Hinalungkat ko ang mga nakatagong papeles ni Jake sa lamesa niya.
"Vampire. Vampire." Paulit-ulit kong sinasabi habang hinahanap ang mga maaring makatulong sa akin. Napatingin si Elise sa akin ng makitang nagmamadali ako.
"Need help?" tanong niya sakin. Gusto kong sabihin sa kaniya tungkol sa bampira at eclipse but I refused baka masira lang ang lahat kong ginagawa. Nginitian ko lang siya bago sabihing
"Hindi, salamat." And she just nod at nagpaalam na sa akin.
Wala nang nagtangkang samahan ako dahil nababahala raw sila sa mga posibleng mangyari.
I shrugged nang naisip kong maybe I'm next.
Napalingon ako sa may pintuan na bukas na bukas at dali-dali ko itong linock.
Shit.
Bumlik ako sa lamesa ni Jake at dali-daling naghanap ng mga crime scene na maaaring makatulong sa akin. Hanggang sa nakakita akong isang brown envelope na may nakasulat na
Brenton HighBigla ko agad itong binuksan. I know this. School namin to. Bakit nandito ito? Don't tell me, may crime scene na naganap nang hindi ko nalalaman?
Dali-dali kong linabas ang mga papeles. Halatang iniingat-ingatan to ni Jake dahil sa sobrang secured lahat ng papel nakalagay ang mga ito sa tig-iisang plastic sheet.
Mas lalong tumaas ang balahibo ko ng nakaramdam akong malamig na hangin.
Not again please.
Tinuon ko ang pansin ko sa mga nakasulat na pangalan sa labas ng mga plastic sheets.
Dannica
Ella
Louis
John
Napatigil ako sa pagbabasa ng makita ko ang pangalan ko.
Nathalia
Bakit nandito ang pangalan ko? pinagpatuloy ko ulit basahin ang mga nakasulat na pangalan hanggang sa matuon ang pansin ko sa huling pangalan.
Nathan.
Nathan-
Nathan
Pag-uulit ko.
At sa ikalawang pagkakataon biglang umihip ang malamig na hangin. Napatayo ang mga balahibo ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang namatay ang gasera.
Marahan akong napapikit dahil sa iniinda kong takot. Pero napamulat ako nang nakaramdam ako ng mainit na hininga sa may bandang leeg ko.
"Shhhh"
Narinig kong sabi niya. Sabay hawak sa balikat ko. napatingin ako sa likuran ko- and there I saw him. Kung kanina ay sobrang lapit niya sa akin ngayon ay mas lalo siyang lumapit sa akin. He was standing habang nakatingin sa akin.
Seryoso ang mukha niya na parang may iniindang galit. Sa muli ay bigla kaming nagkasalubungan ng tingin.
Those Dark Blue Ocean of his eyes, puno ng lungkot at galit ang nakikita ko sa mga ito. But why? Bigla akong napatayo ng biglang yumanig ang mesang pinagtatrabahuhan ko, napatingin ako sa kaniya na gulat na gulat.
Naalala ko yung limang lalaki- they all here. Linibot ko ang tingin ko sa buong opisina. At nanlaki ang mga mata ko ng makitang hindi lang sila lima, they are six or seven.
Napaatras ako ng bahagya hanggang sa matama ang likuran ko sa malamig na dingding.
Sa hindi ko inaasahang pagkakataon nginitian nila ako showing their white teeth, hindi sa gustong makipagkaibigan pero nginitian nila ako in some important reasons and that very important reason is.
They showed their sharp fangs.
"Vampire" yan lang ang nasabi ko nang bigla nilang tangayin ang data basis na tinitingnan ko.
Shit.
**
A/N: HAII!! KAWAY-KAWAY SA MGA NAGBABASA NG THE DEMON'S CAGE DITOO :D :D :D AS YOU NOTICE WALA PA AKONG CAST NA NALALAGAY SO SINO PWEDE MAGBIGAY DIYAN? HAHA! WELL, DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE :D :D HUHUHU GUSTO KO MALAMAN SALOOBIN NIYO TUNGKOL SA TDC :D