Part 5/5
---
Halos dalawang buwan na ang nakakaraan, mula ng bumisita ako sa lugar na ito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ko kung bakit pa ako bumalik ngunit marahil ay nagbabakasakali lang ako na makita ko siya uli.Wala na kami ni Jordan, at gaya ng sabi ko wala na rin kaming komunikasyon ni Jet.
Bumalik ako sa lugar na ito upang makahanap ng kwento para maipasa sa editor namin. Deadline na sa makalawa.
Sa muling pananariwa ng nakaraan sa lugar na ito ay hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait.
Nasaan na kaya si Jet?
Makikita ko parin kaya siya sa poste ng meralco?
Sa paglalakad ko ay pumailanlang ang isang awitin na nagpangiti sa akin. Naalala ko ang swabe at baritonong tinig ng lalaking minsan ay minahal ko, o maaaring patuloy na minamahal ko.
Hinanap ko ang pinanggalingan ng tugtog at napakunot ang noo ko ng makita ko ito.
Lumapit ako at nagkaroon ng interes na maaring dito ay may mahahagilap akong kwento.
Naupo ako sa isa sa mga silya doon at nakatitig lang sa harapan. Marahil ay gusto ko lang magpahinga kaya naisipan kong pumasok.
Naramdaman kong may naupo sa tabi ko, nilinga ko siya at kita ko sa kanyang mga mata ang pagdadalamhati, may katandaan na ang aleng ito at mugto ang mga mata.
"Kilala mo ang anak ko?"
Ang tanong niya sa akin na pagaralgal na boses.
Alanganing napangiti ako sapagkat hindi talaga doon ang sadya ko.
"Kung alam ko lang..." anas niya na animoy hindi alintana ang aking presensya.
Nagkaroon ako ng interes na maaaring maisusulat ko ang buhay ng anak ng aleng ito,
"Maaari mo bang ikwento sa akin kung sino siya...?" ang sabi kong ininguso ang nasa harapan.
Tumango siya at inilabas ko ang aking celphone para gawing recorder at ang aking ballpen at pad paper.
"Alam kong matagal na siyang nagtitiis..." panimula niya..
"Kung sana nakinig lang ako noon, sana ay naagapan ko pa siya...sana hindi ito nangyari sa kanya...sana hindi ito ginawa ng hayop niyang amain..." tumulo ang kaninang luha ay pilit niyang pinipigil.
Hindi niya natapos ang kanyang kwento dahil sa kanyang emosyon kaya naghanap ako ng makakapagkwento sa akin ng buo.
Mula pa pala pagkabata ay minomolestya na siya ng kanyang amain. Ginawa siyang sex slave, parausan lalo na kung lulong sa droga ang kanyang stepfather.
Nagsimula ang panggagahasa sa kanya nung siya ay grade six palang. Nagbulag bulagan ang kanyang ina dahil sa pagmamahal nito sa kanyang pangalawang asawa.
Hindi nagka girlfriend o walang naging kaibigan ang biktima dahil sa takot na siya ay pandirihan at takot na rin sa kanyang amain.
Papaalis na ako noon sa lugar na iyon na hindi man lang sumisilip sa biktima, nireview ko ang mga nakalap kong datos para sa isang kwentong maaaring mailathala sa aming school organ ng binigay ko ang huling katanungan.
"Paano siya namatay?"
"Dahil sa bugbog...nalaman ng amain niya na makikipagtanan na siya o lalayas na siya, hindi sinipot. Bumalik ayun binugbog... halos dalawang bwang nakaratay sa ospital bago namatay..."
"Kanino siya makikipagtanan?Maari ko ba siyang makausap?" ang tanong ko.
Tinitigan ako ng babaeng kausap ko at sinabi ng pabulong.
"Atin atin lang to ha, ang alam ko makikipagtanan siya sa taong nagngangalang Midnight Blue. Diba pangalang lalaki yun?" aniya na may kalakip na makahulugang ngiti.
"Sino si Midnight Blue?" tanong pa nito na animoy alam ko ang sagot.
Napamaang ako...matagal bago ako naglakas ng loob na lumapit sa puting kabaong na kanina pa ay tila kumakaway sa akin.
Napapalibutan ito ng mga puting bulaklak. Sa paglapit ko, nakita ko ang isang mukha ng puno ng katahimikan. Isang mukha na nakaaklas sa lungkot, isang mukha na payapa.
Dumaloy ang isang patak ng luha sa aking pisngi.
Habang tinutupi ko ang liham ko sa aking editor ay pinapakinggan ko ang pintig ng aking puso gamit ang nawala kong stethoscope.
Marahil ay nagtataka kayo kung paanong naibalik sa akin ito, tulad ng pagtataka ko kung bakit hindi parin tumitigil ang puso ko sa pagtibok gayung ang pagibig nito ay hindi na kailanman matatagpuan dito sa ibabaw ng mundo.
Lea,
editor-in-chief
Fatima TribuneI am sorry to tell you that I can't provide a story for this month's issue. I am still searching for the pieces that had been taken away from me...
my heart...
my love...
my soul.
Yours,
Nel M.B
a.k.a Midnight Blueend.
*photo not mine. CTTO.
BINABASA MO ANG
Midnight Blue (Gay Story)
RomanceThe wind carries a melody... A step back to the past. Love. Passion. Guilt. The song ends in a heart beat...