Sa pag-ibig ito'y dapat hindi minamadali dahil ito'y darating lamang sa tamang panahon.., "TRUE LOVE CAN WAIT".. Pero naniniwala ako na kung may mawawala may darating. Pag puso na ang mag didikta wala kana magagawa dahil pag mahal mo ang isang tao handa ka gawin mapasaya lamang siya ...
May dalawang nagmamahalan ni isa sa kanila alam nila kung gaano nila ka mahal ang isa't isa. Nagsimula ang kanila ibigan sa murang edad na 15 ang babae at 17 naman yung lalaki. We can't say na yung pag-ibigan nila ay isa lamang na puppy love, kasi sa kanilang pag-ibigan nagtagal sa 4 na taon at ito'y na punta sa kasalan.Sa mga mura nilang edad sila ay nagtulungan magsikap para sa kanila pagsasama, dahil alam nila na maraming naninira sa kanila dahil daw sila ay mga bata pa at maghihiwalay lang daw sila at hindi daw aabot nga isang taon ang kanila pagsama.
Pero bago pa nagpunta sa kasalan marami pa silang mga pag pagsubok na nadaanan. Ito si Sophie mabait, friendly at higit sa lahat masayahin. Si Liam naman gwapo, sobrang bait at ito'y napaka talented. Nagkakilala sila sa school nila, hindi man sila kaklase ngunit ang kaibigan ni Liam ang ka klase ni Sophie. Si sophie ay may kaibigan mula pa ng elementarya pa sila ito'y pinagkatiwala nya sa lahat ng mga lihim nila sa isat't isa na nagpangalan na si Celine. Sa hindi inakala ni Sophie na ito best friend nya ay may lihim na pag tingin sa boyfriend na si Liam.
Isang araw may hindi nagka unawaan ang magsyota at itoy napunta sa hiwalayan. Si liam ay hindi mapakali at hindi nya kaya mawala sa kanya ang mahal nya humanap siya ng paraan para magka balikan sila ni sophie. Itong si sophie naman kahit alam niya na nagsinungaling siya sa sarili niya na mahal pa niya si liam ay talagang pinag iral niya ang kanyang ugaling ma pride..Nag share siya sa kanyang feeling sa best friend niya na si Celine, ngunit itong kaibigan niya pala ay may balak na agawin sa kanya si liam na kahit alam pa niya na mahal pa ni liam yung best friend niya. Dumating ang isang araw na nag kita ang dalawa sa park na sina liam at celine, sa tagal-tagal nila hindi pag kikita ni sophie naisip ni liam na ligawan nalang niya si celine para lang maka punta siya sa baryo nila ni sophie at celine. Sinagot naman ni celine si liam kahit alam niya na mahal pa ni liam si sophie at lalong alam nya na mahal pa din ito ng best friend niya.
Pero hindi nag tagal ang kanila relasyon dahil hindi nag work ang guto ni liam na makit niya lang si sophie..Hiniwalayan niya si celine at nag decide siya puntahan niya si sophie para mag usap. Mga ilang araw nakalipas nagbalikan ang dalawa ngunit walang binangit si liam kay sophie tungkol sa kanila ni celine dahil sa sobra niya takot na mawala ulit ang babae pinaka mamahal niya. Magkasama sila gumala sina sophie at liam at yong best friend niya traydor na si celine na naging boyfriend niya ang kaibigan naman ni liam. Silang apat ang laging mag sama at itong si sophie na talagang walang ka alam-alam tungkol sa dalawa.
At ng dumating na araw na nalaman na ni sophie ang lahat, tinawagan niya si liam upang mag usap at gusto ni sophie liwanagan ang lahat kung bakit ito nagawa ni liam sa kanya. Mga ilang oras dumating si liam sa bahay nila ni sophie. Nagulat si Liam ng nalaman ni sophie ang tungkol sa kanila ni celine. nag paliwag si liam kay sophie na nagawa niya iyun dahil wala na siya maisip na paraan dahil sa panahon na iyun, gusto niya makita at makasama si sophie ngunit alam niya malabo ito mangyari dahil alam niya may galit sa kanya si sophie. Gusto makipag hiwalay si sophie kay liam ngunit ayaw na ni liam na wala ulit ang babae mahal niya. Nagyaya si liam na magpakasalan niya si sophie, pero ayaw talaga ni sophie maniwala sa kanya at naisip ni sophie na baka nagyaya lang ito dahil biglaan ang pag disisyon na makipag hiwalay sa kanya.Galit na galit si sophie kay liam, at hindi nag tagal ang binata pinaalis ito ni sophie.
Ilang araw di na nag text si sophie kay liam, pero si liam nag imbeta na sa pamilya niya na handa na siya pakalan si sophie at gusto na niya umakyat ng manhikan. Pumayag ang pamilya ni liam at agad-agad ito nag set ng date kung kailan. Nag text si liam kay sophie na pupunta siya bukas sa bahay nila at makipag usap siya sa mga magulang niya.Hindi alam ni sophie na magpapaalam na si liam sa mga magulang niya na magpapakasal sila.
Kinabukasan nagpunta si liam sa kanila at talag humarap at namamaalam na handa na siya pakasalan si sophie. Hindi mapaliwanag ni sophie ang kanyang naramdaman, kung bakit ito ginawa ng kanyang nobyo.Nang natapos ang manhikan nila naka pag decide na sila na ikakasal ang dalawa sa buwab ng January.
Dumating ang araw na ikinasal ang dalawa, masaya sila nagsama. Hindi maipaliwag ni Liam ang kanyang naramdaman.
Nang buwan ng Junyo, naka pag decide si nliam na mag-aral siya ulit ng kolohiyo para sa future nila ni sophie bilang mag asawa. Na apply si liam sa school bilsng School Assisstant at ito'y natangap. Nag aral siya sa kursong BSBA. Mga ilang buwan naisip ni sophie na mag apply ng trabaho para sa mga kakailanganin ng kanyang asawa sa school at ito gusto mga apply sa manila. Ayaw sana ni liam na maghiwalay sila dalawa ngunit pumilit ang kanyang asawa na payagan siya dahil ito naman para sa kanila. Ayaw kasi ni sophie na wala siya maitulong sa gastusin ng kanyang asawa, nahiya siya sa bayaw niya na kaptid ni liam na nag papaaral kay liam.
October 1, umalis si Sophie papuntang manila para mag apply ng trabaho para sa kanyang asawa. Tiniis niya ang lahat para lang makapag tapos ang kanyang asawa. At nang lumipas ang isang taon hindi inakala ni sophie na susunod ang kanyang asawa sa kanya, at itoy tinapos lang ang isang taon pag-aaral ng kolohiyo. Nagsama ang dalawa sa manila kasama ang kamag-anak ni liam. Gusto sana mag trabaho ni Sohpie ngunit ayaw siya payagan ng kanyang asawa na si Liam, dahil gusto ni liam na makabawi siya sa kanyang asawa na pag sisirbiyan ang taong mahal niya. Si Liam naka pag trabaho siya sa pabreka ng Pasig. Masama naman si Sophie kahit naboboringan na siya minsan sa bahay nila, kaya naisipan ni Liam pag maka sahud siya ipapasyal niya si Sophie sa MOA. Makikita mo sa dalawang mag asawa kung gaano sila ka saya nag sama at kung gaano nila kahalaga ang isa't isa.
At nang dumating ang isang araw, may problema si Liam sa kanyang ina ngunit wala siya magawa. gusto sana niya uwiin ang kanyang ina upang itanong ang lahat-lahat niya dapat itanong sa nanay niya kung gaano ito ka too ang naririnig nyang mga balita mula sa probinsiya nila. sinabihan siya ng kanyang asawa na dapat tanggapin nalang niya kung ano ang ginagawa ng kanyang ina, ngunit ayaw makinig ni Liam kay Sophie ang ang gusto niya umuwi at maka usap ang kanya ina. nong panahon na iyon hindi maka uwi si Liam dahil nagkataon na wala na siyang trabaho dahil natapos na ang kanyang kontrata sa kanyang trabaho. Nakita ni Sophie kung gaano kalungkot ang kanyang asawa, pinayagan nalang niya uuwi si Liam sa probinsiya nila pero ayaw naman ni Liam na maiyan si Sophie dahil gusto niya kabay silang uuwi sa probinsiya nila. Ngunit walang uwian ang nangyari nila, dahil isang araw nakita nalang ni Sophie na nakabitay na ang kanyang asawa. Dahil sa puot at galit ng kanyang asawa nagawa ito nag suicide sa bahay na pinag-uupaan nila. Gulong gulo ang utak ni Sophie nuon, at masakit sa kanya dahil iniwan nalang siya ng kanyan asawa na wala siya ka muwang muwang kung bakit ito ginawa.
Nang nakita niya nakabitay ang kanyang asawa dinala agad agad nila sa hospital si Liam, naka abot pa siya ng tatlong araw sa hospital bago siya namatay. At nang makita ni Sophie na patay na ang kanyang asawa hindi niya agad agad matanggap ang pangyayari ng kanyang asawa. Sa sobrang sakit nagwala siya sa hospital at hindi niya alam kung ano nalang ang kanyang gagawin ngayon wala na ang kanyang asawa.
Sa araw na nalibing na si Liam, umuwi si sophie sa probinsiya nila ni Liam upang makapag limot sa mga sakit na naiwang ala-ala nila ni Liam. Hanggang naisipan niya mag-aral ulit para ipatuloy ang kanyang mga parangap na hindi natupad. Nag aral si Sophie sa kursong Edukasyon pang Elementarya at nyayon nasa 3rd year college student na siya.
MAG AASAWA KAYA ULIT SI SOPHIE PAGKA TAPOS NG KANYANG PAG-AARAL???--- ABANGAN---