CANTO VII
Napag alaman kong si Skylar pala ay transferee dito sa school. HMM. Paano ko ba idedescribe si Skylar? Skylar is the perfect example of a CURD. Cute Nerd. Meron s'yang itim na salamin, hindi style nerd, parang kay kuya, at braces na bagay din naman sa kanya. May bangs s'ya na mahaba na animoy may itinatago sa noo hanggang sa kanang kilay. Madalas s'yang mag polo shirt at skinny jeans.
Kung iisipin mo, hindi naman s'ya totally nerd na nerd! Kaya ko lang nasabi na nerd eh dahil mejo mahina s'ya, at sobrang bookish. -.- tapos, president pa ng chess club. Wala pang sports na sinasalihan! Hindi rin s'ya popular sa school. In fact, madalas s'yang mabully.
"The derivative of the first times..." bitch please, 3rd year college na ako, derivatives pa rin ang pinag aaralan?! Eh 4th year high school palang kami meron na n'yan eeh! UGH. Boooring. -.- Sumilip na lang ako sa may bintana. Biglang dumaan ang apat na mga lalaking may mga matitipunong katawan. Mga varsity player ata ng school. Mukhang punong puno ng galit ang nasa gitna na parang leader nila.
"Tol, ito na ata 'yung room!" sabi ng isang lalaki. Osike, para hindi kayo malito, bigyan natin sila ng codenames. Itong unang nagsalita ay si Uno, ang nasa isang gilid si Dos, at ang nasa gitna si Tres. Kay??
"Tsk! Patay sakin 'yang Fleuret na 'yan!" - Tres.
"Brad, mamaya ng dismissal. Parating n'yung dean. Tara dali!" - Dos.
Fleuret?! Wag n'yong sabihin na si Skylar 'yun?! Tsk! Lagi nalang may manggugulo sa kanya.
---
DISMISSAL.
Nag iikot ikot ako dito sa school para hanapin 'yung tatlo kaninang lalaki at si Skylar. HMM. San na kaya 'yun? Tss. Lagi nalang nasa pahamak ang lalaking 'yun. Ewan ko nga ba sa sarili ko kung bakit ko nililigtas 'yun!
"Wala akong alam sa sinasabi n'yo!"
SKYLAR?! Dali dali akong tumakbo papunta sa may dulo ng school. Dun ko kasi narinig 'yung boses n'ya. Nung makapunta na ako, nakita ko si Skylar naka angat ang dalawang paa at patay na.
Di joke lang! XD Naka angat kasi hinawakan ni Tres sa kwelyo nito at itinaas.
"Anong walang alam?! Nilalandi mo girlfriend ko, p*ta ka!" - Tres.
"Hindi ko nga kilala girlfriend mo eh!"
"Sumasagot ka pa?! Eto sa'yo!" sabay suntok ni Uno sa tyan ni Skylar.
"ARAY!"
Di na ako nagpaligoy ligoy pa. Sinugod ko agad si Uno at sinuntok s'ya sa mukha ng ilang beses. Pagka tapos kong suntukin, ay itinapon ko s'ya sa may sulok. Sumugod si Dos na may hawak na patalim. Nakaka iwas naman ako, pero, naputol n'ya ang ilang strands ng buhok ko.
Sobrang nag init ang dugo ko sa Dos na 'yun! Tang*na!! Walang sino man ang nagupit sa buhok ko ng basta basta!! P*ta! Patayan na 'to!!
"GINUPIT MO BUHOK KO. MAGBABAYAD KA." I said with a veeeeery cold tone. Mejo natakot s'ya kaya naman sumugod ulit s'ya. Again, using his knife, pinaulanan n'ya ako ng sunod sunod na atake. Lahat naiiwasan ko naman, kaya nung nakita kong open s'ya, hinawakan ko ang kamay n'ya at ipinilipit ko ang kamay n'ya ng 361 deg kaya naman nabitawan n'ya ang kutsilyo.
Habang hawak ang kamay n'yang nakapilipit, pinulot ko ang kutsilyo na nahulog n'ya. Gamit 'to, iniukit ko ang hugis puso sa kamay n'ya.
"AAAAAAAH!!!!" kitang kita ko ang dugong umaagos sa kamay n'ya habang iniuukit ko ang puso. Pagkatapos kong iukit, ay ihinagis ko s'ya kasama ni Uno.
"Tsk! I'll deal with you later." rinig kong sabi ni Tres kay Skylar sabay hagis sa may pader.
