FAB1: C4

67 4 0
                                    

Copyright © AMYUZMAN
(Amy de Guzman)
All rights reserved
2016

KABANATA 4

Madaling araw pa lang ay bumangon na 'ko. Ang sakit sa ulo. Halos wala kasi akong tulog. Paano ba naman, iyak lang nang iyak ang inatupag.

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin na nakasabit sa dingding, magang-maga ang mga mata ko. Hay...

Lumabas na 'ko ng pinto at tiningnan ang katabing silid nito, nakasarado pa. Tulog pa siguro. 3:45 pa lang naman kasi. Bumaba na lang ako at dumiretso sa kusina, nagtimpla ng black chocolate at kumuha ng tinapay.

Nakakawalang ganang kumain, pero kailangan. Habang iniinom ko ang aking tinimpla ay may naaninag akong nakatayo sa harap ng mesa. Agad kong ibinaba ang cup na iniinuman ko at tiningnan siya nang nakakayamot. Sino pa nga ba ang nasa harap ko... walang iba kundi ang gag* kong ama.

"Kumusta naman ang pasalubong ng mama mo sa'yo kagabi? Nagustuhan mo ba?"

"Wala akong ganang makipag-usap sa isang hayop na katulad mo!" Tinalikuran ko na siya at akmang pupunta na ng banyo nang nahawakan niya ang braso ko. Pilit akong kumakawala subalit ang higpit.

"BITAWAN MO NGA 'K0!" Habang patuloy pa ring nagpupumiglas.

"Bibitawan lang kita kung pagbibigyan mo ulit ako... sa alam mo na."

"Si mama o!" Napalingon siya sa sinabi kong iyon at niluwagan ang pagkakahawak sa'kin. Sinamantala ko naman ang pag ka ka taong iyon upang makatakbo papasok ng banyo. Agad kong ni-lock ang pinto nang makapasok na 'ko.

"Hayop ka, Stacy! Buksan mo 'to! Lagot ka sakin paglabas mo dyan!" Sigaw niya habang kinakalampag ang pinto.

"Kahit patayin mo pa kong hudas ka! Hindi ako natatakot sa'yo!"

"Lumalaban ka na ha! Buksan mo 'to! Buksan mo--"

"Hon?" Napatigil siya nang marinig si mama. Ayan, magsama kayo! "Anong ginagawa mo riyan, hon? Ang ingay. Kanina pa ko nakakarinig nang parang sumisigaw. May kaaway ka ba?" Narinig kong tanong ni mama, Pero wala na akong pakialam kung ano pa ang pag-usapan nila.

Pagkatapos kong maligo ay nagtapis na 'ko ng tuwalya at lumabas na. Buti na lang wala na sila. Nasa'n na kaya ang mga yon? Baka nasa impyerno na.

Umakyat na 'ko at pumasok sa kwarto upang magbihis ng uniporme.

---

Naglalakad ako ngayon sa corridor nang makita ko si George. Ewan ko ba, parang gusto ko siyang iwasan sa ngayon. Nahihiya ako sa nakita niya kagabi.

Huminto muna ako sa paglalakad at hinayaan siyang makalayu-layo.

Nang malayo na siya ay nagsimula na rin akong maglakad. Bakit ganoon? Kahit nakatalikod siya ay lakas pa rin ng dating niya. Lahat ba naman ng madaanan ay napapalingon sa kanya. Ibang klase.

Nakatingin pa rin ako sa likod niya nang... lumingon siya at... nagtagpo ang mga mata namin. Naku! Lagot!

Tumalikod ako at naglakad pabalik. Bahala na.

"STACY!"

Naririnig ko siyang tinatawag ako pero nagkunwari akong walang naririnig. Nang maramdaman kong malapit na siya ay nasa binilisan ko pa ang paglalakad.

"Oh! Stacy! Bingi!" Naririnig kong tumatakbo na siya kaya tumakbo na rin ako, pero...

Wala rin namang nangyari, naabutan pa rin niya 'ko.

Hinabol muna niya ang hininga niya bago nagsalita," Iniiwasan mo ba 'ko?"

"A-ako? Iniiwasan ka? Hindi ah," sagot ko habang nakatingin sa ibaba.

"E, bakit hindi ka man lang huminto nang marinig mong tinatawag kita?" Ngayon ay hawak na niya ang dalawang kamay ko. "Huwag ka nang magkaila. Alam kong may pinagdaraanan ka." Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa kamay ko at niyakap ako. "Nandito lang ako, Stacy. Maasahan mo ako." Napayakap na rin ako sa kanya at di ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Luhang di dulot ng lungkot, kundi dahil sa saya...

na mayroon palang isang tao na nagpapahalaga sakin, at si George yun.

"Salamat," naging tugon ko na lang sa kanya.

---

George's POV

Natapos na ang buong klase, wala man lang akong naintindihan sa mga itinuro pero ayos lang. At least, napangiti ko ang babaeng nasa harap ko ngayon.

"Hmm. Stacy, gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?" Napatingin siya sa'kin. Masyado kasi siyang abala sa pag-aayos ng mga gamit.

"Naku, huwag na muna ngayon George. Alam mo na, baka masigawan ka na naman ni mama."

"Yun lang ba? Ayos lang sa'kin. Kahit araw-araw pa akong sigawan niyang mama mo, ayos lang. Basta ba ligtas kang makakauwi sa inyo," sabi ko sa kanya habang tinutulungan siyang ilagay ang mga libro niya sa bag.

"Huwag na muna ngayon, George. Please." Ilalagay na sana niya ang bag niya sa likod pero kinuha ko ito.

"Tutal, ayaw mo namang magpahatid, ako na ang magdadadala nito. Ayos ba?" Napangiti siya.

"Hindi mo naman kailangang gawin ito e. Pero dahil mapilit ka, sige na."

---

Malapit na pala kami sa kanto ng mga bahay namin... na kung saan maghihiwalay na naman kami.

Grabe, parang ayoko nang humiwalay sa kanya.

"Ahm... Stacy, pwede bang huminto muna tayo?"

"Sige. May sasabihin ka ba?"

"Wala naman. Gusto lang kitang..." Yakapin. At niyakap ko nga siya. Alam kong nakakadalawa na 'ko ngayong araw. E sa gusto ko e.

"George..."

"Pwede bang ganito na lang muna tayo kahit isang minuto lang? Isang minuto lang talaga." Pumikit ako habang yakap siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko at ganoon din ang sa kanya. Tila nakikisabay.

Parehong walang nagsasalita sa aming dalwa.

Nakapikit pa rin ako hanggang sa huling segudo nang pagkakayakap sa kanya.

3. 2. 1. At iminulat ko na ang mga mata ko't humiwalay sa kanya.

---

Stacy's POV

Hindi ko inaasahang yayakapin niya ulit ako. Nakatitig lang ako ngayon sa mukha niyang maamo. Bagamat madilim na ay kitang kita ko pa rin ang kagwapuhan niya.

"Ayaw mo ba talagang ihatid kita?" Napakakulit talaga niya.

"Wag na, kaya ko naman ang sarili ko." Nginitian ko siya at ipinatong ang kanang kamay ko sa balikat niya upang tapikin iyon. "Sige na, umuwi ka na para makauwi na rin ako."

"Sabi mo, e." Halatang dismayado siya. Hinawakan niya 'ko sa magkabilang braso at bahagyang yumuko. Dahilan upang maging magkatapat at magkalapit ang mukha namin. "Pero ito ang tatandaan mo, kung sakali mang saktan ka ulit ng mga magulang mo, nandito lang ako."

"Oo na, ikaw na ang tagapagtanggol ko."

---

***

***

End of Chapter 4

Thank You For Reading!

VOTES and ⇩COMMENTS
are highly appreciated

Fixed and BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon