Tayong dalawa lang ang naglalaro. Dun ka sa isang dulo. Sa kabila naman ako.Matagal rin tayong naghilahan. Walang may balak na bumitaw. Parehas gustong manalo, parehas ayaw magpatalo.
Pero may sinabi ako. Sabi ko, may mas magandang lubid na pwedeng laruan. Pero magpapaiwan ako, kung sakaling lilipat siya. Sabi ko naman, may makikipaglaro naman sa kanyang iba eh.
Ayaw niya, gusto niya ako daw ang kasama niyang maglaro. Pero pinilit ko pa siya.
Sumuko siya sa pangatlong beses na pamimilit ko. Tinignan ko siya habang masayang pumupunta sa lubid na mas maganda.
Naiwan akong mag-isang naglalaro.