Hindi ko inaasahan na makikilala ko ang isang katulad niya. Gustong-gusto ko malaman ang lahat tungkol sa kanya. Akala ko nung una na hanggang pagiging stalker lang ngunit hindi ko namalayan na mahal ko na siya.
Mamahalin din kaya niya ko? Tatanggap niya kaya ang buong pagkatao ko?
Madaming mga tanong ang pumapasok sa utak ko pero ang alam ko mahal ko na siya.
Anong GAGAWIN KO ?!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER I
Pauwi na kami ng kaibigan kong si Chen nang may nakita kaming gwapo na nakasakay sa jeep. Dali-dali naming pinara at sumakay sa jeep. Syempre gwapo ang pinag-uusapan eh. hihihihi..
Nang nasa loob na kami ng jeep ang ginawa ko lang ay tignan ang magandang mukha niya.
Ang tangos ng ilong, ang pula ng labi at ang ganda ng mga mata niya. Sa unang kita ko palang sa kanya parang nahulog na puso ko sa kanya pero ehos lang. hihihihi ^_______^V
Ah !! sorry hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Ren de la Vera, you can call me Ren. Medyo maganda hehehe , mabait at pala ngiti yan ang kadalasan sabihin sakin ng mga kaibigan ko. Mahilig ako sa mga anime at isa rin akong KPOP fangirl. Marunong ako magdrawing pero hindi gaano magaling.
Pagkatapos ko siyang tutukan hindi ko na malayan na tinititigan na pala ako ni Chen. Grabe makatitig parang kakain ako ng buhay.
Oh! anong tinitingin mo jan? sabi ko ng may halong pagtataka.
Grabe ka makatitig sa kanya teh ! matunaw yan ! pasigaw niyang sabi.
Oy, sshhh!! ang lakas ng boses mo! marinig ka pa niya. sabi ko sa kanya.
oo na teh ! - Chen
sha nga pala si Chen ang matalik kong kaibigan. Ang buong pangalan niya ay Chen Anne Villamor. Parehas kami na KPOP fangirl.
Nang malapit na ako bumaba tinignan ko siya ng maigi. Ang gwapo niya talaga sabi ko sa sarili. Tapos biglang tinignan niya ko, Grabe nagulat ako nun parang tumigil ang mundo. heheh ^___^
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nakauwi nako sa bahay at tinext ko si Chen. Nakaisip ako ng plano para makilala namin yung lalaki na nasa jeep. Hindi naman din kami mahihirapan kasi parehas lang kami ng school na pinapasukan kaya magkikita parin kami.
Yun nga tinext ko si Chen na istalk namin yung guy sa jeep. Syempre pumayag siya, bestfriend ko eh. Excited nako bukas ano kayang pweding mangyari. Grabe na loloka ang lola mo teh pero kilig much >___<
Natulog ako ng maaga para maaga din ako papasok bukas. wala din naman kaming homework kaya okay lang. hehehe
At sa wakas umaga na !! Sumabay nako sa parents ko umalis. Syempre may work pa sila at ito nalang din ang time na nagkikita kami. Sobra talaga silang busy. Feelinng ko nga eh parang hindi ako nag eecxist sa world nila pero supportive naman din sila sa mga hilig.
Mga ilang minuto nasa harap na kami ng school at sakto nakita ko si Chen na naghihintay sakin. Nagtext kasi ako sa kanya na hintayin niya ko sa harap ng school. hehehe ^^
Mom, pasok na po ako. sabay kiss ko kay mom at dad.
sige anak. matatagalan pala kami ng dad mo mamaya. sabi ni mom
Ah, okay lang po yun. mag ingat po kayo. sagot ko
salamat anak. napaka understanding mo talaga. I love you. - mom
i love you too. - ako
Pagkatapos nun pumunta na ako kung na saan si Chen.
Hay salamat nandito ka na din. -Chen
sorry na. sumabay kasi ako kanila mommy eh -Ren
okay,tara pasok na tayo baka ma late pa tayo eh. Alam muna terror ang adviser natin. -Chen
Yun na nga pumunta na kami sa room. At hindi inaasahan may humarang samin na dalawang lalaki. hindi ko sila kilala at mukha naman freshmen pa.
Anu bayan paharang harang sa dinadaanan oh! sabi ko ng may pagkapikon. sino namang hindi mapipikon niyan.
tinignan ko sila ulo hanggang paa at inferness ang gwapo nila.hihihihi ^___^
Bakit kasi kayo nakaharang ?kung pagtritripan niyo lang kami.Pwede mamaya nalang ha! ma lalate kami sa inyo nyan eh. sabi ni Chen
