Chapter 11

9 1 0
                                    

Nami's POV

"Ma'am, here's your schedule for today." Binigay ng secretary ko sa akin ang schedule ko. Hihi ang ganda ko.

"Thanks." Lumabas na siya ng office ko. Tinignan ko ang schedule ko. Hmm, lunch meeting with Miss Irene Chin, the CEO of Chin Company. Not that I'm boasting but this company is so small compared to ours, an Empire. Ito lang naman ang schedule ko ngayon so free na ako pagkatapos.

Sumakay ako sa sasakyan ko at pumunta sa isang restaurant. Pumasok ako at umupo sa isang table. Nasaan na ba ang babaeng yun? Tsk. I waited for 15 minutes and at last dumating na din siya.

"Sorry I'm late." Sabi niya at umupo sa harap ko. "Si Kiro kasi eh! Ang dami niyang binili sa akin ang dami kong dala tuloy." Sabi niya. Si Kiro ang bumili o siya ang nagpabili? Duh.

"Ok." Sagot ko.

"And you know what? Gusto niya talagang ihatid ako dito! Napaka-over protective niya talaga nakakainis tuloy." Nagpahatid ka lang naman eh. Mamaya mainis ako dito bubunutin ko na talaga ang baril ko at ipapaputok sa bunganga niya.

"Miss Chin, are we going to discuss about business or about your kalandian with Mr. Kiro Nam?" Diretsong tanong ko.

"Share lang naman eh!" Your just saying that to make me jealous. Sorry but I'm not. Alam ko naman that you and Kiro will break up really soon.

"Do you want me to end our partnership in business? I hate talking with my business partners about some stupid things." Tumahimik naman siya so I started the discussion. Nang matapos ay umalis na ako kaagad. Nakakainis na mukhang iyan. Pumasok ako sa sasakyan at hindi pa ko makaalis ay nakita ko na si Irene na pumasok sa isang sasakyan na may kasamang ibang guy. Wala naman siyang ibang relative na lalaki eh atsaka si Jian Chin lang naman ang kapatid niya so it must be another guy na kalandian niya. I didn't mind them at tumuloy nalang ako papunta sa somewhere.

Nang makadaan ako sa isang liblib na lugar ay may nakita akong sasakyan doon. Tama ba itong lugar na pinuntahan ko? Tama naman ang address na binigay sa akin. May nagpa-bigay kasi ng address sa akin ata ng sabi pumunta daw ako dito. Lumabas ako ng sasakyan at naramdaman ko ang isang bala na dumaan malapit sa tenga ko. Mabuti nalang hindi ako natamaan. Binunot ko ang baril at tinapat sa isang sasakyan. I'm sure doon galing ang balang iyon. May lumabas na babae at laking gulat ko na si tita Lyssa iyon, ang mommy ni Kiroy!

"Tita? Akala ko nawawala kayo." Lalapitan ko na sana siya nang paputukan niya ako ng baril pero naka-ilag ako. May daplis ako ng bala sa kanang braso ko. Hindi na masakit sa akin to dahil sanay naman ako.

"What did you call me?" Pinaputukan niya ulit ako at mabilis akong naka-ilag.

"But--Tita ako ito!" Hindi na siya si Tita na kilala ko. There is like a demon in her eye.

"Lyssa let's go. Paparating si Mendez." May dumating na lalaki.

"Tito Jeff?" Hindi niya ako pinansin at dali-dali silang pumasok ng sasakyan at umalis na. I can't move right now. They look at me like they never know me. Somethings wrong about them.

"Are you okay?" Tanong ni Storm nang dumating siya. Tumango lang ako.

"S-si tita at t-tito." Mahinang sabi ko.

"I know. They can't remember us anymore." Sabi niya.

"B-but, why?"

"Lewis did this." Mahinahong sagot ni Storm pero may halong galit ang tono ng pananalita niya. "That will happen to Yui if Lewis will take her." Lilingunin ko na sana si Storm pero wala na siya. Nakita ko nalang ang sasakyan niya na papaalis na.

Best FrienemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon