Chapter 5: Muling Pagkikita (Part 3)

41 4 0
                                    

Dumaan ang halos dalawang linggo, at ilang mga tests upang matiyak na nasa maayos na kalagayan si Justin. At sa wakas, makakalabas na rin siya ng ospital.

Naroon sina Tina at Mang Roberto upang siya ay iuwi. Bago pa sila makauwi ay inasikaso nila ang mga papeles na kailangan nila pirmahan. Ito ay nagpapatunay na nailabas na nila ng ospital si Justin. Nasabihan na rin sila na bayad na lahat ng mga gastusin nila sa ospital at wala na silang dapat bayaran pa. Bagay na kanilang pinagtaka.

Samantala, naibalita na rin ni Andrew kay Naomi na nakalabas na ng ospital si Justin.

"That's great!" Wika ni Naomi. "Pero may impprmasyon na ba kung kailan siya makakapagtrabaho?"

- "Well, his doctor told me that it will take him another month para makapagtrabaho. Sa ngayon, light jobs na muna ang pwede niyang kunin." Tugon ni Andrew.

"Okay. If so, just monitor him na lang. If you have confirmed that he's fit to work, contact him ASAP."

- "I understand. Anyways, nabalitaan mo na ba mula sa mom mo?"

"Ang alin?"

-"Si Jordan."

"O, ano nangyari kay Jordan?"

- "Ah, yes. His mom told me last night. His father passed away."

Nag-iba ang tono ni Naomi nang malaman niya iyon. "Oh... That's... That's unfortunate. How's he doing now?"

- "He's still in shock daw, sabi ng mom niya. It's quite sudden nga kasi ang akala nila,wala na yung tumor sa liver niya after the surgery."

"Nagulat rin nga ako. I thought makakabalik na siya sa company after ng surgery niya sa States. Anyway, I guess, I have to inform my mom about this."

- "Alam na ng mom mo ang nangyari. Sa kaniya ko nga nakuha yung balita. Kaya nga akala ko, nasabihan ka na niya. But anyhow, may plano ang company na magkaroon ng memorial service for him."

"Kailan babalik ang buong pamilya?"

- "Hindi nagpasabi, eh. I guess, hindi na sila babalik. Pero may ipapadala daw yung mommy ni Jordan para asikasuhin ang shares nila sa kumpaniya niyo."

"Ganun ba? I guess, makakabuti na rin iyon para sa kanila, especially for Jordan."

- "Hindi mo ba siya mamimiss?"

"Sure, I will. But if he has to stay there, ano magagawa ko, di ba?"

- "Di ka ba umaasang babalik siya?"

"Ano ba? Tama na nga, namatayan na nga yung tao, eh!" Saka tinapos ni Naomi ang kanilang usapan ni Andrew. "By the way, may aasikasuhin pa ako. Thanks for the info. See you later. Bye."

Mapahinga nang malalim si Naomi pagkatapos ng pag-uusap nila ni Andrew sa telepono. Napaisip siyang bigla. Iniisip niya kung ano na ang lagay ni Jordan.

**********************************

Malalim na ang gabi sa New York. Nakaupo lamang si Jordan sa harapang upuan ng chapel. Habang nasa tabi ng kabaong ng kaniyang yumaong ama ang kaniyang ina. Paminsan minsan ay may mga taong lumalapit kay Jordan - Mga taong kaibigan ng kaniyang ama mula pa noong manirahan sila sa Amerika. Subalit hindi niya ito masyadong pinansin.

Maya maya pa ay tumayo si Jordan at nilapitan ang kabaong ng kaniyang ama. Doon ay nagsalita si Leilani, ang kaniyang mama.

"Nagpaiwan si Sarah sa bahay. Hindi niya raw kayang dumalaw sa burol. Umiiyak siya hanggang ngayon. I guess, hindi pa rin niya matanggap na wala na ang papa niyo."

Crazy True Love (thedrift1988)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon