Midnight Blue : At Hello

138 1 0
                                    

Part 3/5

Nagpatuloy ang relasyong hindi ko mawari kung ano sa amin ni Jordan. Alam kong hindi ko siya mahal pero masarap siya sa kama. Ilang beses ding naulit ang aming pagtatalik ngunit alam kong hanggang kama lang nararamdaman ko sa kanya.

Patuloy parin akong lihim na umiibig sa lalaking araw araw kong nakikitang nakatambay sa may poste ng meralco.

At kung minsan nararamdamn ko ang hinanakit sa akin ni Jordan at ang kanyang selos sa lalaking ni hindi ko pa nakikilala.

Isang araw na halos wala kaming ginagawa sa clinic ay inatake kami ni Jordan ng kalibugan. Sa likod ng clinic kahit tanghaling tapat ay iniraos naming ang nag-iinit naming katawan. Pagkatapos naming nagtsupan ay pinauna ko na si Jordan pabalik at maghihintay ako ng ilang sandali para hindi kami mahalata.
Ng papalabas na ako sa tabing na pader ay laking gulat ko ng makita kong nakatayo lang at nakasandal sa pader sa kabila ng pinagtalikan namin ni Jordan ang lalaking lihim kong iniibig.

Natulala ako at napako sa kinatatayuan at namula sa pagka pahiya.

Tiningnan niya ako ng makahulugan at ngumiti siya sa akin.
Ang unang beses kong nakitang ngiti na tumunaw sa aking puso, ang mapupula niyang labi at ang mapuputing pantay pantay na mga ngipin.
Itinaas niya ang kanyang hawak na yosi at lumakad papalayo. Para akong tuod na nakatulala lang sa kung saan siya nakatayo kanina.

Ng hapon ding iyon, hindi ko siya nakita sa dati niyang tambayan.

***
Ako ang naatasan isang hapon na maghouse visit sa isang batang maysakit. Sinamahan ako ng isa kong kagrupong babae. Pagkatapos naming gawin ang dapat gawin ay umalis din kami agad sa takot na baka kung anung mangyari sa amin doon. Huli na ng mapansin kong naiwan ko aking stethoscope.
Napagpasyahan ko na balikan ito sapagkat kakailanganin ko din ito kinabukasan sa school, wala kaming community duty kinabukasan.

Uwian na ng maisipan kong daanan ang gamit kong naiwan at hindi nako nasamahan ni Jordan dahil sa tumawag ang kanyang mommy at magpapasama sa kung saan.

Naglakas loob akong puntahan ang bahay ng batang maysakit kahit wala akong kasama, hapon na noon at papadilim na. Maayos ko naman narating ang bahay ngunit sa pagtataka ko at pagtataka ng lahat hindi namin mahanap ang nawawala kong gamit.

Nilisan ko ang bahay na namumroblema sa kung ano ang gagamitin ko kinabukasan.

Hindi ko napansin ang lalaking nakatayo sa di kalayuan at akmang lalagapasan ko na siya ng magsalita ito.

"Pwede makisindi?"

Mala musikang boses na nagpakaba sa dibdib ko. Madilim na nuon at naaaninag ko ang gwapong mukha ng lihim kong iniibig.

"Ha?" ang sagot patanong ko, dahil sa bukod sa hindi ako nagyoyosi eh wala din akong hawak na sigarilyo.

Ngumiti siya at hindi ko mapigilan ang mapanganga sa nakakahipnotismo niyang mga ngiti.

"Pwede ba kitang ihatid?" sa halip ay tanong niya at lumapit na siya sa akin at nuoy nasilayan ko ng malapitan ang napakaganda niyang mukha.

Marahil ay umoo ako dahil ang sunod ko na lang na naalala ay sabay kaming naglalakad patungong labasan.

Walang imik at tahimik lang siyang humihitit ng yosi. May dala pala siyang lighter at naghatid sa akin ng kilig ang katotohanang marahil ay paraan niya lamang iyon upang mapansin ko siya.

Nasa may labasan na kami at sa hintayan ng sasakyan ng nagsalita siya,

"Gusto mo...videoke muna tayo?" sabi niyang nakatingin sa isang videoke house sa may di kalayuan.

Walang tao nuon dahil maaga pa kaya umoo ako dahil na rin sa ayaw ko pang matapos ang nga sandaling iyon.

....itutuloy

*photo not mine. CTTO.

Midnight Blue (Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon