"Hay nako, Sir Errol," saad ni Manny na mangiyak-ngiyak. "Tingnan mo ang mga sagot ng mga students ko sa long quiz ko." Nilagay niya ang mga daliri sa kanyang sentido at umiling-iling. "Nakakaloka!"
Tiningnan ni Errol ang mga papel na inabot ni Manny. Natawa ito sa mga nabasang sagot.
"Nakakatawa, di ba? Nako kung ganyan ba nang ganyan, ano na lang ang future ng bansang Pilipinas?"
"Buti nga sa'yo may nasasagot. Sa Chem, swerte na kung may isang makapasa sa section na 'yan."
"Bakit nga pala andito ka sa library?"
"Nagreresearch?" Tinaas ni Errol ang isa sa mga librong binabasa. Pinandilatan lang siya ni Manny.
"Twenty years na may internet! Ano ka ba?"
"Okay din 'yung galing sa libro mismo." Bumalik si Errol sa pagbabasa at pagsusulat ng notes.
"Ang sabihin mo may iniiwasan ka."
"Ha? Sino naman?"
"Hay nako. As if naman hindi kayo pinag-uusapan dito sa campus."
Lumingon si Errol sa kausap. "Sir Manny, pa'nong?"
"Hindi ko rin alam pa'no naging tsismis. Pero kasi di ba noon close na close kayo. Tapos nagkajowa 'yang Erik. Tapos minsan ka na lang tumambay dun sa faculty room ninyo, natin pala."
"Masikip kasi dun. Kapag break katulad ngayon maraming tao. Hindi ako makapag-focus."
"Juice ko!" Napataas ang boses ni Manny. "Tigilan mo ako. Bakla din ako. Kaya alam ko yang mga kemeng ganyan. So ano ba talaga?"
"Sir Manny naman, eh." Bumalik si Errol sa binabasang libro.
"Ay! Nagpapabebe! Pero wag mo na sabihin. Halata naman. Bet mo si Sir Erik?"
"Noon 'yun."
"Ay! Kasi may Ivan na ngayon? I love it!"
"Sira! As if naman... Friends lang kami."
"Lasingin mo na kasi. Tapos gapangin mo."
"Loko-loko. Eh, di binugbog ako nun. Nakita mo ba yung katawan non? Isang sapak lang, ICU ang bagsak ko."
"Hmmm, tingin ko beauty talk lang ang katapat ng yummy na 'yun. Ang yummy niya! Ang kinis ng balat. Ang sarap dilaan. Ang nipples niya, teh, ang sarap kagatin!"
"Huy, ang bunganga mo." Ginala ni Errol ang tingin upang tingnan kung may nakikinig sa usapan nila.
"Bakit, ano'ng meron sa bunganga ko?" Umirap ang beking guro. "Basta, inggit na inggit ako sa iyo ngayon. Nakakainis ka! Alam mo bang inaccept niya na ako sa Facebook?"
"Talaga?"
"Oo," nanlalaking matang saad ni Manny. "At chineck ko lahat ng photos niya! Shet! Ang sarap sarap niya talaga."
Natawa si Errol sa narinig.
"Ateng," saad ni Manny na nilakihan ang mga mata, "kung ayaw mo sa kanya, akin na lang."
"Sira. Sir Manny, ha."
"Ayan! Ayan! Madamot ka talaga."
"Hindi ko naman pag-aari 'yung tao para ipamigay." Natatawa si Errol.
"Pero teka. Sino mas gusto mo sa kanila ni Erik?" nakangising tanong ni Manny.
"Kelangan may comparison talaga?"
"Naman. Ang dalawang lalaking 'yun ay parang mga works of art, mga iskulturang likha ng isang mahusay na bathala," saad ni Manny na kunyari ay may nilililok sa ere.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 1: Ang Huling Tagaingat
FantasiaHighest Ranking #15 in Paranormal SYNOPSIS: Nang magtagpo ang landas nina Errol at Ivan, namuo ang isang pambihirang pagkakaibigan na sa kalaunan ay sinubok ng agam-agam at pag-aalinlangan. Si Errol ay isang simpleng guro na may simpleng pangarap...