Chapter 32: Paranoid
Gaya nga ng sinabi ni Alex kanina, sa labas na kami nag almusal. Dumaan kami sa isang restaurant na nag ooffer ng breakfast.
"Are you sure you're alright? Pwede naman na ako nalang muna ang magbantay kay Aki sa school." Sabi ni Alex pagkatapos magbigay ng order namin.
"Why, Tita are you sick?" Nag aalalang tanong ni Aki.
Umiling ako. "No Aki, just a little bit.. Uh.." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tama bang sabihin kong I'm sore? Pero kapag naisip kong babanggitin ko yun ay nagkakaroon ng malisya sa utak ko.
"She's just sore." Balewalang sabi ni Alex na ikinalaki ng mata ko. Nakita ko pa ang pagpipigil nito ng ngiti.
"Sore? Why? Did you fell again on your bed tita?" Tanong pa ni Aki.
Sinamaan ko ng tingin si Alex pero ganun pa rin ang hitsura nito. Binalingan ko si Aki.
"Ah.. Yeah. After I fell, I think I was sore all over." Sinadya kong diinan ang sore sabay sulyap kay Alex.
Nagpapatay malisya pa rin ito. He was biting his lower lip to prevent himself from smiling or laughing. Hindi na ako nakatiis kaya sinipa ko ang paa niya sa ilalim na hindi naman nito ininda. Sininangutan ko nalang siya.
"Huh? You should have rest tita just like before so you'll be okay." Ani Aki.
I patted his head. "But I'm okay now. Don't worry."
"Okay po."
Hindi nagtagal ay dumating na din naman ang pagkain namin. Habang kumakain ay palihim akong inaasar ni Alex. Hinayaan ko nalang siya. Baka may mahalata pa si Aki, nahihiya ako.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa school ni Aki. Hindi na umalis si Alex at sinabing sasamahan niya nalang daw ako doon. Pinagtitingan tuloy kami ng mga magulang pati ng mga yaya na naroon.
"Alex, okay lang ba 'tong set up natin? Kasi kung may relasyon na tayo eh di para na tayong naglilive in? Baka mag isip ng masama ang ibang tao na makakaalam." Nag aalalang sabi ko. Medyo lumayo kami sa karamihan at baka marinig pa kami.
"Bakit naman? At ano naman kung may relasyon tayo? Magpapakasal na rin naman tayo. At saka wag mo silang isipin." Balewalang sagot nito.
"Pero baka makarating kay Aki. Baka maapektuhan siya. Ayoko lang na mangyari yun. Bata pa kasi siya, baka mabully." Nag aalala pa rin sabi ko.
"If that's what you're worrying about, then why resign on your job as Aki's nanny and marry me instead? If you want we can do it right away." Seryosong sabi pa nito.
Napanganga ako. Hindi makapaniwala. "Are you serious?"
"Do I look like I'm kidding?" He retorted.
Umiling ako. "P-pero.."
"Let's get marry. Kahit civil muna. Para kapag may kumuwestiyon sa atin may ipapakita tayo sa kanila. Ayoko din naman na mahusgahan ka ng ibang tao."
"Sige payag ako."
Wala na din naman akong magagawa. Like other girls, nangangarap din naman ako na magkaroon ng bonggang kasal. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na kailangan na magpakachoosy pa. Lalo na ngayon na hindi na namin maitago ni Alex ang relasyon namin sa isa't isa. At alam kong kahit nauuso na sa panahon ngayon ang pakikipaglive-in, alam kobg marami pa rin ang kukuwestiyon at manghuhusga kapag nalamang tumitira ako kina Alex lalo at hindi pa kami kasal at hindi naman na ako nagtatrabaho para sa kanya. Hindi lang din naman ito para sa sarili ko. Nag aalala din naman ako kay Aki. Bata pa siya at ayoko siyang naguguluhan sa mga bagay bagay kahit na alam ko namang matalino siyang bata. Still, he was still a kid. Ayokong itanim sa isip niya na okay lang ang ganitong set-up sa pagitan ng isang babae at lalaki.
"Mamaya aayusin ko kaagad ang kailangan na papeles so we could get marry tomorrow. Pero okay lang ba na hindi muna kita maipapakilala sa family ko? I mean, may kanya kanya kasi silang schedule hindi ko sila mapagsasama sama lahat lalo na at madalian ang gagawin natin." Anito.
"Huh? B-bakit bukas kaagad? Hindi naman natin kailangan magmadali." Katwiran ko. Nakakalungkot din naman kasi. Gusto ko din naman maipakilala ako ni Alex sa pamilya niya bilang girlfriend niya.
"Remember na alam ni Maja na may relasyon na tayo at nakatira ka sa bahay? I still don't trust her. Baka magtsismis siya or something. I don't know. Masama ang kutob ko sa kanya." Anito.
Oo nga pala. May alam na si Maja sa relasyon namin. Kailangan na nga siguro namin madaliin ang kasal namin. Lalo pa at hindi rin maganda ang kutob ko sa babaeng yun. Nakakatakot ang aura na nakapalibot sa kanya. Lalo pa kagabi na hindi miminsan na nahuhuli ko siyang matalim ang tingin sa akin. Pakiramdam ko may gusto pa rin siya kay Alex eh.
"Okay sige. Ikaw na ang bahala." Sabi ko nalang.
"Mamaya tatawagan ko na din ang agency nung naglilinis sa bahay na gagawin ko na siyang regular at stay-in sa bahay. Mag hahire na rin ako ng iba pang kasambahay. I don't want you to do all the chores."
"Huh? Okay lang naman ako. Pero mas maganda na rin na may kasambahay ka. Medyo mahirap nga ang gawaing bahay lalo at malaki pa ang bahay mo." Sabi ko.
Kinuha nito ang kamay ko. "Bahay natin. Bahay na natin yun." Pagtatama nito.
Lumabi ako. "Hindi kaya. Bahay mo lang. Wala naman akong naiambag dun para maging bahay ko din yun noh."
He chuckled. "But you're going to be my wife soon. So it means, bahay mo na rin yun."
Aangal pa sana ako ng magsalita ulit ito. "Isang tanggi pa at hahalikan na kita dito."
Nanlaki ang mata ko sa banta niya. Minsan pa naman kapag ganyan na ang biro o banta niya ay ginagawa talaga nito. Although on second thought, miss ko na agad ang halik niya, pero madaming tao dito at may mga bata pa, kaya hindi pwede.
Tinampal ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Hindi ko alam na ganyan ka pala kapervert Mr. Raven."
"Not really. Only when it comes to you."
"Bolero ka rin eh."
"No I'm not. I'm just telling the truth."
Natawa ako. "Oo na. Ewan ko sa'yo."
Nagkulitan lang kami roon at nagkaroon ng sariling mundo habang hinihintay si Aki.
Maya maya ay nakaramdam ako na parang may nakatitig sa akin. Kaya nagpalingon lingin ako. Baka naman kasi yung mga naging kaibigan ko lang na mga yaya ang nakatingin sa akin, pero wala naman ni isa sa kanila ang nakatingin sa akin. Busy ang mga itong nakikipag usap sa bawat isa.
Napansin ni Alex ang ikinikilos ko kaya nagtanong na ito.
"What's the matter?"
"Huh?"
Nakatingin ito sa akin na may pagtataka. Umiling ako at pilit na ngumiti.
"Wala naman."
Baka naman guni guni ko lang yun. Pero bakit ganun? Dama ko talagang may sumusunod ng tanaw sa bawat galaw at kilos ko. Sana naman ay guni guni ko lang talaga ito. Dahil sa totoo lang, nakakaramdam ako ng kilabot at kakaibang kaba na may mangyayaring masama sakin. I just hope that I was just being paranoid.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven