To be innocent and problem free is the best feeling in the world. And that best feeling is to be a kid or to be with a kid.
++CynethIsTheName++
Nakatambay ako sa gutter dito sa malapit sa bahay namin. Unang araw ng summer vacation at wala akong magawa. Kakatapos lang ng clearance ko sa school kahapon kaya vacation na. Im free from stress.
Napatingin ako sa kotse na huminto sa kabilang kalsada na katapat ng bahay namin, kasunod naman noon ay ang isang truck.
Hmm? May bago yatang lilipat. May bumabang batang babae mula sa kotse. Napangiti ako. Ang cute kasi niya, siguro ganyan din ako nung bata ako. Siguro mga nasa around 4 or 5 years old siya.
Nakatayo lang yung bata dun at palinga linga sa paligid. Naninibago ata, hanggang sa napatingin din siya sa akin. Ngitian ko siya, ngumiti din siya tapos nagulat ako ng bigla siyang tumakbo papunta sa akin.
"Hi, anung pangalan mo!?" Sabi ko ng makalapit na siya sa akin.
"Sarah po!" Sagot niya. Ang galing, diretso siya magsalita. Hindi siya utal.
Nakiupo din siya sa tabi ko. Mukhang mabait ang batang to ah. Mukhang behave!
"Ang cute mo naman. Ilang taon kana?" Tanong ko habang nakadikit ang pisngi ko sa kamay ko na nakapatong sa tuhod ko at tumingin sa kanya.
Pinakita niya naman sa akin yung kamay niya na naka 4 sign. "Ikaw po?"
"16 na ako. Kaya tawagin mo na lang akong ate Chelsea ha!"
Ngumiti lang siya. Napaka smiling face naman nitong batang to. Ang friendly.
"Sarah? Sarah! Anung ginagawa mo diyan?" May babaeng palapit sa amin. Siguro nasa Mid 30's na siguro siya.
Tumayo si Sarah kaya tumayo na din ako. "Mommy!" sabi ni Sarah.
"Hello po!" Bati ko.
"Pasensya na hija. Ginugulo ka ba nitong anak ko? Sorry. Hindi ko siya napansing umalis. Busy kasi ako sa pag aayos ng gamit!" Sabi niya.
"Okay lang po. Ang cute niya nga po e!" Sabay gulo ko sa buhok ni Sarah.
"Salamat! Kakalipat lang namin dito. Ako nga pala si Yssa. Just call me Tita Yssa. Kasi may anak din ako na halos kasing edad mo!"
"Ganun po ba? Sige po Tita Yssa. Ako naman po si Chelsea. Diyan po ako nakatira!" Tinuro ko yung bahay namin.
"Ahh. Magkatapat lang pala tayo. Sige ha! Marami pa akong aayusin." Paalam niya "Sarah, halika na. Wag ka malikot ha. Busy si mommy!"
"Ako na lang po muna magbabantay kay Sarah. Take your time na lang po sa pag aayos ng bahah niyo." I volunteered.
Parang nag aalangan si Tita Yssa na tanggapin yung offer ko. Kaya nagsalita ako ulit.
"Wag po kayong mag alala. Hindi po ako masamang tao. Taga diyan lang po ako! Katok na lang po kayo pag kukunin niyo na si Sarah. Gusto niyo pong pumasok muna para makasiguro?" Paanyaya ko.
"Naku! Hindi naman sa ganun hija. Halata naman sayong mabait. Ang kaso e nakakahiya naman!"
"Hindi po. Okay lang!"
Pumayag na din siya. Hindi na siya pumasok sa bahay. Mamaya na lang daw pag kukunin na siya si Sarah. Inakay ko naman si Sarah papasok. Mabuti na lang hindi mahirap kausap tong bata.
Medyo malikot nga lang kasi talon ng talon habang naglalakad kami.
"Sino yan?" Tanong ni Ate Cheska pagpasok namin.
"Ahh. Bagong lipat diyan sa tapat. Sabi ko sa mommy niya na dito muna siya para makapag ayos siyang mabuti dun sa bahay nila!"
