Chapter Seventeen

28.5K 476 19
                                    

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Seventeen

Sa loob ng panahong iyon, lumalim ang pagmamahal na naramdaman ko para kay Jeric. Marami ang nakilala ko dahil sa pagsama ko kay Fifi sa mga fashion shows, lahat sila nagpakita ng motibo ng panliligaw pero binabasted ko agad. Hindi lang dahil sa pinagbabawalan ako ni Jeric kundi dahil mahal ko siya at siya lang walang iba. Para saan pa't nangako ako na sa kanya lang ako, hindi ba?

Si Jennica naman mahigit kalahating taon nang nakabalik sa Italy. Wala pa ring nagiging improvement sa kanila ni Thomas. Mabuti na lang at hindi siya nakakalimot mangamusta at tumatawag pa kahit long distance. Usually, tinatanong niya kung ano na ang mga nangyayari sa amin ng Kuya niya.

Regular din akong nakakapagpadala ng pera kina Nanay. Napaayos na daw niya ang bahay namin at si Kuya ay napag-aral pa niya ng vocational course na welding kasi nagbabalak daw itong mag-abroad. Si Tikboy naman malapit nang g-um-raduate sa elementary. Kapag naiisip ko na hindi naman naging masama ang kinahinatnan ko dito sa Maynila, napapangiti ako.

Malaki ang utang na loob ko kay Jeric. Mahal ko siya. At kahit ano ay gagawin ko para lang sa kanya. Nalulungkot lang ako na hindi ko na siya makakasama pa nang matagal.

*flashback*

Napangiti agad ako nang makita ko siyang pumasok sa pintuan. Nasa sala ako at may hawak na sketchpad dahil nagsi-sketch ako. Mukha siyang stressed at problemado.

"Hi," tumayo ako at nilapitan siya at bigla na lang niya 'kong niyakap nang mahigpit.

Nagulat ako."Jeric? May problema ba?"

"Yeah. I guess,"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Hindi siya sumagot. Hinalikan niya 'ko sa noo at isinubsob sa dibdib niya.

"Jeric, ano ba talaga ang problema?"

"Nagugutom na 'ko. Gusto ko nang magdinner,"

Ipinaghanda ko siya. Hindi ako sanay sa katahimikan ni Jeric ngayon. Siguro malaki ang problema niya. Nag-aalala ako. Ano kaya iyon? May magagawa kaya ako para sa kanya?

Nang kumakain na kami, hindi man lang niya 'ko kinibo. Wag niyang sabihing hindi man lang niya 'ko nakikita? O baka hindi siya nasarapan sa luto ko?

Jeric naman, wag mo naman akong pag-isipin nang ganito!

Nanonood siya ng tv nang matapos akong maghugas ng pinggan pero halata namang lumilipad ang isip niya. Nagbago na ba ang isip niya? Ayaw na ba niya 'ko sa buhay niya kaya lang ay hindi naman niya 'ko madiretso? Sari-saring idea ang pumapasok sa isip ko na nakakapraning.

Lumapit ako sa likuran ng sofa. Niyapos ko siya sa balikat at hinalikan sa pisngi. Nakuha ko din ang atensyon niya.

"Hindi ako sanay na ganyan ka," mahina kong sabi."Jeric, tell me what's wrong,"

Napabuntong-hininga siya. Kinuha niya ang kamay ko at pinaikot sa harap tapos kinandong niya ako.

"Nag-usap kami ni Dad kanina, Sandy. Nagtalo kami."

"Bakit naman kayo nagtalo?"

"Nagkaroon kami ng misunderstanding. He told me three months from now I'm getting engaged. S-in-et up niya 'ko ng fixed marriage sa anak ng business partner namin,"

Natigilan ako sa sinabi niya at ilang sandali din akong hindi makapagsalita. Tama ba ang pagkakadinig ko? Magpapakasal na siya? Parang dinurog ang puso ko sa sinabi niya. Gusto kong maiyak. Hindi na ako ang makakasama niya pagkatapos ng tatlong buwan.

