Makalyong Palad

1 0 0
                                    

Senaryong araw araw ganito ang tagpo.
walang ibang hawak at kaharap kundo pala at semento.
walang pinagkaiba sa mga araw na nagdaan .
kahit mahirap lumalaban pa rin sa kahirapan .

ngayon ako'y napapaisip tungkol sa aking nakaraan.
kung ako sana'y nag aral hindi ko ito mararanasan.
mga panahong sinayang ko na hndi ko na maibabalik.
mga bagay na nais ko'y kaylan man hndi na manunumbalik.


pawis at pagod sa mag hapong pag trabaho.
araw araw na sinaryo ni wala man lamang pagbabago.
hindi ko naman ginusto ang ganitong buhay.
ngunit ako pa rin ang dahilan kung baket ngayon ay lupaypay.

kung sana'y pinag buti ko nuon
at sa pag aaral ibinuhos ang atensyon.
baka hindi pala at semento ang hawak ko ngayon
kung hindi ang pangarap na gusto kong makamit nuon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FIRST SHOT~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon