Huminto ang jeep na sinasakyan ko para magsakay pa ng mga pasahero kahit sa tingin ko eh puno na ito, at kasabay ng paghintong ito may isang babae na tumambad sa harap ko, estudyante naka all white at ang amo ng mukha nya. Kinaway nya ang kamay nya sa mukha ko saka ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya.
"ano yun?" tanong ko sa kanya
Ngumiti sya, lalo syang gumanda nung ngumiti sya
"dadaan ba ito ng sm?" tanong nya ulit
"oo" sagot ko
Umurong ako at nagmove forward ng konti para sa tabi ko na sya umupo at buti naman ay napansin nya iyon.
"kuya bayad po" sabi nya pero walang kumukuha ng perang inaabot nya.
"bayad po, paki abot po" nilakasan nya ng kaunti ang boses nya at buti naman at may kumuha na ng bayad nya at iniabot na ito sa driver.
"SM po" sabi nya sa driver.
Napatingin sya sa akin pero syempre kunyare hindi ako sa kanya nakatingin kaya iniwas ko sa kanya ang mga mata ko at tumingin ako sa likuran ng driver. Pero ngumiti sya at nakita ko iyon PATAY! mukhang nahuli nya ko kanina, pero hindi parin ako nagrereact, hindi ko pinapahalata na sa kanya ako nakatingin.
Yumuko sya, kinuha ang phone nya at may tinext "I'm on my way!!!!!" nakita kong tinype nya tapos tumingin na ko sa kalsada, sa mga dinadaanan namin parang nakahalata kasi sya kasi tinignan nya ko ulit.
Ilang minuto ang lumipas nasa SM na kami at baba na sya.
"Para po" sabi nya. Huminto naman ito agad at bumaba na sya pagkababa nya umandar na ito ulit. Tinitignan ko lang sya habang palayo na kami sa isa't - isa.
Kailan ko kaya sya makikita ulit?
"naiwan nung babae yung panyo nya oh" sabay turo ng babae sa panyo na nasa tabi ko lang, naisip ko agad na sa kanya iyon dahil doon sya nakaupo kanina. Kinuha ko ang panyo at...
"MANONG PARA PO!" sigaw ko at nagmadali akong bumaba. Tumakbo ako pabalik ng SM at nang nasa tapat na ko nakita ko syang nagpapacheck na ng bag sa guard.
Tumakbo ako sa may entrance buti nalang at wala ng nakapila sa lalaki.
Tumakbo ako papalapit sa kanya pero may nakita akong umakbay sa kanya.
Bigla akong napahinto.
Hinigpitan ko ang hawak sa panyo at lumapit ako sa kanya.
"Miss" sabi ko tapos hinawakan ko sya sa braso lumingon sya sa akin tapos ngumiti sya.
"Naiwan mo" at ipinakita ko sa kanya ang panyo.
Ngumiti lang sya ulit at ang sabi nya "Kuya, pasensya na pero hindi akin yan"
ANO????!!!!! HINDI KANYA ITO!!!!!!
tinignan ko sya at tinignan ko rin ang panyong hawak ko
"hehe. Ate Ren mukhang hinabol ka nya para lang sa panyong yan" sabi ng lalaking nakaakbay sa kanya
Oo tama ka dun hinabol ko nga sya para sa panyong, sa panyong.... PESTE!!
"sige kuya akin na lang yang panyong hawak mo para hindi sayang yung effort mo" sabi nya
"huh? ah hindi ok lang. ahh sige alis na ko" tumalikod na ko sa kanila at naglakad ng palayo
BADTRIP TALAGA!!!!!!!!
"Ingat ka!!!" sigaw nya
Lumingon ako sa kanila at ngumiti.
Ok na rin siguro iyon atleast nalaman ko ang pangalan nya, nalaman ko rin na hindi nya boyfriend ang lalaking nakaakbay sa kanya at sinabihan pa nya ko ng magingat.
Kaya lang..
Kaya lang..
KAYA LANG NAKAKAINIS TALAGA EH!! sayang pamasahe tapos nagpakapagod pa ko sa paghabol sa kanya para lang sa, sa PANYONG HINDI NAMAN PALA SA KANYA! KAINIS!
Hinagis ko nalang ang panyo sa basurahan dahil sa sobrang inis at lumabas na ko ng Mall.
BINABASA MO ANG
It's The First Time I See Her and I Fall
RomanceNgayon ko lang sya nakita pero sa tingin ko gusto ko na sya at sobrang effort na agad ang nagawa ko para sa kanya.