Hi guys! Eto na po yung chapter 1!!! Yehey! *sabog confetti *. K, ako na OA. Enjoy reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Music 1: Meet HER
Xyra's POV
Tahimik akong nakaupo dito sa sahig ng classroom. Nag-iisip kasi ako ng lyrics. Free time naman eh. Hmmm... Ano kaya pwedeng idugtong ko dito?
"Hey Xy, mukha kang ewan dyan. Buti ako maganda parin kahit nag-iisip." Sabi ni Nixie sabay tawa. Haaaay nako, ang hilig talaga ako nitong asarin. Oo na, siya na maganda. Paano ba naman kasi, one-fourth chinese 'tong babaeng 'to.
"At least di ako tulad mo, 'kinasangkutan' na nga lang pati 'labis', di mo pa alam meaning. Ikaw kasi eh, englishera." Ganti ko sa kanya. Ayan, binatukan tuloy ako.
"Oo na! Ikaw na magaling sa Filipino! Ako na englishera. At least magaling ako sa English! Ahh ehh, nangongopya nga lang ako ng Homeworks sayo sa Filipino. Hehehe." loko loko talaga 'tong si Nix!
"Hoy ano yan?! Debate ng mga Presidential Candidates?" sabi ni Jireh. Grabe naman makasigaw. Haha di ko talaga alam kung lalaki ba yan o babae.
"Wala kang pake." sabi ko. Kahit ganyan kami mag-usap...
Basta! Ganyan kami mag-usap! Parang 'Tropa ng mga loka-loka tuloy kami'... Including Jireh. Hahaha.
Ay wait! Di pa pala ako nagpapakilala! Okay, ehem ehem. Ako si Xyra Cuevas, 12 years old, First year highschool or Grade 7, nag-aaral sa *****. Bestfriends ko sina Nixie Mendoza, Crystal Fuentes, at Jireh Guevarra. Okay, yun lang!
"Uy meron pa!" sabi ni Jireh. Huh? Napalakas ata yung sinabi ko. "Mahal niya po si Jared! Hahaha! Xyred na dis!"
Ugh nakakainis talaga sila."Bakit ba kasi inaasar niyo ako dun? Di nga kami nag-uusap nun eh at lalong lalo na hindi ko yun gusto!" tanggi ko. Bakit naman ako magkakagusto dun? Well, may itsura naman siya, uh... Oo na! Gwapo na siya! matalino, palabiro, magaling maggitara, at matangkad, as in sobrang tangkad, kaya nga lagi yun nasa likod ng pil--- wait. Bat ko ba siya kinocompliment? Like what the hell?
"Grabe nagdedaydream si Xyra oh! Tungkol kay Jared! Crystal! Punta ka dito! May sasabihin ako sayo!" - Nix
"Ano yun?" sabi ni Crystal. Sa barkada namin, siya yung parang kakambal ni Jireh. Parehas kasing tanga, mas tanga lang si Crystal. Hahaha.
"Aray!"
.
.
.
"Ano ba naman Crystal! Konting lakad na nga lang eh... Madadapa pa! Mahal na mahal ka talaga ng sahig." natatawang sabi ni Jireh."Kaya nga, buti pa yung sahig, lagi akong sinasalo, di tulad niya..." mahinang sabi ni Crystal. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Sakin lang kasi niya sinabi yung tungkol sa nagugustuhan niyang lalaki. Si Caleb. Haaaay kawawa naman 'tong bestfriend ko, lagi nalang kasi yung sahig ang sumasalo sa kanya (literally). May iba na kasing gusto si Caleb eh.
"Uy Crystal! Anong binubulong mo dyan? Tungkol kay Caleb 'no?" sabi ni Jireh. Matagal na naming inaasar si Crystal kay Caleb. Pero di namin alam na unti unti na pala siyang nagkakagusto sa kanya.
Binigyan ko nalang si Crystal ng It's-okay-look.
"Uhm, ano nga pala yung sasabihin mo Jireh?" sabi ni Crystal. Buti naman at naiba na yung topic.
"Ah yun ba? Si Xyra kasi nag------- Aray naman Xy!" Sinabunutan ko nga, pero di naman gaano malakas. Bungangera na nga, BUNOT pa, ayan tuloy hahaha.
"Wala yun guys! Nakainom lang siguro si Jireh! Hehehe." sabi ko.
"Uhm guys, gawa tayo ng kanta?" sabi ko. Para maiba na yung topic.
"Weh umiiwas ka lang eh! Yieeeeeee!" kinikilig na sabi ni Jireh.
"Pero sige na nga! Ano topic?" sabi ni Jireh. Ano kaya magandang topic?
"Ah alam ko na! Tungkol sa mga terror teachers!" sabi ni Crystal.
"Eh wala naman tayong 'terror' na teachers eh, ano kaya..... Tungkol sa mga lessons!" sabi ko.
"Ano bayan Xy! Ikaw na talaga ang nerd ng barkada! Puro yun kasi nasa isip mo eh! Dapat tungkol sa pagkain!" sabi ni Jireh.
"Ang takaw mo talaga Jireh!" sabi ko.
"Kung ano kaya
.
.
.
.
.
.
.
Tungkol sa mga loveteams ng barkada? Like Jayxie, Xyred, Carys (Caeris), and Clareh (Clara). Unahin natin yung Xyred. Agree?" Sabi ni Nixie."Oo nga 'no? Ang galing mo talaga Nixie!" sabi ni Crystal.
"Sige, game ako dyan!" sabi ni Jireh.
"Hala ba't ako una? Ang daya niyo naman eh!!!" sabi ko.
"Basta, hahahaha." sabi ni Nixie. *insert creepy smile.
"Sige na nga, ugh. Ano bang magagawa ko? Majority wins eh." sabi ko. Waaaaaaahhh!!! Bakit ang sama nila sakin? Ang daya talaga nila."Okay guys! What's the title of the song for Xyred?" sabi ni Nixie.
"Dapat malaswa!" sigaw ni Jireh. Nagsexy dance pa. Ew.
"Yuck. Kadiri ka Jireh! Wag yun!" sabi ni Crystal. "Dapat pabebe!" nakakainis talaga sila. Wala na bang mas aayos pa? Ugh.
"Guys may naisip ako." sabi ko. "Pero walang malisya ah?"
"Yieeeeeeeee OMG OMG OMG!!!." tili ni Crystal. "Wag OA Crystal!" sigaw ko.
"Okay, guys, ang naisip kong title para sa kanta ng Xyred na yan ay...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Over again." ako na ang nag-isip ng title, baka kasi kung anu-ano pa ang gawin nila.~~~END OF CHAPTER ONE~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Ermagherd! Hope you like the first chapter! Thanks for reading!Oo nga pala, "Over Again" was originally composed by Nixie (Not her real name) ft. Me.
See you sa next Update! :)))
~ Khrizia
BINABASA MO ANG
Follow The Music, Follow Your Heart
Teen FictionSi Xyra, isang music lover, ay mahilig kumanta, tumugtog ng mga musical instruments, at isang songwriter. Pero magiging inspired kaya siyang musician kung mahanap niya ang FOREVER niya?