"Paki elamera kang babae ka. At dapat sa inyong mga paki elamera, tinuturuan ng leksyon!" tumakbo s'ya sa direksyon ko ng naka ikom ang kamay, handang manuntok. Pinaulanan n'ya ako ng sunod sunod na suntok at sipa. Tsk! Mabilis 'tong isang 'to.
Hindi ko napansin ang kanang kamay n'ya, kaya BOOM! Nasuntok n'ya ako sa may labi. Tsk! Dugo pa labi ko.
"Naubos na ba energy mo?! Nagsisimula pa lang tayo!" mayabang na sabi n'ya. Sa inis ko, ako ang sumugod sa kanya. Binigyan ko s'ya ng malakas na uppercut na halos matumba na s'ya. Tapos, sinuntok ko s'ya gamit ang left hand ko. Mas malakas akong sumuntok sa left hand. Hindi pa ako nakontento, at hinawakan ang kamay n'ya tsaka inkot ikot s'ya at itinapon kasama sina Dos at Uno. Tsk! Mga gunggong. Weaklings.
Inalok ko si Skylar na umalis na kami bago pa magkamalay 'yung tatlo. Pumunta kami sa quadrangle ng school. Umupo sa isang bench at nagpahinga.
"Ayos ka lang Skylar?"
"Ayos lang ako. Ikaw! Ayos ka lang ba? 'Yang labi mo?"
"Aah. Ito, sus. Maliit lang 'to."
"Pasensya ka na talaga. Dapat, hindi mo na ako nililigtas eh. Dapat, hinahayaan mo nalang ako."
"Eeh, hindi naman pwede 'yun! Kawawa ka naman!"
"Tss."
A MOMENT OF SILENCE.
"Summer."
"Oh?"
Dugdug.
"Aray!"
"Sorry. Mahapdi ba?" pinunasan kasi n'ya ang labi ko. Eh mejo mahapdi. Teka, ANONG DUGDUG 'YUNG NASA UNA?!
"Mejo."
"Di bale, gagaling din agad 'yan."
Wala na akong masabi nun. At tuluyan na kaming kinain ng katahimikan.
---
"WAAAH!! Ang cuuuute moooo!! :3"
"Oo ngaa!! Maganda ka na nga, CUTE PA!! :33"
UGH. Kanina pa sina Peppy! Pano ba naman kasi, nag pagupit ako! Nagmukha daw akong bata. Sobrang cute daw na maganda. Kaya naman ako nag pagupit eh dahil dun kina Tres nung isang araw. Nung nagupit ng bahagya ang buhok ko. Nung pinaayos ko naman, binigyan naman ako ng bagong hair style! Eh gustong gusto nina Peppy kaya kanina pa nila akong binibigyan ng compliment.
Dahil wala kaming magawa, nag diresto ulit ako sa gym. Mag lalaro ulit ako ng basket ball. :D nag palit ako ng shorts at tshirt. Kumuha ako ng bola sa storage room at nagpunta na sa court.
Dribble.. dribble.. SHOOT!
Tsk! Sala! Tumalbog 'yung bola sa ring. Hinabol ko 'yung bola at biglang...
[ENSTER SOUND: BUMAGSAK NA BAGAY]
"YOU DUMBASS!! DO YOU WANNA DIE?!!"
"Tyrone?"
"Tsk." nakayakap si Tyrone sa likod ko. At mukhang pagod na pagod s'ya sa pag takbo. Nakita ko nalang na bumagsak na pala ang ring sa court.
So, iniligtas pala ako ni Tyrone?
"Hindi mo ba alam na hindi muna pwedeng gamitin 'tong gym na 'to?!"
"Hindi."
"Tsk! You're so stupid."
"Sorry ha!"
"Tss. Anyway, did you get hurt?"
"No. Thanks for saving me. :)"
"Yeah yeah sure. Tara na. Baka mahuli pa tay dito ng mga personel, isumbong tayo sa dean na tayo ang naka sira ng ring." naglakad na kami paalis ng gym ni Tyrone.
Mabait naman din pala minsan 'tong kupal na'to!
BINABASA MO ANG
INNOCENT
RomanceGenres: ACTION | ROMANCE | MYSTERY | Copyright © 2013 by chiiichaaan ALL RIGHTS RESERVED. NO PARTS OF THIS BOOK MAY BE COPIED OR REPRODUCED IN BOOKS, PAMPHLETES, OUTLINES OR NOTES, WHETHER PRINTED, MIMEOGRAPHED, TYPEWRITTEN, OR IN ANY OTHER FORM, FO...