay isang simpleng guro na may simpleng pangarap...