Tumango tango lang si Ate. "Ahh. Mabuti at ipinagkatiwala na agad sayo yang bata! Sige, maliligo na ako. May lakad kami ni Shiela e. Isasama sana kita kaso mukhang di ka pwede kasi mag aalaga ka ng bata!"
"Sige Ate! Okay lang. Basta may pasalubong. Hehe!"
"Ikaw talaga!"
Umakyat na si Ate sa kwarto niya. Umakyat na din ako sa kwarto ko kasama si Sarah.
Pinayagan ko siyang paglaruan yung dolls sa cabinet.
Nagbuklat lang ako ng laptop para magfacebook habang nakadapa sa kama. Hanggang sa lumapit sa akin si Sarah at iniabot sa akin yung dvd ng movie na Home.
"Nuod tayo ate Chelsea!" Sabi niya.
"Sige wait lang. Isasalang ko lang to ha!" Sabi ko saka kinuha sa kanya yung DVD.
Umupo din siya sa kama ko at itinutok ang mata niya sa TV.
Pumunta naman ako sa may pintuan para isigaw kay yaya na magdala ng pagkain bago ko tinabihan si Sarah.
Ng matapos yung movie. Sunod naming pinanuod yung Sherman and Mr.Peabody! Mahilig pala to sa movies.
6pm ng may narinig akong doorbell.
"Halika na Sarah. Nandiyan na ata ang mommy mo!"
Bumaba na kami. Nakita ko si gate si Tita Yssa.
"Pasok po kayo Tita!" sabi ko pagbukas ng gate.
"Naku. Hindi na! Nakakahiya naman. Kamusta si Sarah? Naging pasaway ba?" Tanong niya habang inaaya si Sarah palabas.
"Hindi naman po. Pasensya na nagkadumi yung damit niya sa pagkain!" Paumanhin ko.
"Okay lang saka salamat! Mauna na kami. Salamat ulit ha!"
"Wala po yun. Bye Sarah!"
"Bye ate Chelsea."
Lumapit sa akin si Sarah at hinila ako na parang may sasabihin. Kaya yumuko ako. Tapos bigla niya akong kiniss sa pisngi bago tumakbo sa mommy niya.
Haay, sana may kapatid din akong bata.
Kinabukasan, nagulat na lang ako ng sabihin ni mommy na pupunta kami sa Korea para magbakasyon.
Wala namang problema kung biglaan dahil okay naman ang papers ko kasi madalas kamk mag bakasyon dun dahil Koreano ang lolo ko.
Dito na nga lang siya sa Pilipinas lumaki kaya tagalog na tagalog. Ang kaso, di ko na matandaan ang lolo ko, because he died right after my mother give birth to me.
"Kasama ba si Daddy?" tanong ko kay Mommy. Madalas kasi di siya sumasama tuwing pupunta kami sa Korea because of business.
"Of course he will. Naayos na niya yung leave niya!" sagot ni mommy.
"Yehey!!"
"Mommy. Pwede 1 month lang. Bday ng girlfriend ko sa May e!" Tanong ni Clarence. Ang 14 year old brother ko.
Medyo nagulat ako sa sinabi niyang GIRLFRIEND! Anu to? Ako lang ang single sa amin? At kahit ang bata kong kapatid e lumalablayp?
"O sige!" Sabi ni mommy na mukhang hindi nagulat. Mukhang alam na niya.
"Oi. Anung girlfriend? Bakit di ko alam yan?" reklamo ko.
"Clarence. Akala ko nasabi mo na sa Ate Chelsea mo?" sabi ni Mommy.
Nilapitan ko si Clarence at ginulo gulo ang buhok. "Pakilala mo yan sakin ha!
Inalis niya naman yung kamay ko sa buhok niya. "Oo na. Oo na!"
Ngumiti na lang ako tapos biglang may naalala ako. "Oo nga pala Mommy. May bago tayong kapitbahay diyan sa tapat!"
"Ganun ba? Sige! Pagbalik natin from Korea makikipagkilala ako sa kanila. Not now, busy pa tayo e." Sabi ni Mommy habang busy sa pag aasikaso ng kung anu.
Tumango ako. "Okay!"
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
Teen FictionIt's all started on one song. She heard someone singing a song inside a classroom. Will she be able to find the owner of the voice?? Or continue life and forget about his voice?