Part 1/5
Halos dalawang buwan na ang nakakaraan, mula ng bumisita ako sa lugar na ito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ko kung bakit pa ako bumalik. Alam kong mahirap makahanap ng kwento sa lugar na tulad nito, at higit sa lahat alam kong malapit nako sa deadline para sa colum ko ng mga sarisaring kwento sa school organ namin.
Siguro may isa akong dahilan... umaasa parin ako na makita ko uli siya.
Napansin ko na siya sa unang araw palang ng 'community duty' namin sa health clinic sa lugar nila. Isa akong nursing student at kasama sa aming related learning experience ang pagboboluntaryo ng aming serbisyo sa mga mahihirap na komunidad.
Nakita ko siyang nakatambay sa may tindahan sa tapat ng clinic at tahimik na nagyoyosi. Gwapo siya, maputi at makinis parang hindi siya nababagay sa lugar na iyon. Matangkad at may matipunong pangangatawan.
Marahil ay napansin niya akong nakatingin sa kanya, dahil bigla siyang tumingin din sa akin at tinaas ang hawak na yosi na para bang sinasabi niyang 'gusto mong humitit?'
Namula ako sa pagkapahiya. Hiya sa sarili dahil ngayun lang ako humanga sa isang katulad ko...kapareho kong lalaki.
At hiya sa kanya dahil bukod sa bago palang ako sa lugar na iyon ay hindi ko rin siya kilala. Iniwas ko bigla ang aking tingin at hindi na ko nangahas na sulyapan pa siya, aware ako na nakatingin na siya sa'kin at ng naglakas loob akong sulyapan siya ay nakita ko siyang patalikod at iiling iling na naglakad papalayo...marahil ay nakangiti siya ani ko sa aking sarili at saglit na nagsisisi sapagkat hindi ko nasulyapan ang mga ngiting iyon.
Natapos ang buong araw at naghahanda na kami sa pag-uwi ng makita ko uli siya, nakatayo sa isang poste ng meralco at muli ay nayoyosi.
Muli ay hindi ko maialis ang aking tingin sa kanya. Mukhang malalim ang kanyang iniisip kung kaya nagkaroon ako ng sapat na oras para siya ay matititgan. Hindi ko mapigilan ang pag-gapang ng kilig sa 'kin, at lihim kong pinagalitan ang aking sarili sa isang kahibangan na ngayun ko lang naramdaman.
"Uy, sino tinitingnan mo?" siko sakin ng isa kong kagrupo, si Jordan, at sinundan niya ng tingin ang aking tinatanaw. Nangiti siya at tiningnan niya ako ng makahulugan...alam kong ang iba sa aking mga karupo ay may pagdududa na sa aking kasarian dahil maging ako man s asarili ko ay pinagdududahan ko ang aking pagkalalaki.
Hindi na siya umimik ng makita niya ang aking tinititigan...magsasalita sana ako upang depensahan ang aking sarili pero inunahan niya ako ng pagtapik sa aking balikat sabay sabing
"Wag ka magalala, kaibigan ka parin namin."
Napamaang ako sa tinuran niya. Iniwan niya akong natulala, ibinalik ko ang aking tingin sa lalaking nagyoyosi at kumabog ang aking dibdib ng makita ko siyang titig na titig sa akin... sa kanyang mga mata hindi ako sigurado kung ano ang nakita ko...kung paghanga o lungkot, malalim at alam kong may iba sa lalaking ito.
...itutuloy
*cover photo not mine CTTO
BINABASA MO ANG
Midnight Blue (Gay Story)
RomanceThe wind carries a melody... A step back to the past. Love. Passion. Guilt. The song ends in a heart beat...