Chapter 23

842 35 5
                                    

Chapter 23

"Tubig?"

"Salamat."

"Tsk. Pawis ka na oh." Pinunasan ni Elmo ang pawis ni Julie.

"Makapagsalita ka eh ikaw nga rin oh." Marahas na pinunasan ni Julie ang tumutulong pawis sa mukha ni Elmo.

Para silang ewan eh alam naman nilang parehas silang pawisin. At sino naman kasi hindi pagpapawisan kung tatlong oras na silang nagd-dance workshop?

It's already Tuesday. Noong Sunday ay hindi lang nila binuhay ang SOP 2, binulabog din nila ang lahat ng social media sites at higit sa lahat, pinakilig nanaman nila ang mga fans nila. Sa wakas, nagamit na rin ng mga ito ang ilang taon nang nakatenggang mga oxygen tanks. Sobrang natuwa ang lahat nang makitang magkasama ulit sila sa isang musical play. Mas lalong ikinatuwa ng lahat nang malamang may sariling segment na sila sa SOP 2.

"Gusto ko nang matulog." Saka pa humiga sa lap ni Julie si Elmo. "Grabe ang sakit ng katawan ko."

Bahagyang ginalaw ni Julie ang kanyang hita para paalisin si Elmo ngunit hindi ito nagpatinag.

"Elmo! Alis nga diyan. Baka mamaya makatulog ka na diyan."

Alam naman siguro ng lahat na si Elmo ay miyembro ng MASA Gang. Masandal tulog.

"Pahiga muna saglit, Julie girl."

Napairap si Julie saka kinuha ang bag niya at inilagay sa ilalim ng ulo ni Elmo upang magsilbing unan.

"Tsk. Subukan mo talaga akong tulugan, Elmo Moses. Makakatikim ka talaga sakin."

"Ng kiss, Julie girl?"

"Ng kamao ko."

Nagpeace sign si Elmo saka pa yumakap sa bewang ni Julie.

"Pawis ka, Magalona ah."

"You don't care naman eh."

Ang sweet nila no? Akala mo okay na sila? As in sila na ulit? Pwes, mali ka. Back to square one sila. Ganito din sila nung nag-umpisa eh. Tawag sa relationship nila?, Tayo na hindi tayo. Complicated? Sayo siguro, oo. Pero sa kanila, hindi. Chill lang, kumbaga.

"Julie?" Sambit ni Elmo habang nakapikit at nakahiga pa rin sa lap ni Julie.

"Hm?"

"Can we talk?"

"Lutang ka ba, Magalona?" Halakhak ni Julie Anne.

"I'm serious, Julie Anne."

"Well, if you didn't notice, Elmo Moses. We're already talking."

"That's not what I meant. I want to talk about us."

"Moe.."

"Julie, you've been avoiding that topic since naging medyo okay na tayo."

"I'm sorry."

"Sorry? You don't want me anymore, do you?"

"No! Hindi sa ganun."

"Eh ano?"

Sasagot na sana si Julie nang...

"JuliElmo, resume na tayo." Tawag ng choreographer nila.

Tumayo na si Elmo saka pa inilahad ang kanyang kamay kay Julie upang tulungan ito makatayo.

"Thanks."

Ramdam ni Julie na hindi nagustuhan ni Elmo ang naging pag-uusap nila. Halata din ito sa matamlay na aura ng binata.

Palakad na sana si Elmo nang higitin siya ni Julie.

Too Late... or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon