Chapter 34

59.8K 1.4K 118
                                    

Typo errors are a lot.

Chapter 34




"Shit." Gusto na talaga niyang magmura dahil sa ginawa niya. Kararating lang ni Vanessa sa council room matapos mangyari iyon sa kanilang dalawa ni Samuel. She just freaking kissed him! Hindi lang simpleng kiss, but it was a very long kiss. The heck. She kissed him outside the campus and in front of Adrian!

"Napakagaga mo talaga, Vanessa." She said to herself. Gusto na talaga niyang magpalibing ng buhay dahil sa kahihiyan na ginawa niya. And she also freaking agreed na magchecheat siya kay Samuel Ignacio. She's really in big trouble.

Huminga naman siya ng malalim bago inayos ang mga gamit niya. Pababayaan na lang muna niya ang mga nangyayari. She doesn't want to add it to her stress. She'll just let it flow.

Lumabas naman kaagad si Vannie sa student council room. It was just a fine day. The issues between her and fraternity also subsided already. Parang naging normal lang uli ang takbo ng university. Well, extra normal when the Alpha Gamma Phi fraternity has been quiet. Suspended pa kasi ang ibang mga miyembro nito and adding that—Samuel Ignacio transferred to another school.

Hindi ba niya alam kung tama ba talaga ang ginawa nitong desisyon. Siguro dati, she doesn't want him to transfer pero when things were getting deeper between her and Sam, mabuti na lang siguro na nagtransfer ito. If he didn't, baka mas lalo lang siya mabubuwisit—especially when she agreed to cheat with him.

Pagkalabas niya ay saktong nasalubong naman niya ang kaibigan ni Sam—si Jared Montessor. He was just walking together with another guy pero nang mapansin din siya nito ay huminto ito.

He smirked at her, "Looking good, huh, Miss Velasco?" Anito—double meaning. He was acting strange. Ni hindi nga ito naiinis sa kanya. She knew, everyone in the fraternity dislikes her.

Naguluhan naman siya sa sinabi nito.

Tumawa naman ito bigla, "I guess, I'll get used to it. Ciao." Pagkatapos ay umalis kaagad ang mga ito. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito. What is with this guy?

Nagulat naman siya nang tumunog ang phone niya. Kinuha naman niya iyon sa bulsa at binuksan. She just got a message from her FB messenger. Galing iyon sa kaklase niya.

Gladys Hidalgo 1:06PM

Vanniee!! Totoo ba 'to?

Vanessa's eyes got widened the moment her classmate Gladys sent her a photo. Gusto na talaga niyang magpalibing ng buhay. It was a pic of her and Samuel kissing outside the campus. Bago pa lang nangyari iyon tapos may nakakuha na kaagad ng picture? What the hell.

Kaagad naman siyang tumingin sa newsfeed niya. Most of the newsfeed were talking about the damned pic! Pati mga professors niyang friends niya sa FB, nakikichismis na rin sa comment section sa post 'nung isang estudyante ng university.

Gusto na talaga niyang i-umpog ang ulo niya dahil sa sobrang kahihiyan. Ang bilis naman yatang kumalat. Shit.

May nakita pa siyang nagshare na ang caption na nilagay sa picture ay 'Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari, dati gusto niyang ipabagsak ang AGP, but look now, she's kissing the AGP fraternity itself!'

Gusto na talaga niyang mainis sa mga nangyayari. It was just an hour ago! Ang bilis naman kung makakalat ang mga estudyante sa university. And they made it seem she was betraying or a good for nothing person.

She immediately texted him. Malamang alam din nito na kumakalat na ang mga pictures.

To: Hoodlum

The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon