Ang huling pagkakataon
Lumabas si Ara sa kanilang bahay at pumunta sa isang ilog para makapagisip kung ano ang nangyayari sa kangyang buhay. Noon ay napakasaya niya pero ngayon ay parang nagiisa na siya sa buhay. Ginawa naman niya ang lahat pero bakit ba nagging ganito ang resulta? Tulalang-tulaa si Ara. Pero kahit na ganito ang kanyang na naramdaman ngayong, nais lang niyang aalahahin ang nakaraan sa huling pagkakataon.
Bata palang si Ara ay palakaibigan niya. Mabait at masiyahin pa. At dahil doon, marami siyang kausap, kalaro at kaibigan. Isa doon si Drew. Si Drew ay kaklase ni Ara simula Nursery 2. Aso’t pusa ang dalawa pero sa huli ay parang magkapatid ang turi nila sa isa’t isa. Napakalapit nila sa isa’t isa pero naghiwalay sila noong grade 4 na sila dahil lumipat ang pamilya ni Ara sa syudad dahil nandoon na nagtrabaho ang kanyang nanay. Sabi daw ng kanyang nanay na ito daw ay makakabuti ni Ara at sa kanyang mga kapatid.
Pero bago muna makaalis ang pamilya ni Ara ay pinangako nila sa isa’t isa na magkikita sila muli.
At noong grade 5 na sila ay na-uso ang isang social site na ang Facebook. Gumawa ang dalawa ng kani-kanilang account at sila nagbo-bond. Friends silang dalawa, ahh- close friends pala. Doon sila nag-uusap sa kanilang buhay na wala sila sa piling ng isa’t isa. At sa nagging grade 6 na sila. Sinabi ni Ara kay Drew na meron na daw siyang crush. At hindi lang alam ni Ara na sa tuwing nag-kukuwento siya tungkol sa kanyang crush ay nagseselos pala si Drew. Nag-kukuwento din si Drew sa kanyang crush pero nagseselos din pala si Ara. Minamahal na pala nila ang isa’t isa.
Pagkalipas ng panahon ay elementarya graduate na sila at Valedictorian pa ang dalawa. At noong nalaman ni Drew na sa maynila siya mag-aaral ay sinabi niya kay Ara ay nagging masaya ang dalawa dahil may chansang magkikita sila muli. Matutpad na ang kanilang pangako sa isa’t isa.
Sa kasamaang palad ay matatagalan pala ang pagtutupad sa kanilang pangako dahil kailangan muna sila mag-focus sa kanilang aral dahil saying ang kanilang scholarship. Kaya, maghihintay nalang sila kung kalian ang tamang panahon para magkita sila. Basta ang mahalaga ay si Drew ay nasa maynila. Kahit hindi malayo parin ang dalawa ay pinupursigi talaga nila na magkikita muli.
Pagkalipas ng pitong taon ay nag-tatake sila ng board exam. Si Drew ay para sa pagiging piloto at si Ara naman ay sa pagiging lawyer. Hindi sila magkasama sa nag-take ng board exam pero magkasabay lumalabas ang resulta. Hindi na sila nagchchat dahil nagging focus na talaga sila sa kanilang mga aralin. Masakit man pero ano naman ang kanilang magagawa. Sayang ang scholarship at kailangan talaga nila magtrabaho para sila na ang aasikaso sa kani-kanilang pamilya.
Pag labas ng resulta ay nagging masaya ang dalawa dahil nakapasa sila. At dahil dun ay niyaya ni Ara ang kanyang mga kaibigan para mag party. Gayunpaman si Drew. Hindi talaga nila alam na magcecelebrate pala ang isa’t isa. Sa bar sila nagpaparty at doon sila nagtagpo sa ‘Dance Floor’.
Na shock yun dalawa at nag-titigan ng ilang minuto. Buti nalang na may humila sa kanila para pa-upuin kasi hindi na sila sumasayaw, nagtitigan na yun’ dalawa. Hindi talaga nila na expect na sa bar pala sila magkikita muli. Nag-uusap ang dalawa pero ngayon ay seryoso ang kanilang pinaguusapan. Seryoso man ay hindi pa rin nila maaalis ang tingin nila sa isa’t isa.
At pagkatapos sumayaw ang mga kaibigan nila ay nag-inuman sila at dahil dun ay naka-inom sina Ara at Drew. Pumunta ang mga kaibigan nila sa isang Hotel na pagaari ng kaibigan ni Drew at dun sila nagtutulog. Pumunta si Drew sa kwarto ni Ara para magkikipagkwento sana. Sa kasamaang palad ay nag PMS ang dalawa at sa umaga ay nagtataka si Ara kung bakit nakahubad na siya at katabi niya si Drew at dun niyang nalaman na may nangyayari pala sa kanilang dalawa. At nung nalaman ni Drew ay nakonsencya siya sa kanyang ginawa kay Ara. Pinangako niya na kung buntis man si Ara ay aangkinin niya ang bata.
Syempre, hindi nila sinasabi sa kanilang magulang dahil hindi pa napatunayan na buntis si Ara kaya, sikreto pa daw muna to.
Pero paglipas ng mga araw ay parang kakaiba ang nararamdam ni Ara. Palagi na siyang nagsusuka, kumakain ng maalat at paggiging moody. Nagpasama siya kay Drew para kumuha siya ng pregnancy test. Natataranta ang dalawa kung ano ang mga ‘consequences’ na matatanggap nila pagnalaman nila ang totoo.
Umiiyak si Ara dahil nakita niya na may dalawang linya sa kanyang resulta at dun nila nalaman na buntis si Ara. Sinabi nila ito sa kanilang magulang at hindi sila masaya tungkol nito. Gusto nilang na magkahiwalay talaga sila sa isa’t isa. Hindi na sila magkakausap o magkikita. Pero syempre, hindi talaga sila papayag na magkahiwalay sila kaya nag tanan silang dalawa.
Tumugil sila sa pag-aaral dahil mas makakabuti daw kung magtratrabaho si Drew at magpapahinga si Ara. Nagkatira sila sa isang subdivision malapit sa isang ilog. Pagkalipas ng panahon ay nanganganak si Ara na si Jared Rica. Masaya sila ngayon kahit mahirap lang sila pero mayaman naman sila sa pagmamahal sa isa’t isa.
Pagkalipas ng limang taon ay nagkatagpo si Ara ang kanyang kamag-anak at nagsabi na malubha ang sakit dawn g kanyang nanay. Breast cancer stage 4 na daw kaya agad siyang pumunta kay Drew at pumunta sa bahay ng kanyang nanay. At pagkita ni Ara sa kanyang nanay ay umiiyak sila at humihingi ng patawad dahil sa pagtalikod niya. Pinatawad naman siya ng kanyang nanay at pagkatapos iyon ay sumakabilang buhay ang kanyang nanay.
Naging malungkot na ang mukha ni Ara magkatapos ng ilang buwan. Sinusubukan naman ni Drew na pasayahin sila pero wala eh, malungkot pa talaga si Ara. Kaya dahil sa kakapagod ang kanyang trabaho bilang mangagawa ng gusali ay nagkasakit si Drew. Marami na siyang peklat sa kanyang katawan . At dahil ka pagod sa pagtrabaho at sa pagpasaya kay Ara ay namatay si Drew pagkalipas ng limang buwan.
Dahil sa pagiging miserable ang buhay ni Ara ay pinatira niya si Jared Rica sa bahay ng kanyang kapatid. Doon daw muna siya pero ang totoo ay binibigay na pala niya ang kanyang sariling anak. Parang nababaliw na si Ara noon dahil namamatay ang kanyang nanay at si Drew. Hindi madali sa kanya na mag-move-on sa mga nangyayari.
Tumayo Ara sa kanyang pinaguupuan. Iniisip lang niya na sana ay masaya na sina Drew at ang kanyang nanay kasama ang Diyos. Pagkalipas ng ilang minute ay bumagsak ang ulan at noong aalis na siya ay natamaan siya ng isang kahoy at nahulog siya sa ilog.