Anne, pengeng papel
Written by: ChixRara
Chaeki couple presents (Song Joong Ki and Moon Chae Won)
---
Nagsimula ang lahat noong manghingi siya ng papel saakin.
--
Anne Pov
“Anne” tawag saakin ni Miko, hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa tawag niya saakin. Ang OA no? Simpleng BAKIT lang hindi ko pa masabi. Kasi naman eto yung unang beses niya akong kausapin sa loob ng isa’t kalahating taon naming magkaklase.
“Bakit?” pinipigilan ko ang ngiti sa mga labi ko, oo si Miko matagal ko na siyang gusto first year college palang kami. Napaka bait at active sa school activities, magaling din siya sumayaw at kumanta. Lagi nga siyang nananalo sa pageant eh. Kaya marami talagang nagkakagusto sa kaniya. Ang swerte ng babaeng mamahalin niya.
“Pengeng papel” nanlumo naman ako dahil ubos na ang yellow pad ko. Bakit ngayon ka pa nanghingin? Bad timing talaga.
“Wala eh” sagot ko at bigla siyang umalis, nakaramdam ako ng kirot dito sa puso ko ayun pala yun kinausap niya lang ako kasi may kailangan siya ayun ay manghihingi siya ng papel, akala ko napansin niya na ako. Pag may tao ka talagang gusto hindi mo maiiwasang hindi mag-assume, bakit? Kasi umaasa ka na meron paring puwang yung pagmamahal mo sa kaniya, umaasa ka na gusto ka rin ng taong mahal mo. Pero alam naman natin na pag nag assume tayo o nag expect masasaktan tayo.
Sumubsob nalang ako sa armchair ko, badtrip na puso to. Naramdaman kong may humihimas sa likod ko, I think it’s Starin my best friend.
“It’s okay Anne, Im here” –Starin
---
Next Day
Bumili na ako ng bagong papel para pag nanghingi saakin si Miko mabibigyan ko na siya. Oo ganun ko siya kamahal, ganun ako kadisperado na mapalapit sa kaniya. Ok lang saakin kahit hanggang maging magkaibigan nalang kami ng mapalapit ako sa kaniya yung nakakausap at nakakasama ko siya. Alam ko naman sa sarili ko na masasaktan ako, masakit ang maging kaibigan lang pero titiisin ko.
“Anne, pengeng papel” si Miko, kumuha naman ako agad ng papel sa bag ko kung hihingin mo ang puso ko ibibigay ko ng buong buo ganyan kita kamahal.
Inabot ko sa kaniya ang papel na hindi pinapahalata ang ngiti sa labi. Pero laking gulat ko na umalis nalang siya, walang thank you o kahit manlang ngiti. Masakit, oo sobrang sakit mukha akong tanga mali ang tanga ko para siya ang mahalin ko.
Si Miko na kinakausap lang ako pag manghihingi ng papel si Miko na dahilan kung bakit ako nasasaktan ang MANHID MO.
Lunch break nanamin pero bago ako dumeretso sa cafeteria dumaan muna ako sa locker ko. Pagbukas ko sa locker ko may nahulog na papel, isang yellow pad, yumoko ako at pinulot ang papel.
BINABASA MO ANG
Anne, pengeng papel! (One shot)
Teen Fiction[Nag-simula ang lahat ng dahil sa isang papel] Copyright © 2014 by ChixRara stories♥