VI: The Past is Worth Remembering

170 27 3
                                    

July 17, 2014

"I'm sorry. It's have to be done."

Nakahandusay na siya sa lapag habang nakatakbo na si Maxine. Hawak-hawak ko ang baril na pinaputok ko sa kanya. Ako ang salarin. Wala na akong magagawa. Tinitigan lang ako ng mga ka miyembro ko.

"What the f*ck! What the hell did you do?!" sigaw sakin ni Aaron.

"I got to do it." Ang tangi kong nasabi. Nagsi-offline na ang mga kaklase namin na nanonood lang kanina.

Iniwan ko sila na nakatingin lang sa katawan ni Felix.

"I shot him because it's the only way. It's time to move on." sabi ko.

Umuulan nang malakas pero hindi ko ito binigyan ng pansin. Pumunta ako sa bahay nila. Nakita ko ang kapatid niya. Napansin niya ako kaya napatingin din siya sakin. Kakausapin ko ba? Siguro wag na.

Naglakad na ako palayo. Umuwi ako sa bahay namin ng basang-basa. Pumunta ako sa banyo at naligo. Kung ano-ano ang naiisip ko.

Ano na bang nangyari sakin?

Bakit ako pumapatay? Wala sanang mangyayaring ganito kung hindi dahil sa guro na yun. Tama lang na tinulak namin siya sa bangin. Tama lang na may bumaong kahoy sa lalamunan niya. Tama lang na patay na siya ngayon.


Inalog ko ang utak ko. "Ano ba 'tong naiisip ko?" tanong ko sa sarili.

"Alam kong nandyan na si Karma para bigyan ako ng parusa."

Tinapos ko na maligo at nagbihis na. Tumingin ako sa salamin. "Bakit nga ba ako naging leader ng Nex?"

Present Time
2:32 a.m. Friday.

Nakatingin ako sa salamin na tila naguguluhan. Nagising ako sa mga tawag ng kaklase ko.


Anong nangyayari sa Amity? Bakit may namamatay sunod-sunod? Una si Aeronkyle. Pangalawa si Richard. At pangatlo si Jhaianne. Ano ba meron?!

Nakuryente si Jhaianne. Ayun ang sabi ng pulis. Magkasama daw sina Faith at Jhaianne sabi ni Sir Fernan.

At ngayon. Si Faith ang nawawala. Hindi nakauwi sa bahay. Maaring nakidnap o hindi sana, may nangyaring masama.


Nagsisimula na bang maghiganti si Felix? Ito na ba yung Karma namin?

Faith's PoV
2:35 a.m. Friday


Nagising ako sa pagbukas ng ilaw.

"The early bird catches the worm." sabi ng hayop na nagkidnap sakin.

"Time Check. 2:36."

"Let's do some 'fun' things. Buhay ang diwa ko pag madaling araw." sabi niya. Alam kong hindi masaya ang gagawin niya. May kinuha siya sa cabinet.



"Anong nangyari kay Jhaianne?" tanong ko.

"Burned to crisp? Electrocuted to death? I think both." sabi niya sabay tawa. Hindi ko alam ang mareact ko. Maiiyak? Magagalit? Magwawala? Matatakot? Ayoko na. Ano bang nangyayari? Kinalog kalog ko ang mga nakatali sakin baka sakali panaginip lang.





Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon