Chapter 10

13.3K 367 52
                                    

Chapter 10

Mabilis na tumakbo sa isang pasilyo sina Bloom at Lucile. Hinahanap nila ang kinaroroonan ng fire-exit. Mas safe kasi kung doon sila dadaan palabas. Biglang napahinto sa pagtakbo si Lucile ng biglang may humila sa kanyang leeg at kinaladkad siya paatras.

"B-Bloom!" sigaw nito.

Napatigil sa pagtakbo si Bloom at napabuwelta siya pabalik. Nakita niyang kinakaladkad ng isang goon ang kasama niya. Pumikit siya at inalala niya ang mga naituro ni Clear sa kanya tungkol sa self-defense. Tumakbo siya papunta sa dalawa.

"Bitawan mo siya!" matapang niyang wika.

"Mayabang kang babae ka ah!"

Napalunok siya ng itutok nito sa kanya ang hawak nitong baril pero naging maagap si Lucile. Kinagat nito ng mariin ang braso ng lalaki.

"Argh!!..."

Nabitawan nito ang hawak na baril pero binalingan nito si Lucile. Sinabunutan nito ang dalaga at pilit namang lumalaban ang huli iyon nga lang ay mas malakas ang lalaki.

"Hayop kang babae ka!"

Akma nitong sasampalin ang babae pero tumakbo agad si Bloom at mabilis na tinuhod ang lalaki sa pagitan ng mga hita nito. Tinusok din niya ang dalawang mga mata nito. Napaluhod ito at hindi malaman kung ano ang gagawin. Mabilis na pinulot ni Bloom ang baril at hinila patakbo ang kasama niya.

"Marunong ka niyan?" tanong ni Lucile.

"Ewan ko!"

Pagliko nila sa isang pasilyo ay nakasalubong sila ng isa pang lalaking goon, nakaumang baril nito pero kumilos agad si Bloom. Mabilis niyang itinutok ang baril sa kalaban at pinaputok iyon. BANG!!...

"Eeeeh!!!..."

Natumba si Bloom dahil sa lakas ng impact. Agad naman siyang itinayo ng kasama niya. Hindi na siya nag-isip ng kalabitin niya ang gatilyo ng baril. Basta kumilos na lang ng kusa ang katawan niya kanina.

"Tinamaan ko ba?" maang pa niyang tanong.

Tumingin si Lucile doon sa goon. Nakahiga ito at hindi gumagalaw.

"Ang galing mo, tinamaan mo nga! Marunong ka nang bumaril!"

"Marunong nga ako!"

Natawa sila ng mahina at agad na tumakbo palayo. Nakita nila ang daan papunta sa fire-exit at may nakasalubong na naman sila. Mabilis na iniumang ni Bloom ang baril.

"Oops! Ako ito, love!" sigaw ni Clear.

Napakurap si Bloom at napahinga ng malalim. Nanghihina niyang ibinaba ang hawak niyang baril..

"Tara, sumunod kayo sa akin! Nandiyan na ang mga back-up!" wika pa ng binata.

"OKAY!" halos sabay pang sagot ng dalawa.

Bahagyang binagalan lang ni Clear ang takbo niya para makasabay sa kanya ang dalawang-babae. Akma na siyang lalabas pero nakita niyang maraming kalaban ang nakaabang. Mabilis siyang umatras at nagsenyas sa mga kasama niya.

"Atras! Inaabangan tayo sa labas! Naka-ambush position sila." wika niya.

Napatigil sa pagkilos ang mga babae at yumuko.

"Ano nang gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Bloom.

Nagtiim ang mga bagang ni Clear at nag-isip. Ilang sandali pa ay nakaisip na siya ng paraan.

"May salamin ba kayo diyan?" tanong niya.

"H-Ha?" gulat na react ni Lucile.

Maging si Bloom ay napakunot-noo.

MEN IN ACTION 6: CLEAR IMPERIALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon