PROLOGUE

16 0 0
                                    


PROLOGUE:




THIRD PERSON'S POV:



"Sa wakas! Nahuli ka din namin, matagal ka na namin tina-target." sabi ng isang misteryosong lalaki na nakatayo sa harap ng isang babae.



"A-ano bang pinagsasabi ninyo? h-hindi ko kayo maintindihan?" hindi na maintindihan ng babae ang mga pinagsasabi nito sa kanya.



"Sumama ka sa amin, huwag ka mag-alala hindi ka namin sasaktan." ngumisi ang misteryosong lalaki biglang nakaramdam ng takot ang babae ngunit hindi siya nagpadala dito kundi ipinakita niya pa rin na hindi siya natatakot sa kanila.



"Tsk! bakit ako sasama sa inyo? ano akala niyo sa akin? madali mauto, nagkakamali kayo haha! no way! hindi ako sasama sa inyo!" biglang hinawakan ng misteryosong lalaki ang kwelyo ng babae at marahan siyang inangat nito.



"Matigas ka din ano? Parehas talaga kayo..." naguguluhan ang babae sa sinasabi nito. Sa isip nito ay sino ba ang tinutukoy nitong misteryosong lalaki na nasa harapan niya na kaparehas kami? hindi na niya alam ang mga pinagsasabi nito kung kaya't biglang niyang sinipa sa gitna ang lalaki at napabitaw ito sa babae at napasigaw ng malakas dahil sa sobrang sakit na natamo nito.



Agad na tumakbo ang babae upang makatakas ngunit huli na ang lahat dahil sa sobrang dami ba naman ng alipores nitong misteryosong lalaki na to ay natumba siya at naramdaman nalang niya na may sumampal sa kanya ng pagkalakas lakas at biglang may humawak sa dalawa niyang braso at muling hinarap doon sa misteryosong lalaki. Imbes na matakot siya ay natawa na lamang siya.



"Haha ano masarap ba? gusto mo ulitin naten?" bigla siyang sinuntok ng lalaki sa sikmura niya kung kaya napayuko siya sa sobrang sakit pero kahit ganun ay ngumingiti pa rin siya.



"Sabi ko naman sayo eh kung sumama ka nalang sa akin ng maayos edi sana hindi ka magkakaganito ngayon tss." inangat ng babae ang mukha niya at parang nalalasahan na niya ang dugo kung kaya ay dinuraan niya ang lalaki sa mukha sabay ngisi.



"Yan ang nababagay sayo hahahaha!" sa sobrang inis ng lalaki ay pinagsasampal niya ang babae at maya maya ang biglang nawala na ang lakas ng babae kaya napaluhod na lamang siya at unti unting nahiga. Nanghihina na siya konti nalang ay mawawalan na siya ng malay, pero bago pa man siya mawalan ng malay ay may narinig siya na nagkakagulo at puro putukan ng baril.



"F*ck! Kill that assh*le! Oh God, don't worry andito na kami...ililigtas ka namin.." wala na siya masyado marinig pero ang nakakapagtaka lang sa kanya..








Bakit ang leader ng Black Eagle ay nandito at nililigtas siya?





__________________________________________________________________________________


Hi guys! Hope you like my prologue :)


free to comment and vote as well :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For the Love of Four Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon