Chapter 2

7 1 0
                                    

Habang papunta siya sa venue ng client niya sa may eastwood, napaisip siya sa sinabi ng bestfriend niya.

Am I really that naive?

Inalala niya ang lahat ng heartbreaks niya well hindi naman lahat, hindi na niya siguro maalala ang iba.
Inalala na lang niya ang mga matitindi.

First Year High School
Name: Franco
Span of time to Fall In love: one week

Math geek pero basketball athlete. Third year high school siya..
Sobrang nahumaling dito na tipong araw-araw ay pinapadalhan niyo si Franco ng sulat kahit 1/4 lang ang papel. Puro "i love you" lang naman nakasulat.
Akala niya natutuwa si Franco sa mga sulat niya pero nung nakilala niya na si Krystal pala ito, sinabihan siyang itigil na niya ito dahil wala siyang gusto dito. Okay na sana kaso sa harap ng buong klase niya sinabi ito. First love dies.
Che.

Fourth Year High School
Name: Joxer
Span of time to fall inlove: One month

Manliligaw ni Krystal. Ito kasi yung taong puro may syota na mga kaklase niya kaya naisipan niya sa Christmas Party nila sasagutin na niya si Joxer. Habang practice nila ng acapella sa kantang "Pasko na Sinta ko", nakita niyang may ibang ka-holding hands si Joxer.
Naudlot ang love story ni Krystal dito. #Taksil

Second Year College
Name: Ferdinand
Span of time to Fall in love: 4 Days
Mabait at maginoo itong si Ferdinand. Sobra silang naging close at nagconfess na sila sa isa't isa ng pag-ibig. Sa araw na magiging opisyal na sana sila ay nag crash ang eroplanong sinasakyan ni Ferdinand galing Japan pabalik sa Manila. #Saklap

Last Year Lang
Name: JC
Span of Time to Fall in love: One week
Isang client na ni-hire siya to plan his parents' silver anniversary. Higit sa tatlong linggo din silang nagkasama dahil gusto ng binata na para maging isang reunion narin ito dahil imbitado lahat ng pamilya nito. Maalalahanin at gentleman si JC. Kaso, platonic ang tingin niya kay Krystal. Hinanapan pa nga ng irereto dito e. Tadhana, y u do this?

Nasira ang pag iimagine ni Krystal ng niyugyog siya ng assistant niya.

"Ma'am Krys.. nandito na tayo.."

"Ha-a?"

"Nandito na po tayo."

"Ahh."

"Ma'am Krys okay ka lang ba? Bakit parang naiiyak ka na?" Nag aalalang tanong ni Jiji sakanya.

"Ahh. Di no." Sabay labas ng wallet at tago ng mukha. "Manong bayad ho. Keep the change."

"Tara na." Aya nito at lumabas na.

After 20 minutes.
"Jiji. Sigurado ka bang sa Starbucks gusto makipagkita nung client?"

"Opo, Ma'am. Tignan mo text o..." atska inilabas nag cellphone niya at binasa. "Sa Starbucks eastwood na tayo magkita. Thank you. See you!"

One thing na pinakaayaw kasi ni Krystal ay nasasayang oras niya at isa pa may kameeting pa siya mamayang 7pm.

"Mag alas kuwatro na o."

Biglang may lumapit na babae sakanya.

"Hi. I'm Jaime." Inabot niya ang kamay niya. At naupo sa opposite side.
"Sorry, I'm late. I had to lie to Andrew pa to get here."

"Oh no, it's okay. Ahm, order ka muna?"

"Oh, no need."

Napatitig si Krystal sakanya.

Ang gandang babae naman nito. Kahit di katangkadan. Walang pores at ang ganda ng fashion sense.
Lip gloss at blush on lang sapat na. Hays. Buti pa siya effortless ang kagandahan.

Letters To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon