Droplets (One Shot)

545 16 10
  • Dedicated kay lagi kasing umuulan T_T
                                    

"Rain is liquid water in the form of droplets and guess what? I love Rain." - Jhan

Mahalaga ang bawat patak ng ulan. Bakit? Kasi dahil dun, nakilala kita. Sa bawat patak ng ulan, naaalala kita. Ikaw. Sa bawat buhos nito, naiisip kita. Ikaw. Dahil mahal kita. Mahal na mahal.... kahit sa tuwing tag-ulan lang kita nakakausap.

Alam niyo ang pakiramdam ng inlove? Yung tipong 'pag naiisip mo siya, lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso mo at napapangiti ka ng walang dahilan? Yung tipong sa tuwing gumigising ka sa umaga, siya at siya agad ang laman ng isip mo?

Napailing ako.

At napaisip, kailan kaya kita makikita ulit? Apat na taon na simula nung mangyari yun. Ikaw? Naaalala mo pa kaya ako? Kasi ikaw... araw-araw kitang iniisip. Walang segundo na hindi kita iniisip. Walang segundo na hindi kita naalala at walang segundo na hindi kita minamahal.

Mahal na nga siguro kita.. Siguro?

Napakatahimik at tanging ang street lights lamang ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Ang lakas ng ihip ng hangin at alam kong kahit anong oras ngayon ay bubuhos na naman ang ulan mula sa langit.

Nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad habang nakatanaw sa langit. Gabi na at wala ng masyadong tao sa daan kaya malaya akong maglakad nang hindi tumitingin sa dinadaanan. 

Nag-angat ako ng mukha at napapapikit.

Naalala ko na naman ang mga sandaling nakasama kita... sa gitna ng ulan.

"Waaaaaaaaahhhhhhhhh! Ulan na naman! Buti na lang at dala-dala ko lagi 'tong payong ko!" 

Kinuha ko yung payong ko sa loob ng aking bag at binuksan ito. Maraming kaklase ko ang gustong sumabay sa akin sa pag-uwi kasi may payong ako. Pero hindi ako pumayag. 

May hinihintay kasi ako.

Marahan akong naglakad papunta sa classroom niyo yakap-yakap ang tatlo kong mabibigat na libro. Dala-dala ko yung payong ko nun kaya hindi ako nababasa. 

At hindi nga ako nabigo kasi nakita kita.. Nakatayo, nakapanghimulsa, medyo basa pa ang noo at nakatingala sa ulan. Alam kong pinagmamasdan mo rin ang bawat patak ng ulan gaya ng ginagawa ko sa tuwing gabing hindi ako makatulog... kakaisip sayo.

Napangiti ako ng kunti nung magkatagpo ang mga mata natin. Hindi ko iniaalis ang tingin ko sa'yo at ganun ka rin. Nakipagtitigan ako sayo ng ilang segundo bago nagsink-in sa utak ko na nginitian mo pala ako. Nginitian mo ako.

Ang saya-saya ko nun. Nahulog nga yung tatlong libro ko nun eh, buti na lang hindi masyadong nabasa. Pero okay lang, nginitian mo naman ako. Sobrang saya ko.

Pero alam mo ba kung ano ang hindi ko malilimutan sa lahat? Yun yung unang beses na nagkausap tayo -- sa gitna ng ulan.

Droplets (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon