A bright ray of sunlight hits straight to my face, saka ko palang narealize na umaga na. Dinig na dinig ko ang hampas ng alon sa buhangin while the summer wind continuously blows my hair. Sobrang sarap sa pakiramdam.
Pero wala nang mas hihigit pa sa feeling na magigising kang katabi ang mahal mo, hearing his every single breathe, and feeling his heartbeat that has exactly the same rhythm as yours.
"Good morning, my princess," bati niya sa akin habang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok ko. Inlove na nga talaga ako sa kanya.
Summer 2013, ito na yata ang pinakamasayang summer ng buhay ko.
Bata pa lang ako naniniwala na ako na isang araw, may taong darating sa buhay ko na magpapabago ng mundo at magiging dahilan ng pagngiti ko, soulmate kumbaga. Naniniwala ako sa destiny. Naniniwala ako sa 'happy ever after'. And yes, I do believe that fairytales do come true. Sabi nga ng mga kaibigan ko, hopeless romantic daw ako.
Sa labingsiyam na taon ko dito sa mundo, ilang beses na akong nainlove, pero hindi ako sure kung love ba talaga ang tawag doon, baka naman infatuation lang or crush? pareho lang ba 'yon? I wonder! Pero sa dinami-dami ng lalaking kinahumalingan ko, wala pa akong naging boyfriend kahit isa. May mga nag-aattempt na manligaw sakin but I don't feel and see a bit of sincerity sa kanila.
But this guy lying beside me, malakas ang pakiramdam ko na siya na talaga... Siya na talaga ang nakatakda para sakin. I can even imagine things like walking down the red carpet wearing my wedding gown and seeing him at the end of the aisle.
Hay totoo nga talaga na ang mainlove ang pinakamasarap na feeling sa lahat...
Well, it all started yesterday...
Yes, you've heard it right, kahapon lang kami nagkakilala. A flashback suddenly came to my mind....
~0~
"Kiss! Kiss!" Sigaw ng mga tao sa reception area ng kasal habang inilalagay ng isang groomsman ang garter na nasalo niya sa paa ko dahil ako ang nakasalo ng bouquet.
Actually, hindi naman talaga ako kasali sa mga single ladies na balak saluhin ang bouquet. Im not even part of the wedding entourage. Hinire lang ako ng wedding organizer para kumanta dito sa kasal dahil hindi daw makakarating yung hinire ng couple galing sa Manila. Nasa Kota Beach Resort kami ngayon dito sa Cebu. Beach wedding kaya dito ang venue. Actually, taga dito talaga ako sa Cebu. Ang sabi ni Ate Sophie na kumuha saakin para kumanta dito, taga Manila daw talaga yung couple at dito sila first na nagmeet kaya dito nila napiling magpakasal. How sweet... Ako din, gusto ko doon ako ikasal sa lugar kung saan ko mamimeet ang aking future husband.
Part time job ko nga pala ang kumanta sa mga kasal, sa patay, sa mga debut at mga birthday parties.
Okay bago pa ako makapagdaydreaming at makapagplano ng sarili kong kasal, narealize kong hawak ko nga pala yung bouquet. Napalakas yata ang hagis ng bride sa bouquet kaya naglanding ito at tumama sa ulo ko. Kaya wala akong choice kundi ang hawakan ito.
"Dalian mo!" Naiiritang bulong ko sa lalaki habang inilalagay niya yung garter sa paa ko, buti nalang medyo mahaba yung dress na suot ko. Nagsmile lang siya at tinitigan ako na parang tutunawin ako at any point in time. Napamura ako sa isip ko. Oh my God! bakit isang chinito pa? Weakness ko pa naman sila.
"Kiss!!!" Nagsigawan nanaman ang mga tao. Wala manlang akong kilalang kahit isa sa kanila.
"Pa'no ba yan, kiss daw sabi nila," sabi ng lalaki after niya mailagay ang garter sa paa ko. Kinilabutan ako sa boses niya, sobrang husky na parang foghorn. Ang sexy pakinggan. 'Di ko alam kung bakit parang napupunta lahat ng energy ko sa dulo ng mga daliri ko, nanghihina ako ng bongga.

BINABASA MO ANG
LOYALTY (One-Shot Story)
Short StoryWhen Kristoff and Pam met each other, they knew there's an invisible string that connects their hearts. But what if something tragic happens? Will that string remain unbroken? © ClumsyKitten 2013