Hi. Ako si Vanessa, Vanessa May L. Beltran. Sosyal ng apelyido ko no? Hindi kami ganun kayaman kaya don’t expect too much. Nag-aaral ako sa isang pribadong paaralan dito sa Maynila, kolehiyo na ako at first year student pa lang when I met someone. Dito nagsimula ang lovelife ko. Ups and downs, stress, happiness, sadness, at kung anu-ano pang nararamdaman ng isang taong inlove.
Well, simulan na natin.
Maraming nangyari, as usual nakahanap ako ng new set of friends, mapa-classmate man o hindi, lapitin din kasi ako ng boys. Well, you heard it right. LAPITIN ako ng boys, maganda kasi ako (hindi naman sa pagyayabang pero yun yung totoo), morena, mabait, friendly, palangiti at good girl. (Let’s continue.) Until one day I met someone, he’s Glenn Benitez. He’s sweet, cool, caring and etc. he’s always at home to see me, hindi kasi kami classmates apparently schoolmates lang magkaiba kasi kami ng course. Nagkakilala lang kami sa isang program sa school.
*FLASHBACK*
Eco Program, dahil dito kaya ko nakilala si Glenn. Hindi ko siya napapansin ever since pero siya unang nakapansin sakin, actually yung friend niya si Mark. Si Mark dati yung nakakausap ko, not that kausap as totally friends but the kausap as magkakilala lang, like “Hi” “Hello” then pinakilala niya sakin friends niya, one of his friends ay si Glenn nga. Dun nagstart na lagi akong kinakausap ni Glenn, he keeps on calling me “Bhe” syempre dedma at first kasi alam ko na pakay niya, that time din kasi kakabreak lang naming ng boyfriend ko about 3 days? After a week he keeps on texting me I don’t know where he gets my number, and he keeps on pacute. He keeps on sending me home, as in always. He always helps me in my assignments and keeping so close to me. Hanggang isang araw ayun, na-in-love na ang lola mo. Ikaw ba naman araw-arawin ng hatid at ang daming efforts. Hanggang sa sagutin ko siya.
*END OF FLASHBACK*
Landi e no? First year may boyfriend na. Gosh! Kapag talaga si kupido ang namana walang palag kang mai-in-love gustuhin mo man o hindi.
Okay naman kami in the past 5 days, happy, same pa rin sweet siya, ma-effort, kahit hindi kami same ng schedules hinahatid pa rin niya ko. Sweet no? Yan si Glenn.
***
“Oo sige. Uuwi ako mga 7 mamaya. Oo nga sige basta hintayin mo ko.”
“Sino yun Glenn?” tanong ko sa kanya, parang sobrang importante naman para iwan niya ko. Or OA lang talaga ako?
“Si Geline”
Ang tipid naman. “Oh, bakit pa siya tumatawag sayo?” Naiinis kong tanong sa kanya. Sino ba naman hindi maiinis sa ganung eksena. By the way, si Geline nga pala ang ex ni Glenn, siya yung dating kinababaliwan ni Glenn. Ewan ko ba kung bakit ganyan pa rin sila kaclose. Naiinis lang talaga ako. Friends na lang daw sila sabi ni Glenn.
“Pinapapunta niya lang ako sa kanila, uuwi ako ng 7 ha? May kukunin kasi ako yung gamit ko sa kanila naiwan ko kahapon.”
Hay nakuuuu! Tama ba rinig ko? NAIWAN KO KAHAPON. So galling siya kahapon kila Geline? Ano ba meron yang babaeng yan bakit hindi maiwan iwan ni Glenn? Sobra ng nakakainis, ang sakit! Ramdam niyo ba?
“Sino na naman to Glenn?” nakita ko kasing may messages ng isang unregistered number sa cellphone niya. Alam kong privacy yun pero nakagawian na.
“Si Geline lang yan. May nakalimutan nga lang ako sa kanila diba? Sige uuwi na ko para makapunta na ko sa kanila, pagkakuha ko uuwi rin ako agad.”
Fine. Wala na kong masabi kundi yun na lang. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, siguro dahil ex niya yun pero ganun pa rin sila kaopen sa isa’t isa na ang sakit sa nararamdaman ko.
