One Ok Rock - Chapter 4

359 24 1
                                    





Rock 4


Oh my gosh! Finally, makikita ko na ulit sila. Waaa! I can't contain my feelings. Nakaupo ako sa meeting room sa office namin dito sa Japan. Nagitla ako ng biglang may kumatok sa pinto ng meeting room.

Pumasok ang secretary ko. "Ma'am Shinreé they are here," pormal na sabi nito.

Hindi ko mapigilan ang puso ko. Oh my gosh talaga to the highest level. Pilit ko munang pinakalma ang sarili ko. I need to be formal. It is business, kailangan mapaniwala ko sila na it is purely business. Matapos kong kalmahin ng ilang minuto ang sarili ay inutusan ko ang secretary na papasukin na sila.

Hindi ko kayang harapin agad sila kaya inikot ko ang kinauupuan kong swivel chair patalikod sa pinto. Naramdaman ko naman agad ang presensya nila lalo na ang mga bulungan nila noong pumasok sa room.

They are using their language kaya hindi ko sila maunawaan basta ang sarap pakinggan.

Dahan-dahan akong humarap sa kanila. Tumayo ako at pormal silang binati. "Hello everyone!"

Nanlaki yung mga mata nila habang ang mata ko napako lang sa mata ni Takahiro. Oh God! How I wish I can run to him and hug him tight. Naalala niya kaya ako?  Kainis! Mukhang hindi kasi hindi niya na ako pinansin masyado. Naupo lang sila lahat sa may harap ko. May mesang nakapagitan samin.

Pumasok ang secretary at nagdala ng inumin para sa kanila. I started to give them the contract that they need to sign. I already receive the first contract from their manager. "All the details with regards to your job are written there. I don't know if all of you can understand english language so I tried translating it to suit your preferences."

"No worries Miss?.." tanong naman ni Tomoya.

Hindi pa nga pala nila ako kilala. Kainis ha! Hindi talaga nila ako naaalala. I already shook hands  with you morons. Nakakasakit sila ng damdamin. "Sorry. I never introduce myself first. I'm Shinreé Aquino, let's make business fun and successful guys. Please?"

Tumango si Tomoya. "Yes. Yes."

"We will be good miss Shinreé," sambit ni Ryota na hindi manlang nagbasa ng contract at sa'kin lang nakatingin.

"By the way, in case you didn't remember I already know you guys so you don't have to introduce yourselves."  Nag-angat ng mukha si Takahiro at Toru nung sinabi ko yun. Talagang sabay sila ha. Hmm, mukhang malapit na akong magselos talaga kay Toru. Totoo na ba talaga ang 'ToruKa'?

"Did we meet?" pormal na tanong ni Takahiro.

I nodded. "Yeah, but that was a long story to tell. Let's get down to business first. Okay?"

Matapos ang masinsinang pag papaliwanag sa pagiging model slash ambassadors nila eh nag-aya akong maglunch. Syempre, pa-welcome party ko sa kanila kunwari pero ang totoo gusto ko silang makasama specially Takahiro.





~~~

"I'm glad you can all easily speak and understand english. I thought I need to hire an interpreter for us to communicate," basag ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"We make time to learn english. We've been learning almost six years from now. Thanks to Taka's girlfriend---" naputol si Ryota ng maramdaman kong may sumanggi sa paa ni Ryota.

"Wait? Girlfriend? Y-you already have a g-girl..?" Hindi ko kayang sambitin ang mga katagang iyon. Nasasaktan ako ng todo.

"No it's actually Taka's friend. She's a language trainer from the Philippines and then we hired her. But don't worry miss Shinreé, it was all in the past. They broke up already. So nothing to worry it will not affect us representing your brand." Mahabang paliwanag ni Tomoya.

Walang kibo pero masama ang tingin ni Takahiro sa dalawang kaibigan. Hindi ako makahinga. So nagkaroon ng girlfriend si Takahiro at take note Filipina pa ang naging kaagaw ko. Kalahi ko pa mismo?! Oh my rock!

Bakit wala akong nabalitaang ganoon? Waaaaaaa! Paano siya nagkagusto? Sino ang babaeng ex niya?

Oh I'm burning out!

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon