Stalking

11 0 0
                                    

            Kung pahuhulain ako, malamang isa syang’blogger.’ Mayroon syang netbook, itim na salamin, may manipis at mahabang buhok.  Nakasuot sya ng gray shirt na may kwelyo at wrist watch sa kaliwang kamay. Minsan nahuhuli ko syang tumitingin sa akin. Malamang, nahuhuli nya rin ako. Sana hindi mapansin na nagsusulat ako tungkol sa kanya.

                Mas nauna syang dumating sa akin. Nakatatlong beses na akong order sa counter: big ‘n tasty, fries at monster coke float sa una, medium iced latte sa pangalawa, at large latte sa pangatlo. Samantalang coke float ang nakita kong nasa mesa nya. Nakadalawang pasok na rin ako sa restroom. Hindi ko pa sya nakitang tumayo sa upuan nya. Minsan ay nakatingin lang sya sa monitor nya. Minsan naman may tina-type sya. Hindi ko alam kung gumagamit ba sya ng internet  dahil muka namang wala syang broadband. Pangalawa, wala naming wifi dito.

            May pagkakapareho kami. Ginagawa nya rin na ipatong ang baba nya sa dalawa nyang kamay. Ano kayang iniisip nya? Sana kaya kong basahin. Mukang interesting eh. May pagkakahawig din sila ng tatay ko. Mas maliit lang sya at payat lang sya. Tumitingin sya sa mga tao. ‘Di ko sigurado kung kumukuha sya ng inspirasyon para sa ginagawa nya o nagoobserba din sya gaya nung una kong ginawa pagdating ko. Dumadami na ang mga studyante dito. Malamang, nadagdagan yung ingay. Muka namang di sya naiistorbo. Ang galing nya. Malapit na akong magdalawang oras dito. Sya kaya? Gaano na kaya sya katagal? Sino kayang mas mauunang umalis samin? Hindi ko masyadong makita yung reactions ng mukha nya dahil hindi ko suot yung salamin ko.

         Parang may pinapanuod din sya. O nagrereview sya? Hindi ko talaga mahulaan. Nakakatawa. Kasi, ang tagal na nya dito pero hindi pa pala nya ubos yung coke float nya. Nakita ko syang humigop. Parang nagsilbing pahinga nya yun. Sobrang saglit na pahinga dun sa ginagawa nya. Sumasakit na yung kamay sa pagsusulat pero wala pa din syang masyadong kinikilos. Magbabasa muna ako……

          5:55 pm na. 3hrs na ako dito. Pangatlong beses ko nang pasok sa restroom. Sana, nandito pa sya paglabas ko…….

      Nandito pa sya. Saglit lang naman kasi ako nagwashroom. Gusto ko syang tanungin. Kausapin. Muka syang matalino. At tahimik. Obvious, kase wala syang kasama. Ang weird naman kung makikita ko syang magsalita mag-isa.

           Mag- a- out na sa trabaho yung isa sa mga cashiers. Nagbibilangan na sila ng pera kasama nung lalaki nilang manager. Kami, ganito pa rin. Hindi ko pa nakakalahati yung pangalawang kape ko. Gusto kong magyosi kaso wala akong dala.

           Meron sya bagong kinilos bukod sa kanina ko pa naisulat: nagkamot sya ng tagiliran.

           Naaamoy ko yung hininga ko. Amoy kape na. Haha. Medyo natawa ako. Nakakahiya.

      Palubog na yung araw. Kulay madaling araw na sa labas. Dumami na din yung mga dumadaan na sasakyan.

       6:17, hindi ko sya makita. Nahaharangan sya ng plastic bag na nakapatong dun sa mesang nasa gitna namin. Kinakabahan akong tumingin ng tumingin. Baka makahalata na sya.

       6:26, nag- aayos na sya ng gamit. Mukang aalis na sya. Tumayo at naglakad. Umakyat sya sa 2nd floor. Magwawash room na siguro sya.

      Sayang. Hindi ko man lamang sya nakitang ngumiti. Kahit sobrang tipid na ngiti. Hihintayin ko pa rin syang bumaba. At, ito na sya. Umalis na sya ng tuluyan.

        Goodbye, not-my-future-lover. Salamat sa pagtingin mo sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

StalkingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon