Chapter 1: The Best Christmas Gift

32 1 0
                                    

"Merry Christmas!!"



Kasabay ng pagkain namin ng Noche Buena ang malakas at masayang batian namin ng Maligayang Pasko. Sa tuwing ganitong okasyon, madalas na nagpapahanda ng malaking selebrasyon si Papa dito sa mansion. Iniimbitahan niya ang malalaki at sikat na tao sa iba't ibang kumpanya hindi lamang sa lugar namin kundi pati mga kasosyo nya sa ibang bansa. Si Papa ang may-ari at isa sa Board of Directors ng Alcantara Group of Companies - isang kumpanya na humahawak sa malalaking restaurant sa aming lugar, pati na rin sa mga manufacturing companies at maski wine business. Kaya naman ako, si Monique Alcantara, kahit pasko, e napipilitan batiin at kamayan halos lahat ng tao dito sa bahay dahil iyon ang bilin lagi sakin ni Papa kapag may ganitong okasyon.



"Mr. Leandro Alcantara," tawag ng isang bisita kay Papa.



Napatingin si Papa, ngumiti, tinawag ako't sabay kaming lumapit sa kanya.



"Mr. Adam Valdez," sabay kamay ni Papa, "Are you having a good time with this party?"



"Of course, Mr. Alcantara. Oh, and is this your loving daughter, the next heir of the Alcantara Group of Companies?" ngumiti at sabay tumingin sa akin.



"Yes, she is," sagot ni Papa kay Mr. Valdez.



Ngumiti ako sa kanya, kinamayan at binati siya nang, "Merry Christmas po."



"Well, what a very polite lady you are!" complimented by Mr. Valdez.



"Mr. Alcantara, you have raised a very well-mannered child. I do hope she'll be a good candidate for my son in the future," added by Mr. Valdez.



"Then, I would be honored. It could also start a good business partnership soon," masayang kwentuhan nila ni Papa.



Given that busy sila sa kwentuhan nila at hindi ko naman gusto ang topic na pinag-uusapan nila, pasimple akong umalis at kunwari'y babati pa sa ibang bisita ngunit dumeretso ako sa dining table at kumuha ng maiinom. Feeling ko kasi nakakapagod ding bumati at kumamay sa mga bisita. At ano bang klaseng conversation 'yun with Mr. Valdez. Is my dad planning me to have a fixed marriage with Mr. Valdez's son? No way!! At ano 'yung sinasabi nyang next heir to the Alcantara Group of Companies? Hello!! Hindi lang naman ako ang anak ni Papa. Yes, we are two in the family at bunso ako. Haaayyy!! Okay na sana ang pasko ko, masaya na sana.. kung nandito lang si kuya.



"Psssttt!!"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted Fate Book 1: The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon