KABANATA UNO: Iniwan

14 2 2
                                    



"Ang hirap pala talaga pag nag-iisa ka. Ang hiraaaaaaap! MAHIIRAAAA---"

"Hoy manang! Wag kang tumalon! Maawa ka sa magulang mo!"

Ohhhhkay?

"Maka-hoy naman ikaw manong! Tsaka wag mo nga kong tawaging manag dyan! Nagpapahangin lang at naglalabas ng sama ng loob dito sa rooftop e! Hirap sa inyo napaka judgemental nyo! Kaya di umuunlad ang bansa natin e!"

Ang sama naman ng mukha ni kuyang utility na tumingin sakin. Ikaw ba naman ang pangaralan ko diba?

Nakakainis! Di ko na tuloy natapos seremonyas ko dito.

"Hirap din sa iyo ineng, akala mo alam mo na ang lahat." poker face na pagkakasabi ni kuya.

Ano daw? Anong konek nun?

"Keme lang! oh sige sya, at magsasara na tayo. Bumaba ka na dyan." saka ako iniwan mag-isa.

Oo mag-isa na naman ako. Iniwan na naman nila ako!

Bumaba na nga ako tulad ng sabi ni kuyang concern sakin. Hoooooo dami ko talagang problema eveeeeeeeeeeeer. T_T

Pagbaba ko ng RT wala na ngang katao tao dito sa baba. Ako nalang ba talaga nilalang dito? Katakot pa naman mga buildings dito.

Nakasalubong ko pa si kuyang guard at nginitian ako ng ngiting aso. Ang creepy naman!

Dali dali nalang akong lumabas ng gate at naghanap ng tricycle sa may labasan. Kinikilabutan ako sa school ko.

"Ma, nandito na ako." walang ganang bati ko sa nanay ko. Nakauwi na rin ako.

Di naman kami mayaman. Tama lang. OFW ang aking tatay at isang huwaran na housewife ang aking ina. May kuya rin akong ubod ng sungit at tabil ng dila. Equals happy family talaga!

"Eh nasaan ang kuya mo? Kumain kana dito." sabi nya habang nasa kusina. Naaamoy ko na rin ang niluluto nyang chicken curry. Peborit!

Wala pa rin pala si kuya. Yung kupal talagang yun e. Isusumbong ko talaga sya kay papa.

"Baka naman po nakila kuya Heron lang sya." huling sabi ko at umakyat na ako.

Oo nga pala di pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Maria Xynna Lao. Oo may lahi kaming chinese pero di kami mayaman. So ayun. Hahanapin ko pa pala si kuya Myre sa kapitbahay. Lakawatsero ever.

"Ma, hahanapin ko muna si kuya ah!" di ko nan hinintay sagot ni mama at saka lumabas na.

Naglalakada ako sa may mini subdivision namin nang nakasalubong ko yung ex-bestfriend ko.

Oo! ex-bestfriend ko na sya. Iniwanan nya kasi ako. Iniwanan nya ko purkit nakahanap na sya ng bago nyang friends. Di nya alam na mas plastik pa sa akin yang mga bago nyang kaibigan.

"Hi dear!" bati ko sa kanya. Ha! Akala naman nya iiyak ako dahil iniwanan nya ako at ipinagpalit. Akala nya di ako sumigaw sa rooftop para maglabas ng sama ng loob na kanina'y ginagawa ko. Akala nya lang!

"Duh. Naghahabol ka pa rin? Di ba sabi ko di na tayo friends?" maarte nyang pagkakasabi with matching taas pa ng hinliliit na daliri.

Naku Venus, sarap mong hagisan ng bomba sa mukha. Lakas ng putok mo!

"Hala! Sino kausap mo? Feeler ka Venus. Akala mo ba ikaw yun? Di kaya." tinignan ko sya ulo at hanggang sa paa nyang mukhang mukha sabay smirk.

Akala naman nya siguro magbbitter bitter-an ako sa nangyari? Di naman sya ang naiwan at iniwanan kaya okay lang. Di naman sya e. Ako naman!

Di ko namalayan, nandito na pala ako sa destinasyon ko. Nandito kasi lunggaan nila kuya at kuya Heron e. Malamang sa bahay nila kuya Heron.

"Kuya Heron? Kuya? Kuya Heron? Kuya? Kuya? Kuya He---" di ko pa natayapos pagtawag ko sa kanila lumabas na sila. Inis na inis.

Bakit? Ano bang ginagawa nila sa loob?

"Hi mga kuya! Tara na kuya uwi na tayo." ngiting ngiti kong sabi sa kuya kong pangit.

Pangit na nga, lukot lukot pa ang mukha. Hahahahaha!

"Mamaya na 'ko uuwi Maria!" at tatangka na sana silang papasok pero pinigilan ko pa.

"Di pwede kuya! Alam mo bang kanina pa nandun si Ate Reiz sa bahay?"

Wala pa man ay dali dali syang nagpaalam kay kuya Heron at lumabas na. OA mo kuya ha.

"Bye kuya Heron. Hihihihi!" sinundan ko na si kuya na ang bilis maglakad. Iniwan na naman ako. Pinagpalit pa sa girlfriend nya.

Sanay naman na akong maiwa at ipagpalit e. Sanay na ko. Di naman pala masakit.

"Kuyaaaaaa! wait for meeeeeee!" bwisit! Tumakbo na ang pangit. Tuluyan na akong iniwan.

Bakit ganitoooooo? Ang purpose ko ba dito sa earth eh ang iwan at ipagpalit sa ibaaaa?

Tama na nga drama. Di ko na talaga makita si kuya. Nakakapagod tumakbo kainis.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IKAW AT AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon