I already knew you seven years ago. We were so young that time. Mag-bestfriends tayo. Childhood bestfriends to be exact. Clichè diba? Pero yun yung totoo.
Lagi tayong magkasama noon, no malice. Bakit? Kasi gwapo ka, pangit ako. Walang sparks. Saklap diba?
Pero para sakin? Ngiti mo pa lang, solve na solve na ako. Pakiramdam ko nga nagsslow motion pa yung paligid ko pag nakangiti ka.
Mabilis tayong magkaintindihan. Yung tipong isang tingin o isang ngiti ko lang alam mo na agad yung ibig sabihin. Telepathy ba tawag dun?
Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi mo alam na gusto kita.
Hindi mo kasi ako nakikita as a babae.
Ako ang kasama mo nung mga panahong bagong tuli ka pa lang. Ako ang nag-aalaga sayo pag may sakit. Ako ang nagpupunas ng pawis mo sa likod tuwing may game ka. Ako ang nagkamot sa kili-kili mo nung napilay ka kasi nahulog ka sa hagdan. Ako lahat.
Marami tayong kalokohan dati. Minsan pa nga ako yung sumasalo sayo sa mga magulang mo. Sakin ka kasi nila hinahabilin.
Tinanong ka nga nila noon kung bakit hindi mo raw ako nililigawan. Hindi ka sumagot. Tumawa ka lang. Ang sakit diba?
Sabagay, sino nga ba ang hindi matatawa kung ligawan ang isang tulad ko?
Marami na tayong pinagdaanan. Open tayo sa isa't isa. Kapag may problema ka sasabihin mo sa akin. Ganun din ako, vice versa.
Mayaman ka, may kaya lang kami. Mag-kaiba tayo ng level. Pero kahit ganun hindi mo ako nilayuan. Sabi mo pa nga, ako yung pinaka-mahalagang tao sa buhay mo. Haba ng hair ko no?
Tuwang-tuwa ako nung araw na sinabi mo iyon. Sabi ko pa nga sa sarili ko, 'Eto na ba ito? Nagkakagusto na rin ba siya sa akin?'
Ngiting-ngiti ako habang iniisip ko na siguro nga may feelings ka na rin sa akin.
Pagtapos ng araw na iyon madalang na lang tayo nagkikita at nagkakasama. Tinext mo ako, sabi mo busy ka. Naiintindihan ko naman. Supportive bestfriend here.
Busy ka pero minsan makikita lang naman kita na nakatambay sa canteen kasama yung barkada mong lalaki. Hindi ako nagreklamo. Okay lang. Okay na okay lang.
Lumipas ang isang linggo na walang tayong communication. Hindi na tayo nagkakasama. Ni hindi mo nga ako tinitignan pag nagkakasalubong tayo.
Sinubukan kitang itext, sabi mo busy ka sa school works at projects. Napangiti naman ako habang binabasa ko yun. Naks! Ang sipag ng bestfriend ko.
Pero nabalitaan ko nalang na hindi ka pala busy sa school works mo. Nililigawan mo na pala yung kaklase mong maganda.
Bakit hindi mo sinabi sa akin? Okay lang naman sakin e. Dati nga sakin ka pa nagpapa-tulong kapag bibili ka ng regalo para sa mga chicks mo.
Bakit? May nagawa ba akong mali? Mabaho ba yung hininga ko kaya ayaw mo akong kausapin? May muta ba ako kaya ayaw mo akong tignan? Maasim ba ako o may masamang amoy kaya hindi mo na ako nilalapitan?
Sobrang lungkot ko. Iyak ako ng iyak hindi dahil sa may nililigawan ka. Kundi dahil sa kinalimutan mo na ako.
Nagulat ako one time nung nasa supermarket ako. Nakita ko yung mama mo. Tinanong niya ako kung bakit daw hindi ako nakasama nung hinatid ka sa airport.
Airport? Nanlumo ako. Umalis ka pala. Paano ako makakasama sa paghatid sayo kung hindi ko naman alam na aalis ka. Hindi ko alam kasi wala ka ng pakialam sa akin.
Sobrang sakit. Pero kahit ganoon, wag kang mag-alala. Ako pa rin yung bestfriend mo na laging ikaw yung priority.
Ako pa rin yung bestfriend mo na hindi ka iiwan, kahit na ikaw mismo yung nang-iwan.
Years had passed. I'm still alone and miserable. Still missing you and remembering all the memories we shared.
Hanggang sa malaman ko na babalik ka na dito. Sobrang saya ko. Niyakap mo ako.
Kitang-kita ko sa mga mata mo ang saya. Lahat ng lungkot at sakit ay biglang nawala nang makita ko ulit ang iyong ngiti.
Ngayon na nandito ka na ulit ayaw ko ng magsayang ng pagkakataon pa. Sasabihin ko na sayo ang nararamdaman ko.
Sasabihin ko na, na mahal kita. Dati pa. At hanggang ngayon.
Bilang may sumulpot na babae sa tabi mo. Niyakap mo siya at hinalikan sa labi.
Nanlambot ang tuhod ko sa mga nakita. Hinawakan mo ang kanyang kamay at saka tumingin sa akin,
'Eli, eto si Kriza. Ang babaeng pakakasalan ko.'
Walong words lang pero nadurog ako. Durog na durog.
And what's worst? Wedding singer pa ako.
Ngayon, nandito ako sa simbahan. Kumakanta habang pinapanood kang makipag-isang dibdib sa babaeng mahal mo.
Masaya ako para sayo. Masaya ako kahit na hindi ako ang nakatuluyan mo.
Kahit na ano pa ang mangyari, ikaw pa rin ang nasa puso. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko, Marco.
Tanggap ko na. I'm just a mere bestfriend for you. Your sidekick.
-Elizabeth 'Eli' Rodriguez
BINABASA MO ANG
Sidekick
Teen FictionNormal lang sa ating mga babae ang nai-inlove sa ating lalaking bestfriend. Lagi mong kasama at karamay sa lahat ng bagay. Sa kalokohan, sa problema, sa kalungkutan. Ang mahirap lang, paano kung one-sided love? Paano kung ang tingin niya sayo ay bes...