Parallel

53 8 4
                                    




Parallel

IamSkieee

"WE are the two lines, that never ever intersect "

Jaime Lucero and Lester Cedrick Torres

---*

Jaime Pov.

"Mom, pupunta lang po akong park. Magkikita po kasi kami ni Drew. " paalam ko kay Mama. Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa park. Pero bago pa ako makarating doon ay napansin ko ang isang lalake na nakasuot ng isang T-shirt na kapareha ng suot ko. I-t c-can't be...

"Jaime? Ikaw na ba yan? " Hanggang ngayon pala ang gwapo mo pa rin, Cedrick.

"Oo, ako 'to Cedrick. si Jaime. " nakangiting saad ko. Nabigla ako ng lumapit siya at niyakap nya ko.

---*

Do you remember how it felt like?
I still remember how the days that end, the weeks and months
we were together for so long
I haven't noticed, that we're falling down too fast

--**

Naalala ko nung una nya kong yakapin ng ganito.

[]Flashback []

"Jaime! " Ha? Boses ni Cedrick yun ah. Hinanap ko yung boses nya at andun lang pala sya sa may likod ng puno. Lumapit ako sa kanya, at uupo na sana ng bigla nya kong hilahin at niyakap.

"Jaime, you're right. She's a cheater. She cheated on me. She hurt me. " malungkot na sabi nya. Wala naman akong nagawa kundi ang pagaanin ang loob nya.

"Cedrick, okay lang.. Marami pang babae dyan. Marami pang magmamahal sayo. Katulad ko? De, joke lang. Haha. Cedrick, tandaan mo na dumating sila hindi para saktan ka kung hindi turuan ka. Cedrick, magtatanong ako ha? Ano ang natutunan mo kay Pat? " mas hinigpitan nya pa ang yakap sa akin at sinagot ang tanong ko.

"Sa babaeng malandi na 'yun? Wag kang magmahal ng todo, magtira ka sarili mo. Kasi kung hindi ka magtititra sa sarili paano ka na lang pagnawala sya? I'm happy and at the same time thankful because you are here to comfort me. You are here when I always feel down. "

Hindi na ko muling nagsalita pa at niyakap na lamang sya ng mahigpit.

"Cedrick, hindi kita iiwan. Hinding-hindi... "

[]End of flashback[]

"C-cedrick, d-di ak—o makah-hing-ga! " Bigla naman syang bumitaw.

"Sorry, namiss lang kita Jaime. Musta? " Ako din Cedrick, namiss kita. Miss na miss.

"Maayos naman ako. Teka, baka naghihintay na sakin si Drew. " tumakbo ako papuntang padulasan, ramdam ko naman na sumunod sa akin si Cedrick.

"Drew? "/"Pat? " sabay naming tawag sa dalawang taong masayang nagpapadulas.

"Hi Babe! " sabay halik sa pisngi ko ni Drew.

"Cedrick, kanina pa kita hinihintay. " malambing na sabi ni Pat kay Cedrick. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako kay Cedrick, at saktong pagtingin ko sa kanya ay tumingin din sya saken.

--*

If I could take it all back
I still want you by my side.
If only I could bring you back to me
If I could go back in time
promise we won't say goodbye
I never really moved on,
No, not in time...

--**

[]Flash back[]

"Cedrick, look into my eyes. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon