Patawad kung hindi ko na maibibigay sayo ang buong tiwala ko.
Patawad kung sa bawat salita na sasambitin mo ay may pagdududa ako.
Patawad kung hindi kita kayang lubos na mahalin kung bakit mas pipiliin ko paring mas mahalin ang sarili ko, o sya.
Patawad kung hindi ko na maibibigay sayo ang buong pagmamahal ko.
Patawad kung ang lahat ng ito ay isang biro lang para sakin.
Patawad, patawad na sa tuwing titingin ako sa mga mata mo sya parin ang nakikita ko.
Patawad kung sa bawat pagsambit ko ng mahal kita ay alam ko parin para sakanya ang pagmamahal na yun.
Patawad kung sa bawat pag haplos mo sakin ay ang mga malalambot nyang mga kamay parin ang nadadama ko.
Patawad sa bawat minuto, oras o araw na magkasama tayong dalawa, mas ramdam ko parin ang prensensya nya kesa sayo.
Patawad pagkat sa tinagal man ng panahon sariwa parin sa isipin at sa puso ko ang bawat alaalang pinagsamahan namin, masaya man o malungkot. Maging ang sakit na pinadama nya sakin.
Patawad pagkat di ko maibigay ng buong buo sayo ang sarili ko dahil bawat parte, maging ang kaluluwa ko ay nasa kanya parin.
Patawad sa kabila ng lahat ng pinaramdam o pinakita mo sakin ay hindi parin sapat.
Patawad kung pinigilan kitang huwag mo kong iwan, na dito kalang sa tabi ko nung hindi mo na kaya lahat ng sakit.
Patawad kung nasasaktan kita.
Patawad pagkat nagagawa ko ang lahat ng ito sayo dahil sa kanya.
Mahal kita, at yun ang totoo. Pero hindi kasing alab ng pagmamahal na naramdaman ko para sakanya, patawad.