May,03,1994
Malakas ang tugtog na nagmumula sa mamahaling sasakyang kinalululanan ni Ysabel,relax na relax siya sa pagkakaupo sa kanyang bago at magarang sasakyan,habang sinasabayan ang magandang tugtugin.,
Bukas ang salaming bintana ng sasakyan,mas gusto kasi niyang langhapin ang sariwang hangin sa probinsyang iyon.
Dahil Hindi Niya iyon nalalanghap sa lungsod ng MaynilaNaalala niya ang kaganapan bago ang graduation, ang paghihiwalay nila ni Steve.
Kaklase niya ito sa kursong fine arts ,isa rin itong modelo at Hindi basta basta ang pamilyang pinagmulan. Katunayan nagsisimula ng umusbong ang kanyang karera ,lumabas ang kanyang nobyo sa isang pelikula, na medyo mainit ang tema ,naka pareha nito ang maganda at ubod ng seksi na si Paula Bromeo ang pinaka hot na babae sa larangan ng showbiz,at duon na nagkaroon ng lamat ang kanilang dati ay mainit na relasyon.
Naging tampulan siya ng tukso ng mga barkada,marami siyang narinig na salita ."Akala ko wala ng makatatalo sa ganda mo Ysabel Dela Veria.
"Hindi ko akalaing kaya ka nyang ipagpalit.
" Sa buong buhay ko na kasama kita, ngayon ko lang nakita na nagmukha kang kaawa-awa..
Maraming salita mula sa kanyang mga kaibigan,ang una sa kanyng pandinig ng malaman ng mga ito na nahuli niya si Steve sa condo ng huli na nakikipagtalik sa maganda at sikat na aktres. At ang mas malala pa ruon ni hindi man lang nagpaliwanag si Steve sa kababuyang ginawa nito sa kanya, ni hindi sya sinundan nito ng lisanin niya ang kondo ng binata. Ganuon kalakas ang karisma ng aktres sa kalalakihan ang dating Steve na sinasamba siya at nagmamakaawang pakasalan niya ay parang isang papel na natupok ng maraanan ng isang apoy.
Hindi siya basta-basta, kung sa talino,ganda at kayamanan ay hindi siya kayang tumbasan ng aktres ,pero iba ang ipinanlaban nito, hindi Santo si Steve kaya ang aktres ang nagwagi sa laban.
Napailing siya ng maalala ang nakaraan, dalawang buwan na ang nakaraan, ipinakita nya Kay Steve na Hindi sya naapektuhan.
Bago magtapos ang klase, lalo niyang pinaghusayan kaya't nakamit niya ang pinakamataas na karangalan bilang isang Suma Cumlaude .
Kaya naman natanggap niya lahat ng luhong idinadaing sa ama , binigyan sya ng ama ng Art Gallery/Room Gallery, para sa kanyang mga Paintings . isang two story building sa Sorsogon malapit sa Hacienda Dela Veria, na pag-aari ng kanyang Lola Cecilla . sa katunayan papunta sya ngayon sa Hacienda Dela Veria para dalawin ang kanyang Lola, ilang taon na rin ang nakalipas ng huli siyang nakatapak sa lupain ng kanyang pamilya, at bago sya magtungo ruon dinaanan niya ang bahay na regalo sa kanya ng knyang ama. At nagustuhan niya iyon.. Malapit iyon sa ituktok ng burol ,tanaw rin ang lawa sa gilid niyon, maaliwalas, bagay na bagay sa kagaya nyang pintor.Naagaw ang kanyang pagmumuni-muni ng biglang tumugtog ang panibagong kanta, sa stereo ng kanyang sasakyan. Nagbago ang kanyang mood, at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. Theme song nila ni Steve ang umiilanlang ,kaya inilipat niya iyon sa Radyo. Subalit blangko at tahimik lamang ang frequencing nasagap sa kanyang stereo.
Pero mas nakagaan iyon sa kanyang pakiramdam.Paliko na siya sa isang makitid na daan,patungo sa bayan ng Santa Monica,ibig sabihin malapit na siya sa Hasyenda Dela Veria,pinaka dulo ang hasyendang iyon. Halos kasinlaki ng dalawang bayan ang nasasakop ng lupain ng kanyang pamilya,kilala sila sa buong Sorsogon at Naga City at sa lahat ng bayang nalalapit sa lugar na iyon. Na miss niya ang kinagisnang lugar ,kayat ng maisaayos niya ang lahat ng kailangang ayusin sa lungsod ay nagpasya siyang duon na lamang magtungo sa kanilang probinsya, pabor iyon sa kanyang ama kayat nang malaman nito ang kanyang desisyon ay agad itong pumayag dahil matagal nang hinihiling ni donya Cecilla sa kanyang ama na dalhin siya sa hacienda, subalit sya lamang ang tumatanggi dahil nag e enjoy siya sa lungsod.
BINABASA MO ANG
Nasaan Ka?
Romance"Matagal kitang hinintay... "Matagal kitang pinangarap... "Pinananalangin Kong makita ka at makasama sa mahabang panahon.. Dahil ,yuon ang aking pangarap.. Pero ngayung nakita kita,ngayung damating ka..... "Gumuho na lahat,ng pangarap ko... Namatay...