"I don't want to get married with someone I barely know. Never," sabi pa niya.

Ako din Jeric, ayokong magpakasal ka sa iba dahil mawawala ka na sa 'kin.

Idinikit niya ang noo niya sa akin.

"May magagawa ka ba para magbago ang isip ng Daddy mo?"

"Knowing my father, hindi nababali ang desisyon nu'n,"

Mariin akong napapikit. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap niya.

"So bilang na pala ang mga araw ko dito sa condo mo, 'no?" sabi ko sa nagbibirong tono.

"Sandy, there's nothing funny with that. I can't let you go. Not now. Never,"

"Ayokong maging mistress ng kahit na sino, Jeric. I guess we have no choice,"

"I hate this situation, I really do," he claimed my lips and we shared a passionate kiss.

"Hindi mo pwedeng suwayin ang dad mo,"

"I don't want to think of anyone else right now. I just want the two of us,"

"Okay,"

Ako din naman. Gusto ko habang buhay kaming dalawa lang. Pagkatapos kasi ng tatlong buwan, hindi ko ma-imagine na iba na ang gumagawa ng mga ginagawa ko sa kanya. Ano ba ang dapat kong gawin kung may magagawa nga ako? Ang hirap naman ng ganito.

Ngayon pa lang nasasaktan na 'ko. Ito lang ba ang magiging kahihinatnan ng lahat ng ito?

Siguro ngang hindi naman katulad ko ang para sa kanya. Ngayon pa lang tanggapin ko na.

***

"And then what? Wala ka man lang gagawin? Sandy naman, ikaw ang girlfriend niya, kung may pakakasalan man si Kuya ikaw yun!"

Nalaman din ni Jennica eventually kaya agad siyang nag-long distance call para lang saluhin ko ang pag-alburuto niya.

"Jennica, alam naman nating wala akong panama sa desisyon ng daddy niyo. Tsaka ano ba ang maipagmamalaki ko, wala di ba?"

"Sandy hindi naman yun ang point, eh. Kuya loves you!"

He never told me he loves me though. Nalungkot ako.

"Hindi ko din gustong magpakasal siya kahit kanino, Jen," sabi ko na lang.

"We should do something!"

"Jen, kakalabanin mo lang ang dad niyo. Ayoko namang mangyari yun,"

"Sandy, you just can't give up on him,"

"Hindi nga. Pero thank you at iniisip mo din ang kapakanan ko, Jennica."

"Kuya and you, you mean so much to me,"

"Mahalaga ka din sa amin. Ingatan mo sarili mo diyan, ha?"

"Ikaw din Sandy. And if I can do anything for you, tell me."

"Makakaasa ka,"

Napaka-thoughtful ni Jennica. Mahalaga talaga sa kanya ang happiness ng Kuya niya. Ang swerte ni Jeric na magkaroon siya ng kapatid na kagaya niya.

*end of flashback*

Two months ago na ang pangyayaring yun at isang buwan na lang at mangyayari ang engagement niya sa hindi ko kilalang babae na paniguradong mayaman, mataas ang pinag-aralan at saksakan ng ganda. Kapag naiisip kong papalapit na ang araw na yun, hindi ko maiwasang mapaiyak dahil hindi ko na siya mayayakap, mahahalikan, at malalambing dahil may tao nang gagawa nun.

"Why do you look so sad?" tanong niya sa akin sumunod na araw matapos niyang sabihin yun.

"Hanggang dito na lang ako. Habang hindi ka pa kasal, past time girl mo muna ako,"

Kumunot ang noo niya.

"Kailan pa kita tinratong pampalipas oras? Sandy, hindi dapat mababa ang tingin mo sa sarili mo. You are more than that! What do you think you're saying?"

"Eh ano ang tawag sa 'kin kung ganun?"

"Ikaw ay akin lang. Tandaan mo 'yan,"

Yeah right. Sa kanya lang ako habang hindi pa siya natatali.

***

Samahan nating magluksa si Sandy pag may time. Votes and comments, keep it coming.

-LRY

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon