Habang naliligo si Ivan ay iniisip nito ang mga pangyayari nitong mga huling araw. Isang linggo pa lang niyang nakikilala si Errol, ngunit malapit ang loob niya dito. Noong una ay inakala niyang dahil naalala niya lang ang kapatid dito, ngunit bakit tila may iba pang dahilan? Bigla siyang natigilan. Inisip niya ang nangyayari sa kanya. Alam niyang hindi siya bakla. Ngunit ano itong umuusbong na damdamin para sa bagong kakilala?
Nang makita niyang umiiyak ang binata dahil sa pagkabigla nang yayain niya itong samahan siya ngayong espesyal na gabing ito ay napagtanto niya ang pagkamaramdamin at maselan nito. Siya ang taong dapat ingatan dahil sensitibo ito. Naisip ni Ivan na baka awa nga lang ang nararamdaman niya para dito at hindi talaga pagmamahal. Gusto niya nga lang ito makitang masaya.
Habang umaagos ang tubig sa katawan ni Ivan at hinihigop ito ng drain ng shower room ay panandaliang napapawi ang agam-agam niya sa sariling pagkatao, sa kanyang sekswalidad. Ngayong gabi, paliligayahin niya ang binata. Nang matapos maligo ay pinahid ni Ivan ang twalya sa basang balat at nagsuot ng thong, isang kakarampot na saplot na sapat lang upang matakpan ang maselang bahagi ng katawan.
Litaw ang maumbok niyang puwet na nakaharap sa salamin at sinusuri ang kanyang kabuuan. Litaw na litaw ang kakisigan nito at ang kaakit-akit nitong kabuuan mula sa basa nitong buhok na may tumutulong tubig, sa presko nitong mukha na tila nagliwanag pagkatapos nitong maligo, sa mga malarosas nitong labi, sa maumbok nitong mga balikat, sa mga namumutok na braso at dibdib, sa mga malarosas na utong, sa mga pandesal nito sa tiyan, sa matitipuno nitong mga binti at hita, at sa umbok na iyon. Isa siyang bathalang kailangang sambahin.
Gumiling-giling si Ivan sa harap ng salamin at ngumiti nang pilyo. "Pwede na siguro 'to," bulong niya sa sarili, pagkatapos ay lumabas ng banyo. Bumungad dito ang napakagarang kwartong may mga pulang kurtina, ang mga mwebles na gawa sa makintab na kahoy, ang patay na telebisyon, at ang queen-sized bed na natatakpan ng puting comforter. Nakahiga si Errol sa gilid nito na nakatagilid. Pinatay ni Ivan ang ilaw. Naiwang nakabukas ang dalawang lampshade sa magkabilang gilid ng malaking higaan.
Handa na si Ivan. Pinaghandaan niya ang gabing ito. Nagsaliksik siya kung ano ang ginagawa ng dalawang lalaki kapag nagtatalik. Nilapag niya sa side table ang isang condom at ang bote ng water-based lube. Handa na siyang angkinin ang binatang ito. Ngayong gabi kakalimutan niya muna ang mga agam-agam sa kanyang pagkatao upang mapaligaya ang isang binatang naghahangad ng pagmamahal.
Dahan dahan siyang pumatong sa kama at patagilid na humiga na nakaharap sa kasamang nakatalikod. Sinundot niya ang gilid nito. Wala itong reaksiyon. Marahan niyang hinawakan ang braso nito. Wala pa rin itong reaksiyon. Hinila niya ang braso nito. Doon niya lamang nalamang tulog na pala ito, marahil dahil na rin sa pagod sa trabaho. Oo nga pala, inabutan niya ito sa bahay nila na bagong gising.
Natawa si Ivan. Sayang naman ang paghahanda niya. Mapupunta lang pala sa wala. Napangiti ang makisig na bathala. Nilapit niya ang sarili sa tulog na si Errol at hinalikan ito sa pisngi at leeg.
Tumihaya si Ivan na nakapatong ang ulo sa dalawang kamay. Napaisip ito. Pa'no kung maging sila ni Errol? Pwede bang maging sila? Kaya ba niya? Mahal ba niya ito? Oo, tila ay mahal na niya ito. Anong klaseng pagmamahal? Tulad ba ito ng pag-ibig na naramdaman at inalay niya sa mga dating karelasyong babae? O mahal bilang isang kapatid? Naguguluhan si Ivan.
Kaya ba niyang pasayahin si Errol? Kaya niyang ialay ang kanyang sarili, pero kaya ba niyang ialay ang kanyang puso? Naalala niya ang sinabi nito sa kanya noong inaakit niya ito. Ayaw niyang inaakit siya. Gusto ni Errol na mahalin siya. Kaya ba siyang mahalin ni Ivan sa paraang hinahangad nito?
Lumingon si Ivan sa kasama sa kama. Ibang-iba ito sa mga kilala niyang bakla. Napagtanto niyang muli na magkaiba talaga sila ng kapatid niya. Mas maramdamin ito. Mas malalim. Hindi ito madaling akitin. Alam niyang naakit naman ito sa kanya pero grabe siya kung magpigil. Ano ba ang pumipigil sa kanya? Dapat pala naitanong niya ito kay Erik. Napagtanto ni Ivan na hindi niya pa nga lubusang kilala ang bagong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 1: Ang Huling Tagaingat
FantasíaHighest Ranking #15 in Paranormal SYNOPSIS: Nang magtagpo ang landas nina Errol at Ivan, namuo ang isang pambihirang pagkakaibigan na sa kalaunan ay sinubok ng agam-agam at pag-aalinlangan. Si Errol ay isang simpleng guro na may simpleng pangarap...