"Huy. Sige naaa. Bati na kasi tayo e."
Pangungulit ko kay Ashleen.
Kadarating niya lang sa school at sinabayan ko siya sa paglakad hanggang room.
Hindi niya ako pinapansin. Para ngang walang naririnig.
"Uyy. Eto naman uh...Ash"
Hinahawakan ko kamay niya pero binabalibag niya.
"Tumigil ka ah. Kahapon ka pa. Matagal ka na ah! Lantang lanta na yung buong braso ko kakahatak mo!"
"Hanggang ngayon pa rin ba? Galit ka pa rin? Sorry na kasi..."
"Tantanan mo nga ako."
Nakarating na kami sa room tapos binaba niya yung bag niya tapos nagsuklay ng buhok.
"Hindi ka ba magpapagupit?"
"Lahat nalang ba pagdidiskitahan mo? Pati buhok ko, pinapansin mo?"
Natanong lang naman e. Masama na bang magtanong?
"SORRY NA NGA KASI."
"Isa ah."
"Bat ba asar na asar ka pa rin sa akin?"
"DAHIL NAKAKAASAR KA."
"Eto naman.. Parang yun lang e."
"Pinapahatid mo pa ako pauwi. Buwisit ka."
"O? Ako pa buwisit? E ikaw na nga tong inaalagaan diyan."
"Pinahatid mo ko pauwi dahil ayon SAYO.. Lampa ako. MATUTUWA AKO?"
Gusto kong tumawa kaso lalong magagalit e.
"Oh? Ano? Hindi ka makasagot diyan" Inis na inis pa rin niyang sinabi.
"Kaya nga.. SORRY na..."
"Tabi nga dyan. Laki mong harang sa daan ko e!" Binangga niya ako tsaka lumabas ng room.
Pupunta yun sa tambayan namin. Kaya sinundan ko nalang.
Padabog siyang umupo sa tabi ni Grace kaya pinagtinginan siya ng buong barkada.
"Whoah! Anyare? LQ?"- Lance
"Ewan. Nagsosorry na nga ako tapos ayaw pa TANGGAPIN ng iba dyan."
"E bat naman kasi ayaw pa tanggapin ng PRINSESA?"Sabi ni Grace.
"Buti sana kung SINCERE siya sa sorry niya." Sagot naman ni Ash.
"Ah? SINCERE naman ako ah"
"Anong sincere? Hoy. Akala mo ba na hindi ko alam na nagpipigil ka lang ng tawa kanina?"
-,- Ehh. Hirap naman!
"Akala mo hindi ko alam ah! Kilalang kilala na kita, Gemeniano!"
BELL.
Tumayo siya at inunahan na kaming lahat.
"Problema ng babaeng yun?"
"Hahahaha. Ano? Nagbago ba isip mo? Wendy nalang ba ulit?" - Lance
"Loko. Hindi." Sagot ko naman.
"Hmmm. Ininis mo kasi e. Sinabihan mo pa daw na lampa?!"Sabi ni Grace.
"Eh. Joke joke lang naman yun e. Sineryoso niya naman kasi."
"Eh kasi inasar mo sa mga oras na nagiinit ang ulo niya.."Pagtatanggol ni Grace sa kanya.
"Masarap siyang asarin e."
___________
Recess.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?