The Day We Fall In Love

38 3 0
                                    

Time.. I've been passing time watching trains go by.. All of my life..

Huh? Ano yun? Saan nanggagaling yun?

Lying on the sand, watching seabirds fly.. Wishing there would be..

Ang galing niya ding mag gitara. Ang linaw ng melody. Parang nag practice siya ng todo.

Who is he? Is he a member of Bluenote Band?

Someone waiting home for me.. Something's telling me it might be you..

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. Ayokong makalikha ng kahit anung ingay na makakapagpatigil sa kanya. Hahawakan ko na yung doorknob..

It's telling me it~~

"Chelsea, anung ginagawa mo diyan?"

"Ayy. Anak ka ng palaka Micah. Ginulat mo ko!"

"Anu ba kasi ginagawa mo diyan? Nakuha mo na ba yung naiwan mo? 6pm na, tara na"

Pinakiramdaman ko muna kung may kumakanta pa, kaso wala na e. Narinig niya siguro kami. Hayy, si Micah kasi e.

"Wala. I mean, oo nakuha ko na. Tara na!" Aya ko kay Micah.

Once again, tiningnan ko yung classroom kung saan may kumakanta kanina.

Hope to know you soon, sana this is not the last time na maririnig ko ang boses mo.

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon