Pangalawa (One-shot)

2.1K 26 8
                                    

"Pati ba naman sa title ng story ko, pangalawa pa rin ako?"

-------------------------------------------------------------------------------

May kasabihan tayong "Kapag nag-mahal ka ng dalawa mas piliin mo yung PANGALAWA kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung UNA diba?" Pero bakit ganon? Hindi siya applicable sa buhay kong walang kwenta. Tangina naman oh! 

"MAJJOY! ANO NANAMAN BANG GINAGAWA MO DIYAN SA KWARTO MO?! BUMABA KA NA NGA DITO! ANG TAMAD MO TALAGA!" Hay.. ayan nanaman yung bunganga ng tatay ko.

"OO. BABABA NA!" 

 

Ganito nalang parati ang buhay ko. Parati nalang akong napapagalitan tuwing sabado ng umaga dahil sa kadahilanang TAMAD AKO. Hay.. sana every weekend din may pasok ng nakakatakas ako sa bunganga ng tatay ko pero siyempre....jokelangyun! Nakakatamad din kaya sa school! Hayy. Kaya ako napapagalitan ee. 

"Ano? Ganyan nalang ang buhay mo? Aba!  Masyado ka naman atang pasarap diyan!  Eh kung tumutulong ka kaya dito noh? Diyan! manuod ka sa kuya mo ng matuto ka sa buhay at kung umalis man yung kuya mo, mapakinabangan naman kita saka gayahin mo nga yang kuya mo na nakakatulong samin di tulad mo na walang ibang gawin kundi mag pasarap sa buhay." Ayan nanaman ang mala-misang sermon sakin ng tatay ko, Parati nalang 'Dapat gayahin ang kuya mo' 'Buti pa yung kuya mo' 'Dapat mong matutunan lahat ng natutunan ng kuya mo' Shet! Parati nalang akong ganito..

Nakakasawa ng maging walang kwenta sa paningin nila..

Ganito naman kasi ako sa pamilya namin ee.Title ko na nga ang pagiging pangalawa sa aming magkakapatid na literal, pati pagtrato pangalawa padin? Minsan nakakainis pero madalas talaga nakakasawa na.. Ayoko ng ganito ee, well sino ba naman ang may gusto diba? Sino namang may gusto na kinukumpara ka sa kuya mo at sa bunsong kapatid mo diba? WALA. Kaya nasasaktan ako, kasi parati nalang ganito..

"Oh siya, aalis kaming apat ahh, ikaw nalang muna tao dito sa bahay ah. I-lock mo yung pintuan. " 

 What a life... 

----------------- 

"Oh ano? Nganga mode tayo dito? Nagawa mo na ba yung assignment mo sa physics?asdfghjklasdfghjklasdfghjkklasdfghjkl..." Naramdaman kong tumabi sakin si Martina at may sinasabi siya..pero para lang siyang nag-iintsik dahil di ko naman siya maiintindihan kaya nagpatuloy nalang akong nakatingin sa kawalan.

 "HOOOYYYY!" 

"Ay Jeremy! Ano ba naman yan Martina!" 

"Ayun! Kaya naman nakatulala sa kawalan ang gaga...iniisip nanaman yung taong WALANG KWENTA. Kanina pa ako nagdadadakdak dito day! Kanina pa talaga..nakakahiya naman sayo diba?" Haynaku! Eto talagang babaeng 'to walang tigil ang bungaga akala mo machine gun ang ingay pa -_____-

Pangalawa (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon